SAIT *** Chapter 49

2.2K 48 1
                                    

-----

SAIT *** Chapter 49

Billy's POV

Naging mali ang akala ko ng makitang ndi naman si Max ang bumaril kay Frixy, pero halos magkandaugaga ang lahat ng bigla nalang din bumagsak si Louie at mawalan ng malay.

Sunod sunod ang malulutong na murang narinig ko kay Max at Junno pero lahat kami natigilan ng may magsalita mula sa gilid naming lahat.

"I told you, Love will make you weak.. bitch."

Sambit ni Jiro habang nakatingin pa rin sa banging kinahulugan ni Frixy at may hawak na baril. Ibang iba na ang itsura niya at halatang sobrang nanghihina na din.

Putangina! Buhay pa gagong 'to!!?? Patay ka ngayon kay Louie. -,

Nakita ko ang pagtinginan ni Junno at Max, mukhang naguusap sa mata.. pero mas naguluhan ako ng tumayo si Max mula sa pagkakayuko nila sa pwesto ni Louie at ikinasa ang baril saka walang alinlangang pinaputok.

Bumagsak si Jiro pero nanatiling buhay. Anakng! Nagabang akong babarilin ulit siya ni Max pero napanganga ako ng makitang basta hinagis nalang niya ang baril saka sumunod kay Junno na naglalakad na paalis habang buhat si Louie na walang malay.

"H-Hahahahaha! Y-You can't kill me with bullet, dumbass! Y-You see this? W-We will die here together! H-Hahahahahaha!"

May ibinato siya sa direksyon namin kaya agad ko 'yon dinampot at nanlaki ang mata dahil sa nakita.

46 seconds left.

"We need to move! May bombang sasabog!"

Mabilis na nagsikilos ang lahat pero walang nagbago sa paglalakad ni Junno at Max. Kumunot ang noo ko pero nasagot ang lahat ng katanungan sa utak ko ng may umepal na unggoy.

"No worries. Para saan pa't nandito ako?"

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan at mula sa isang malaking sanga ng puno ay prenteng nakaupo doon si Matthew habang nakasandal at nakapikit. Kumpara samin, mas konti ang sugat niya... pero sobrang dungis niya ata?

Anakng! Tumakas sa laban ang gunggong! Wala nga kanina 'to ah!

"Tangina mo! Nanjan ka lang talaga?!"

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon