SAIT *** Chapter 45

2.2K 50 0
                                    

----------

SAIT *** Chapter 45

3rd Person’s POV

Sandaling tiningnan lang ni Max ang grupo nila Zarina habang papalayo ang mga ‘to sakaniya. Nang ndi na sila matanaw ay agad na bumakas ang pagaalala at takot sa mukha nito.

Alam niya sa sarili na malaking labanan ang mangyayari sa pagitan ng dalawang grupo, ngunit wala na siyang magagawa ngayon kundi tatagan ang loob.

Muli siyang bumalik sa helicopter at binuksan ang laptop saka nagtipa doon. Sinusubukan niyang itrace kung saan mismo sa lugar naroroon si Mrs. Maxwell, at kung tama ba ang matagal na niyang hinala.

Nang makuha na ang kakailanganing impormasyon ay napangisi ito sa kawalan bago inayos ang sarili at sinuot ang dapat isuot.

Halos inabot siya ng isang oras sa paghahanda at paggawa ng mga dapat gawin. Tumingin siya sa relo at napangisi bago tumayo sa mismong bukas na pinto ng helicopter.

6:00PM

Mula sa helicopter na nasa ere ay swabe itong tumalon saka ini-spread ang dalawang kamay at paa habang sinasalubong ang malakas na hanging humahampas sakaniya habang bumubulusok pababa.

Ndi rin nagtagal ng dahan dahan niyang inayos ang posisyon ng katawan kung saan nakatayo na ito habang nasa ere, tuwid ang kaniyang pangangatawan hanggang sa diretso itong pumasok at magpadulas sa isang malaking butas na konektado sa loob ng isang malaking mansyon.

Nang makita ang nalalapit na kaduluhan dahil sa liwanag, ay inihanda na niya ang sarili saka mabilis na inilapag ang kanang paa sa sahig at tumalon ng mataas mula doon.

Nagmistulang malaking chimney ang pinasukan niya ngunit tama ang naging hinala nito na iba ang naghihintay sakaniya sa kinaduluhan..

Mababagsik na ahas ang naghihintay sakaniya sa malaking aquarium na ‘yon, at kung ndi siya naging alerto’y siguradong napuruhan na kaagad siya ng matindi.

 

Tatlong palakpak naman ang namayani sa kaniyang pandinig ng tuluyan na niyang naiposisyon ang katawan.

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt