Prologue

161 6 0
                                    

Blair's Point of View

Nasa iisang bangka kami ngayon, ewan ko kay Kelsy kong saan na naman niya kami dadalhin, isang school daw pero nasa bangka kami? How pathetic argh.

"Ano ba, malapit na ba?" naiinit na tanong ni Theo,actually lima kami, ako si Kelsy, Theo, Klein at Troy.

"Teka nga! Huwag excited okay?" mataray na sagot ni Kelsy.

Ito na naman kami panibagong adventures, mahilig kami doon since magkakakilala na kami noong high school magkakasama na kami sa mga gantong bagay.

Halos mapatayo ang balahibo ko ng medyo pagdilim sa direksyong tinatahak namin at medyo pagkaruon ng usok usok.

"Alam niyo guys? mabuti pang bumalik na tayo." tumayo ako inagaw ang sagwan kay Troy.

"Come on Blair,malapit na nga tayo." saad ni Klein.

"Kaya nga, may thrill to daanan pa lang oh at wala ng atrasan nandito na tayo." pangisi ngising wika ni Theo.

"Wala akong pake okay? Iba na nararamda---" naputol ang sasabihin ko.

"Where here " ani Kelsy.

Napatayo ang balahibo ko sa nasaksihan ko, may malaking gate na gawa sa bakal at medyo luma na ito, may isang marka sa taas na simbolo ng Academia Del Inferno.

"Ito na yon, Ang Academia Del Inferno? Ang weird ng school na 'to." wika ni Troy.

"Tara na umalis na tayo."dagdag pa ni Theo.

"Mga bakla, andito na tayo aatras pa ka---" biglang nagbukas ang gate ng mag-isa.

"Did you see that?" ani ko.

"Wala namang tao." habang unti unti itong bumukas may tunog ito ng nakakakilabot, kinakabahan na ako.

Pinaupo ako ni Kelsy sa tabi niya at nagpatuloy si Klein at Troy sa pagsasagwan.

"Bi I think we shouldn't do it....may mali." pumulupot ako sa braso niya.

"Kinakabahan ako." dagdag ko pa.

"Andito na tayo eh, wala ng atrasan to." napabuntong hininga na lang ako, sila lang naman ang mahilig sa ganito, majority wins.

Napatingin ako ng bumunggo ang bangka kaya napakunot ang noo ko.

"Tara na." sambit ni Klein,nauna siyang bumaba at kasama na rin si Troy at Theo.

Inalalayan ni Theo si Kelsy, habang ako inalalayan ni Troy "Salamat" wika ko na ikinangiti niya.

"There's no time for you two! Tara na mga love birds." saad ni Klein, palibhasa ikaw ang lonely saating lima.

Nagkibit balikat na lang ako.

May isang daan kaming nasilayan at ang weird, walang araw na tumatama dito tanging fog lang ang nakikita namin dito.

Inilabas ni Troy ang isang flashlight na galing sa bag niya at inilawan ang dadaanan namin.

Pumulupot pa din ako kay Kelsy dahil nakakatakot na dito "We should go back." ani ko.

"Why? Nakatungtong na tayo." saad ni Theo.

"Yeah right." wala na akong nagawa kundi sundan na lang sila.

Sino ba naman kasing hindi aatras sa ganitong masasaksihan hindi ba?

Taimtim kaming naglalakad at sinusundan ang daan na nakita namin, natigilan kami dahil sa nakita naming isang lumang karatula.

"Well come to Academia Del Inferno, there's no exit when you enter hope you'll survive HAHAHAHA." binasa ito ni Kelsy at kita ko ang pangamba sa muka niya.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now