Chapter Three

42 0 0
                                    

Meeting

Blair's Point of View

Lunch!

Nakakamangha ang mga teacher's dito sa lugar na 'to, as in maiintindihan mo ang mga ito, hindi gaya sa dating school namin wala akong naiintindihan lalo na sa math, bakit ba? mahina ako do'n eh.

Nangmakapabas na ang ibang istudyante sa room napansin kong hindi pa umaalis si Ayie sa harap ko .

'Ano ba ang gusto niya?'

"Oh Ayie? Hindi ka pa, maglalunch?" panguna ko.

"Ah eh...ano....ah sige mauna na ako, bye Blair." nagmadali siyang hablutin ang bag niya at lumabas ng room, napakunot tuloy ang noo ko.

'How weird'

Nawiwirduhan ako sa kinikilos niya ngayon, at ewan ko kong bakit curious ako, nagkibit balikat ako at hinablot ko ang bag ko sabay alis ng classroom.

Taimtim akong naglalakad papunta sa room nila Kelsy, malulusaw ako sa tingin ng mga istudyante dito, halos lahat sila nakatingin saakin.

Hindi ko na sila pinansin dahil sanay na ako sa mga tingin na 'yqn kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Nakita ko sila Troy at ang iba pa na nag-uusap kaya dali dali kong nilapitan sila.

"Oh anong nangyari?" panguna ko kaya napatingin sila saakin.

"Wala, nag-uusap lang kami Blair." si Kel.

"Yup, tungkol sa kung paano tayo makakaalis dito" si Klein, hmmm parang hindi 'yon ang pinag-uusapan nila psh.

Sumang-ayon na lang ako.

"May nalaman akong iilan na impormasyon tungkol dito sa A.D.I." ani ko, para naman hindi sila magtaka saakin.

"Oh? ano 'yon?" si Theo

Nagmasid muna ako sa paligid at kita ko ang ilan ay nakatitig saamin at parang nakikinig sa usapan namin.

"Do'n tayo sa cafeteria." nakuha naman nila ang ibig sabihin ko kaya nauna akong maglakad habang nakasunod sila saakin.

Tumakbo si Kel para habulin ako. "Ano ba 'yon bi?" tanong niya.

"Huwag dito, madaming mata at tenga na nakapalibot saatin." pagpapaliwanag ko.

Kasi alam kong hindi lang kami ang nagnanais na makaalis sa lugar na 'to.

Hindi na siya umimik pa at nagpatuloy na kaming naglakad patungo sa cafeteria.

Nainis ako ng makitang ang daming tao tch.

'Ilan ba ang istudyante na nakakulong sa impyernong 'to?'

Ginala ko ang aking mata at walang bakanting table, kapag minamalas ka nga naman oh.

"Do'n sa dulo, may bakante do'n." turo ni Klein sa pinakadulo ng cafeteria, agad kami nagtungo doon.

Sakto pang anim ang upuan, eh lima lang kami.

Umupo kami duon, katabi ko si Kelsy, kaharap ko si Troy at kaharap ni Kelsy si Theo habang si Klein naman nasa kabilang side namin.

"Umorder na kayo aba! Kami pa uutusan niyo?" baling ni Kel kila Troy.

'Tapang.'

"Ah, sige." si Theo.

"Ano ba sainyo?" tanong ni Troy.

"Kahit ano na pero huwag niyong damihan ha." ani Kel.

"Sayo Blair?" tanong sa'kin ni Troy.

"Kung ano ang kay Kel 'yon na din saakin." tumango tango ito.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now