55. The Bride

3.5K 185 26
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


GAYA NGA ng sinabi ko kay Rico, hindi ko tinatratong stranger ang mga ex-fling ko. Deserving silang lahat sa second chance. Ang kaso, kasal na kami ni Rico ngayon, at ang chance lang na kaya kong ibigay ngayon sa kanilang lahat ay friendship.

Gaya nga ng sabi nila, hindi mahahawakan ni Rico ang lahat at si Rico ang aasikasuhin nila this time. Nagsariling asikaso rin naman ang boys habang nagkakagulo kami sa girl's room ng mga kasama kong chick.

"So . . . ang alam n'yo talaga, may photoshoot ngayon?" tanong ko habang mine-makeup-an ako ni Heaven.

We didn't have a vanity table kaya umasa siya sa rays of morning sunshine sa bintana ng room namin.

Heaven is a professional makeup artist. Ayokong mag-judge na makeup artist siya kasi mukha siyang dermatologist. Sobrang kinis ng mukha niyang mukhang na-maintain ng glutathione at whitening soap. She's so pretty, at kapag ngumingiti siya, nagiging crescent moon ang chinita eyes niya. At ang girlfriend niyang si Ivory, hindi naman mukhang tibo, but she has that subtle aura na hindi nagkakainteres sa lalaki. They looked good, and I support their love life. Ang cute nila.

"Ronie asked me to bring my makeup kit," Heaven informed me. "I asked why. He just said, may client raw siyang ipakikilala sa 'kin. I never thought it was you." She winked at me and her crescent eyes showed again as she smiled.

"Girl, sobrang shocked talaga ako sa revelation, as in!" hiyaw ni Wynn na tinutulungan si Ivory na plantsahin nang bahagya ang wedding dress kong may ilang fold dahil pinagsiksikan talaga ni Rico sa maleta niya. Since wala silang mannequin, nag-improvise na lang sila sa hanger na isinabit sa hiniram nilang metal rack na sampayan doon sa mga caretaker. Pati nga ang plantsa, hiniram nila sa kabilang bahay.

"Smile, ladies!" Sabay-sabay kaming ngumiti nang kunan kami ni Rox ng photo using her DSLR. "Rico asked din na dalhin ko ang camera set ko kasi may favor siyang hihingin. I never thought din na for this event pala 'yon."

"Why Ronie pala?" tanong ni Tammi na ngayon lang ako inimik ng personal question mula pa kahapon. Nakahiga lang siya sa kama na katabi ko habang pinanonood si Heaven na ayusan ako. Nakapatagilid siya ng higa, alanganing nakasandal sa mga puting unan. "You don't look married. Hindi nga kayo obvious ni Ronie."

"We get that a lot," I admitted. "Hindi kasi kami clingy. Even my managers and close friends sa café ko, sinasabi na hindi kami showy."

"Pero clingy ka naman dati, a?" tanong ni Wynn. "Girl, since Calvin days, I know you na, hello?"

"Yeah, sort of," I answered them. "Rico is a surprise, really. I mean, hindi ko kasi talaga siya pinapansin dati."

"We know!" sabay-sabay nilang sinabi na saglit kong ikinapikit.

"So, what made you marry him?" tanong ni Shai na pinaka-clingy kay Rico.

She didn't sound vindictive this time as I anticipated since kanina pa masama ang tingin niya sa akin. Sumulyap ako sa ladderback chair na inuupuan niya. Inaayos niya ang flower headdress na gagamitin ko kasi wala nga raw dinala si Rico na design para sa buhok ko.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now