63. Fallen Inamorato

3.4K 195 19
                                    

I asked Rico kung ano ang sinabi ng mama niya; kung magkikita na ba kami o ano kasi talagang kinakabahan ako na baka bigla akong bulagain pagbalik namin sa Manila. Pero sabi naman niya, nasa Zamboanga raw ngayong week si Malevolent Mum. Babalik daw soon at mag-ready na lang kami.

Hindi ko alam kung lalo ba akong dapat ma-pressure o makakahinga na ako nang maluwag dahil doon.

Nagkanya-kanyang ligo na sila pagsapit ng alas-otso y medya. The weekend was almost over at kailangan na naming bumalik sa iniwan naming buhay sa Manila.

Almost ten in the evening, hindi na kami nakisali ni Rico sa pag-aayos ng sarili dahil kaya naming makauwi kahit nakapambahay lang. Boss kami ng mga buhay namin, pero itong barkada ni Rico, deretso sa commitments nila.

Matapos ang ilang oras na pag-aayos sa sarili, doon ko na-feel na hindi lang basta normal citizen ang mga kasama ko. Oozing with class talaga sila at magagaling magdala ng damit.

Heaven wore a heavy makeup and a mini skirt. Black leather haltertop ang suot niya na natatakpan ng mahaba niyang buhok. Nawala ang pagka-chinita niya dahil sa winged eyeliner and eyeshadows. Dadaan daw sila ni Ivory sa night party sa Tagaytay after this Batangas outing.

Hindi na mukhang magzu-zumba si Wynn. Naka-high ponytail na siya. At kahit nasa beach pa kami, nakuha na niyang magsuot ng red suit and slacks na white bra lang ang pang-ilalim. Tutuloy naman siya sa SMDC condo, sa Tagaytay rin, kung nasaan ang boyfriend niya.

Si Shai na redhead, nakasuot na ng maroon peplum dress at noticeable ang cologne niyang nasapawan ang amoy ng lahat. Sobrang tapang na vanilla and floral scent. Susunduin daw siya ng boyfriend niya sa Olivarez kaya doon na lang daw siya ibaba.

Si Rox, naka-gray sweatshirt na agad saka black leggings. Matutulog na lang daw siya sa sasakyan para eksaktong pagbalik sa Manila, magjo-jogging na lang siya papasok sa kanila habang ang mga gamit niya, ipababalik na lang niya kay Will sa studio na same building kung nasaan ang gym nitong huli.

Kami lang ni Tammi ang hindi na nag-abalang mag-ayos. Magpapaiwan daw siya pabalik sa White House, mag-e-extend ng bakasyon kahit isang araw lang.

Yung Alabang Boys, dalawa lang ang kotseng dala—kay Patrick at kay Clark. Wala kasing enough parking space para sa maraming sasakyan kaya tamang desisyon na magdalawang sasakyan na lang. Magpapaiwan daw si Calvin dahil nasa naunang rest house na ang girlfriend niya.

Since kotse ni Patrick ang may laman ng mga gamit nina Heaven at Rox, si Will na ang nagpresintang magmaneho ng kotse niya katulong si Leo para sa mga gamit. Si Clark naman ang bahalang maghatid sa girls na mag-iiba ng daan at hindi namin makakasabay.

Ang ending tuloy, sasabay sa kotse ni Rico sina Patrick, Shai, at Wynn. Nasa backseat kaming tatlo nina Wynn at pinagigitnaan si Shai. Yung dalawang lalaki ang nasa harap.

Ayos lang naman sa akin kung hindi ako ang naroon, pero talagang nanunuot sa ilong ang pabango ni Shai. Kahit ang car diffuser ni Rico, hindi kinayang labanan.

Mahilig naman sa music si Rico, pero hindi talaga siya nagpapatugtog sa kotse. Ewan ko kung bakit. At dahil kilala ko si Patrick na laging may playlist sa sasakyan, playlist niya agad ang nakasalang habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada pabalik sa Manila.

"I would do anything for love, but I won't do that!" pagkanta nina Wynn at Shai habang ginagawang mic ang nakakuyom na kamao. "No, no, no, I won't do that!"

Alas-onse ng gabi, parang lasing ang dalawang katabi ko. And since hindi naman ako KJ, nakikanta na rin ako.

"Will you cater to every fantasy I got?" pagkanta ni Wynn.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon