SAIT *** Chapter 6

4.8K 104 5
                                    

----------

SAIT *** Chapter 6

Louie's POV



Pagmulat ng mga mata ko.. naramdaman ko agad ang sakit ng katawan ko..



Tumingin ako sa paligid saka nakitang nasa tabi si Kylie na nakahiga habang natutulog. Sobrang masakit ang buong katawan ko pero pinilit kong bumangon para icheck si Kylie nang marinig kong magsalita si Shae.



"Idol, wag kana magalala.. natutulog nalang si Baby. Kamusta na mga sugat mo?"



Nakahinga ako ng maluwag saka niyakap pabalik si Shae ng yakapin niya ko, hindi iniinda ang sakit ng katawan.



"Natakot ako, Idol.. Akala ko iniwan mo na din ako." 



Umiiyak na sambit niya saka mas yumakap sakin ng mahigpit na nagpakagat ng labi ko. Hinimas ko likod niya para aluin siya at pinagpapasalamat ko ng mukhang nakaramdam siya.



"Ay sorry, Idol."



Ngumiti ako sakaniya kasabay ng pagbukas ng pinto, sila ate Dolly. Madali siyang tumakbo palapit sakin ng makitang gising na ako.



Agad ko namang nakagat ulit ang labi ng bigla niya kong yakapin habang pinipigilan ang luha. Mahina akong napamura.



"Ahh Ate, natatamaan mo na mga sugat ni Idol. Hehe!" 



Tumatawang umiiyak ni Shae na nagpahingang maluwag pero nagpailing sakin.



"Sorry, sorry, sorry! Super thankful lang ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin kapag may nangyari pang masama sa anak ko. Salamat, Louie." 



Hinimas ni kuya kristof ang likod niya ng magsimula nanaman siyang maging maemosyonal.



"Ate, alam mo namang mahalaga din sakin si Kylie. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sakaniya."



Ngumiti ako kay ate Dolly.



"Salamat Louie, nakakahiya mang sabihin pero satin dalawa ako dapat ang gagawa nun e.. pero naunahan talaga ko ng takot dahil na rin siguro sa nangyari sa pamilya ni Dolly, pero teka, okay na ba pakiramdam mo? Ginamot ko na mga sugat mo. Grabe, babae ka ba talaga?"

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin