SAIT *** Chapter 12

3.5K 92 2
                                    

-----------

SAIT *** Chapter 12

Troy’s POV

Kumpleto kaming lima ngayon bukod kay Max, sabagay ndi pa rin pala alam ni Louie na magkakakilala kami.

Binilin samin ni  Max si Louie bago siya umalis kagabe, ngayon din ang First Fight niya kaya kailangan andito kami.

Kumpleto lahat ng fighters na walang misyon dito sa Fighting Area, Isa yun sa mga rules e. Lahat kami manonood sa bawat laban ng bagong salta, Isa na don si Louie.

Kahit nasa malayo, nakikita ko sa muka niya na kinakabahan siya, siya na ang susunod na lalaban e. Depende lang kasi sa monitor kung sinong makakalaban niya.

 

“The next fighter will be LOUUIIEEE MAXWELLL!!!” Napatingin ako sa ring, tapos na pala yung laban at susunod na si Louie, ndi namin namalayan. Diretso naman akong tumingin sa malaking monitor nang makaakyat si Louie sa ring..

Nakalagay na don yung litrato ni Louie na may pangalan sa ilalim habang yung sa kabilang side nagraramble yung litrato..

Ndi rin nagtagal nang timigil yung sa kabilang side na may litrato at pangalan na, si Joharra. Kaibigan ni Hannah kaya napatingin agad ako sa side na madalas nila pwestuhan, nakita kong may binulong si Hannah sakaniya bago siya tumayo. I just smirk.

Isang taon na din ata dito si Joharra, malakas si Louie kaya ndi ako nakaramdam ng kaba. Tumingin ako kela Zarina na ganun din ang ekspresyon ng muka kaparehas ng sakin.

Binalik ko tingin ko kay Louie na halatang nagulat sa makakalaban niya, inaasahan niya sigurong baguhan lang din makakalaban niya.

Ndi rin nagtagal nang tumunog na ng malakas ang bell, na nangangahulugang dapat na sila magsimula. Lalo namang naghiyawan lahat ng nanonood sa kanila.

Si Joharra ang unang sumugod. Halata ang gigel sa muka niya samantalang si Louie, kalmado lang.

Puro ilag lang ang unang ginawa ni Louie sa bawat tira ni Joharra, ni ndi niya nga matamaan si Louie kaya makikita mo sa muka niya na lalo siyang nang-gigigel sa galit.. Si Louie naman halata ang konsentrasyon sa muka.

Maganda teknik niya. Kinakabisado niya muna galaw ng kalaban.

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Where stories live. Discover now