63. Fallen Inamorato

Start from the beginning
                                    

"Will you hose me down with holy water, if I get too hot?" sunod ni Shai.

"Will you take me places I've never known?" pagtapos ko.

"No I won't do that!" sabay-sabay kami.

Naririnig kong natatawa sina Patrick sa harapan pero wala talaga kaming pakialam.

Ilang oras din kaming kumakanta at ginawa naming carpool karaoke ang sasakyan ni Rico. Nagpalit-palit na nga ng kanta, wala man lang huminto sa amin.

"If you want to go and take a ride wit me

We're three-wheelin' in the four with the gold d's

Oh why do I live this way . . ."

"Hey!" sigaw namin. "Must be the money!"

Si Wynn, masaya talagang kasama. Sina Rox ang hindi ko madalas maabutan dati. Probably kasi kapag may barkada outing, kapag nagdala ng chicks ang Alabang Boys, tatlo-talo kung minsan. I was there, of course. Para nga lang akong ulam na nasa Lazy Boy na iikutin na lang nila kapag gusto nilang tikman. Hindi naman sa ginagawa kong cheap ang sarili ko para ipatikim sa kanilang magbabarkada, pero halos lahat kasi kaming babae, parang pinagpapasa-pasahan lang din sila saka sasaktan. As if namang ako ang pinakamalala sa amin. Mabuti nga, wala rito si Melanie. Gusto ko na rin kasi talagang maka-move on kay Arthas, especially noong mga nakaraang taon noong maging sila ni Myles.

"Dito na 'ko, Daddy Ronie!" sabi ni Wynn at ibinaba na namin siya sa may Ayala Serin.

Si Rico na ang nagbukas ng backseat para sa kanya.

"Bye, Wynn!" paalam namin nina Shai.

"Bye, girls! Bye, boys! Congrats ulit, Jae and Ronie! See you sa next wedding hahaha!"

Pagsara ng pinto, nakita ko pang niyakap siya nang mahigpit ni Rico at ibinigay na sa boyfriend niyang nag-aabang sa may waiting shed. Malaking tao rin ang boyfriend ni Wynn pero medyo chubby naman. Kasintaas ni Rico na mas malusog pa. Pinanood pa naming makipagkamay si Rico sa lalaki bago magpaalam. Mukhang nagpakilala pa bago bumalik sa sasakyan.

Biglang tumahimik sa sasakyan pag-alis ni Wynn. Paanong hindi kami matatahimik, sinusundan namin ni Shai ng tingin ang overlooking ng Taal sa kalsada.

"This is so beautiful," sabi ni Shai na tinanguan ko naman.

Maganda ang night view ng Taal. Parang umuulan ng ilaw sa ibaba. Maliban sa lights ng mga establishment sa daan, iba pa rin talaga ang lights sa overlooking mula sa kalsada.

"Bebu!" sigaw ni Shai nang magbukas siya ng bintana. Damang-dama ko ang lamig ng Tagaytay dahil doon. Higit pa sa lamig na kayang ibigay ng air con sa kotse ni Rico.

"Ronie, dito na me!" sabi ni Shai at tinapik-tapik pa ang balikat ni Rico kahit dinig naman naming lahat na bababa na siya.

Hindi malayo ang Serin sa Olivarez. Wala pang limang minuto na biyahe, naroon na kami sa tapat ng McDo na maraming tao. Parang hindi marunong matulog ang lugar.

Si Rico na naman ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para kay Shai.

"Bye, guys!" paalam niya at niyakap na naman si Rico. Hilig din ni Rico na buhatin siya kapag niyayakap. Palibhasa maliit lang na babae.

Kumpara sa boyfriend ni Wynn, masasabi kong may laban ang boyfriend ni Shai pagdating sa looks. Mukhang may-kaya rin kahit nakasuot lang ng fitted tee, khaki shorts, at running shoes.

Pagbalik ni Rico sa sasakyan, ewan ko ba kung bakit parang nawalan ako ng kasama kahit nasa harapan naman sila ni Patrick.

O siguro kasi ang awkward na silang dalawa ang kasama ko sasakyan. Tanggap ko pa kung si Clark e. Na-miss ko tuloy ang kakulitan n'on. At least, kapag ganitong nagkakaubusan ng laman ng sasakyan, hindi awkward ang silence.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now