SAIT *** Chapter 35

1.7K 52 4
  • इन्हें समर्पित: themoods
                                    

----------

SAIT *** Chapter 35

Zarina’s POV

 

 

 

Nakaramdam ako ng tensyon sa apat na sulok ng kwartong ‘to dahil sa mga binabalak ni Knox.

Sa totoo lang ay inaasahan ko na ang pagiging traydor ni Alicia, pero ang mas gumulat sakin ay ang pagbabalak niyang banggitin ang tungkol sa Blackwidow.

Isa ‘yong hangal na desisyon! Alam niya mismo na isa itong matinding lihim sa pagitan namin nila Master.

Bakas sa muka ng bawat isa samin nila Troy at Billy ang pagtutol sa mga binabalak nito ngunit mabilis na napalitan ng kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko ang bumasag sa tensyon na namumuo samin.

“Continue, Silent Slayer.

 

 

 

Pakiramdam ko huminto ang paghinga ko, ano nalang ang mangyayari once na malaman niya? Ano nalang ang gagawin namin? Ano nalang ang sasabihin ni Master?

Tumikhim muli si Knox at saka diretso tumingin kay Louie na tipong walang pakialam sa presensya namin.

Aaminin kong bahagya akong nainis dahil doon, ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Madalas kasi ay wala siyang pakialam!

“As I said, she works for the Blackwidow. Nalaman kong isa siyang spy sa loob ng COF.. at sa buhay mo.”

 

 

 

Napahawak akong mahigpit sa damit ko sa ilalim ng mesa. Ndi ko alam kung pano mapipigilan ang bagay na ito.

Ndi pa panahon para malaman ni Louie na si Master at ang matagal na niyang hinahanap na Papa niya ay iisa.

Lalong lalo na ang pagiging konektado ni Junno sa Blackwidow!

Ganun pa man, kelan nga ba ang tamang panahon?

She's Always In Trouble ( COMPLETED )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें