SAIT *** Chapter 26

2.2K 78 3
                                    

---------

SAIT *** Chapter 26

Shae's POV

We're having our bestfriend's bonding, yes. WE! Kasama namin ni Idol si Bess. Nakakatuwa nga e. Kahapon lang siya nagpakita samin simula nung graduation, nagsorry pa nga siya dahil umuwi pala siya nun sa Canada agad after graduation. Naintindihan naman namin. Nawala na din yung tampo ko sakaniya. We're best of all bestfriends, remember? Hihihi.

"Idooool. Gutom nako. Kain naman tayo?" Paghila ko sa laylayan ng damit ni Idol. Mabilis naman niya kong tiningnan ng masama kaya bumaling ako kay Bess na naglalaro ng baril barilan sa Quantum. Hehehe! Oo after manood ng sine, dito kami dumiretso.

"Bess.. san mo gusto kumain? Sabihin mo naman kay idol na kumain na tayo." Parehas kasi silang busy sa pakikipagbarilan sa mga halimaw e. Nagsawa nako sa mga games dito tapos nagugutom na din ako.

Binaba naman ni Bess yung baril-barilan saka tumingin sakin ng nakangiti. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko yung ganung ngiti niya sakin kaya ndi ko napigilang mapayakap sakaniya.

"Ohh.. sige na sige na, kakain na tayo.. wag ka nang gumanyan." Natatawang bungad niya. Ewan ko ba, feeling ko kasi kahit nagbalik na siya parang wala pa din siya nung nakaraan. Ndi ko masyadong naramdaman.

Pagkadating ng order namin, sinunggaban ko agad ng kain. Gutom na kasi talaga ako. Hehehe.. Nasa Italian restaurant din kami ngayon. Namiss daw kasi ni Bess ang pasta kaya ayun. Pabor din naman samin ni Idol-

"How's your last birthday, Bee?" Napapout ako sa biglang tanung niya, naalala ko kasing ndi naman ako magiging masaya nun kung ndi dahil kay Phynx at sa kaibigan niyang si Nixon.

Napatingin ako kay Bess pero ngumiti lang siya. Well, I guess wala talaga siyang alam na masama ang loob ko nun. Inubos ko muna yung pagkaing nasa bibig ko bago siya sinagot.

"Okay lang-"

"Did you receive my birthday surprise? And why the heck you're not answering your phone that night? I keep on calling you for several hours."

"Uh.. birthday surprise?" Nanlaki ang mata ko nang magsink in sakin kung anong sinasabe niya. Dalawang box na white yung bumungad sakin sa kwarto pagkagaling ko kela Phynx. White simple dress with white teddy bear ang laman.

"O-Omygod! I-It came from y-you? B-but.. wala namang name kung kanino galing-"

"Yes. Galing sakin yun." Ibig sabihin siya pala yung tumatawag sakin na unregistered number na inisnob ko lang nung magkasama kami ni Phynx sa swing? Nabatukan ko sarili ko sa sobrang katangahan. All this time akala ko nakalimutan niya ang birthday ko. Tsk!

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin