Chapter Twenty Two

17 0 2
                                    

Authors Note:Isang chapter muna, busy ako e. :(

EXPECT TYPO/ERROR'S!!!!

Confessions
Klein's Point of View

Kabadtrip ampochi, sila na may partner tsk.

"Hoy! Mag ha-hide and seek daw kayo ni Thad, bilisan mo!"

Ayan na naman siya, napakasungit hirap mag 'the moves'.

"Oo, wait lang."

"Bilis!"

"Kakarating ko lang Justine." inirapan niya lang ako at pumunta sa side, nice.

Ilang minuto ang lumipas pero 'di parin ako pumunta, tinatamad ako.

"Hoy! 'Di ba sabi ko do'n sa kabilang room?! Ginagawa mo diyan?!"

Tinitignan ko lang siya ng masama.

Nang bigla niya akong tinutukan ng baril.

"Do'n na!" kinasa niya ito.

Nakakabwisit.

Tumayo ako at habang tumatayo ako nakatutok pa din sakin 'yong baril.

"Pa'no pag ayaw ko?" natatawa ako sa itsura niya, parang natameme na ano.

But I keep my serious face.

"Ge, putok mo." walang emosyong saad ko.

Nang nag-iwas siya ng tingin do'n ko kinuha ang pagkakataong hablutin ang kamay niya, kunin ang baril at isandal siya sa pader.

Bakas sa muka niya ang pagkagulat.

Nakakulong siya sa pagitan ng dalawang braso ko.

HAHAHAH.

"Stop playing with me, you jerk!" ngumiwi ako.

"Really?..."

"I'm not playing with you Justine." may diin banda sa kanyang pangalan.

"Umalis ka nga!" hindi ko ito pinansin sa halip tinitigan ko siya.

'Damn! Nain love ba talaga ako dito?'

"I don't like it."

Aha.

Nilapit ko ang ulo ko sa kanya, ramdam ko din ang pagpupumiglas niya pero mas malakas talaga ako.

"Anong gagawin mo?!" nang mas ilapit ko ang muka ko sakanya, pinigilan niya ako gamit ang kamay niya .

Hindi ko ito pinansin tanging nagawa ko lang titigan siya.

'Ba't ba ang lakas ng tama ko dito? Si Blair nga mas matagal ko pang na kasama pero hindi ako na fall sakanya, tapos dito wala pang one month in love ako? Angas.'

"Ehem" parang si flash akong lumayo ako sakanya sabay hawak ko sa batok ko.

Si Thad.

"Okay let's just say, I saw nothing...."

Shit, awkward.

"Halika na dude, kanina pa kita hinihintay." napatango na lang ako at mabilis na sumunod sakanya.

Pero mga pare, 'di ako makaget over, kabadingan ba 'to?, hindi naman siguro.

"Klein..."

"Oh?"

"Do you like her?"

Para akong nasamid sa sinabi niya.

"Lol, halata huwag mo ng ideny."

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now