SAIT *** Chapter 34

2.4K 66 4
                                    

----------

SAIT *** Chapter 34

Wyncy Dawson’s POV

 

 

 

“What the fvck, Ezra!? Bakit ganyan ka kadungis? May bangas pa ‘yang mukha mo?!”

 

 

 

Agad na tanung ko nang humahangos na pumasok si Ezra sa kwarto ni Megan. Kasalukuyan kaming nagkkwentuhan dahil kaninang umaga lang siya nagising matapos ang ilang linggo.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, nanatili lang siyang nakatayo habang mariing nakatingin kay Megan. Bakas naman sa magandang mukha ng kaibigan namin ang pagkailang at pamumula ng pisngi. Yiiieeeeee!!!

“Kailangan pa bang itanong ‘yan? Malamang binawian niyan si Hikaru—”

 

 

 

Natigilan si Casper sa pagsasalita nang biglang sumabat si Megan. Kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagsigaw nito.

“W-What? Bakit mo ginawa ‘yon sakaniya!? Tanga ka ba!??”

 

 

 

Agad na gumuhit ang inis sa mukha ni Megan. Ang pinagtataka ko lang, bakit ganyan ang reaksyon niya? Bakit parang naiinis pa siya kung ganon nga ang ginawa ni Ezra?

I mean, alam kong ndi rin magandang ideya ‘yung ginawa niya, lalo’t nagiisa siya pero.. mas tamang magalala nalang dapat siya kay Ezra diba?

“Psh! Wag kang magalala, buhay pa siya!”

 

 

 

Natuon ang paningin namin kay Ezra dahil sa pagsinghal nito. Mukhang napikon siya sa sinabe ni Megan. Sandali ring natigilan si Megan bago lumihis ng tingin.

Wala akong maintindihan. Bakas sa muka namin nila Icys ang pagkalito sa paraan ng paguusap nila.

Oo, alam naming madalas silang magaway at magbangayan pero parang iba ‘yung isyu ngayon. Parang may ibang kahulugan pa ‘yung mga sinasabe nila.

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Kde žijí příběhy. Začni objevovat