SAIT *** Chapter 48

2.5K 60 0
                                    

-----

SAIT *** Chapter 48

Frixy's POV

"It's me, Louie... It's always been me."

Malamig kong sambit saka ibinaba ang baril na hawak ko. Bahagya akong tumawa ng ndi siya makapagsalita at natulala nalang habang nakatitig sakin.

Louie's totally injured, physically and emotionally.. so I can say na kaya ko siyang patumbahin ngayon din mismo.

Walang kahirap hirap na nakalayo si Pirate kay Louie saka naglakad palapit sa kulungang kinalalagyan ko. Mukhang ndi pa rin matanggap ng sistema ni Louie ang nakikita niya, I wonder kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya.

"Walanghiya ka! Pinagkatiwalaan ka namin!"

Nagkatinginan kami ni Pirate dahil sa sigaw na 'yon ni Zarina. Nakikipaglaban pa din sila pero mapapansin mong ndi na ganun kabilis at kabagsik mga kilos nila.

Ngumisi nalang ako saka lumabas ng kulungan at bahagyang pinunasan ang mukha na puros make up, hinubad ko din ang pangibabaw kong damit na puro dugo.

Yes, ndi totoong binugbog at pinahirapan ako. It's just an act. Tanging si Shae lang talaga ang nasaktan.

"T-This can't be.."

Napatingin ako kay Louie na mukhang ngayon lang natauhan, tiningnan ko naman ang nasa likod ko na inalis na rin ang itim na tela sa mukha niya.. dahilan para tumambad sa lahat kung sino ang kasama ko.

"Z-Zack.."

Ngumiti ako ng matamis kay Louie saka tumabi kay Pirate at hinawakan ang mukha niya.

"Tsk tsk! Poor little boy.."

Mahinang sambit ko saka hinalikan si Pirate. Rinig ko ang pagsinghap nila pero wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob para magsalita.

Lumalim ang halikan namin ng hapitin niya ang bewang ko palapit sakaniya. Nalasahan ko na ang dugo sa mukha niya kung kaya't inihimas ko ang kamay ko sa dibdib niya saka siya bahagyang inilayo.

"W-Who are you?"

Rinig kong sambit ni Louie. Nakangisi lang akong humarap sakaniya saka pinadaan ang mata kay Shae na nakahandusay na sa kulungan.

Nakita ko pang nakikipaglaban na si Phynx sa isang tauhan namin na nakabantay kay Shae pero winalang bahala ko nalang.

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Where stories live. Discover now