SAIT *** Chapter 28

2.5K 69 5
                                    

----------

SAIT *** Chapter 28

Shae’s POV

 

 

 

Halos manlambot ang tuhod ko nang matanaw ko sa kinatatayuan ko ang pugot na ulong laman nung box. Kitang kita ko ring inaalalayan na nung Billy yung si Zarina, samantalang si Knox ay ibang iba yung awra na makikita.

Napatingin ako sa gawi ni Idol na napaupo sa sahig habang tulala. Nabitawan niya rin sa kamay niya yung maliit na papel na hawak niya lang kanina kaya nilipad.

Mabilis naman akong lumapit kay Idol at niyakap siya. Malamang kaibigan nila—

T-teka..

Siya yung tumulong samin magdrive papuntang ospital nung nagkaron ng ambush sa resto nung nakaraan.. T-tama ba?

Napaatras ako ng kaunti sa nakita kong nakakatakot na awra ni Knox habang papalapit sa box saka isinara. Kitang kita ko din ang pagkuyom ng kamao niya na sobrang pulang pula na. Nakarinig na din ako ng paghikbi na galing pala kay Zarina.

Bumalik ang tingin ko kay idol pero nananatiling tahimik pa din siya kahit mababasa mo na ngayon ang ang galit sakaniya.. Sa ndi ko malaman na dahilan, nakaramdam ako ng takot sakaniya. Iba yung awra niya ngayon sa nakikita ko sakaniya noon. Mas lumalala pa siya. Ano ba talagang nangyari nung nawala siya?

Muli kong nilibot ang paningin ko sakanila. Sobra yung galit kahit pa walang umiimik sa kanila.

“Bess...” Napatingin ako kay Frix nang tawagin ako. Lumapit ako sakaniya at nakitingin din sa note na hawak na niya ngayon.

Let’s play a game, Louie Maxwell. Are you ready?

-         Your Worst Nightmare

 

 

Napahinghap ako nang mabasa ang nakalagay. Sino ba talaga ang gustong pumatay kay Idol? Bakit nila ginagawa ‘to?

Parehas kaming natigilan ni Bess nang bigla nalang kumalabog ang pinto. Mabilis namang nagbato ng kung ano si Idol dun sa lalaki pero nailagan niya lang ito at sinalo na parang wala lang.

She's Always In Trouble ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon