Chapter Nineteen

26 0 0
                                    

Kiss?

Blair's Point of View

Sa sobrang bilis ng pangyayari magkasunod na daing ang narinig ko at kasunod ng pagbagsak ng kung ano at patalim.

Napamulat ako ng mata dahil naramdaman kong wala ng mabigat na nakapatong mula saakin.

Napakurap ako ng ilang beses.

Supremo....

"Ayos ka lang?" nilahad niya ang kamay niya at agad ko namang inabot 'yon para makatayo.

Buhat buhat niya si Troy na parang sako ng bigas.

"Tss, stupid...ang kunti na lang nila 'di pa niya kinaya."

Bahagyang tumaas ang kilay ko.

Wow e'di ikaw na magaling uh!

"'Di naman siya bihasa katulad mo." pagmamataray ko.

"Tss." umirap siya.

Hindi na ako nagsalita pa, ayukong makipagtalo sakanya....kasi nga niligtas niya kami.

Nangmakalabas kami ng school diri-diretso ang lakad namin papuntang hall...pauwi sa apartment.

Bakit gano'n? Iba awra niya.

Pakiramdam ko pagkasama namin siya walang mangyayaring masama, para bang.....ang ligtas ng paligid.

Bago kami tuluyang nakababasa sa hall napatingin ako sa likod ko.

Nakita ko ang ibang myembro ng D.D.I (Devilish Dragon Empire).

Lahat ng n-namatay kinuha nila at dinala nila kung saan.

Bumaling ako ng tingin sa harap nakita ko si Supremo nasa baba na nakatingin sa'kin.

"Bilis!" sa sobrang gulat ko halos takbuhin ko ito pababa.

Buti na lang 'di na ako nakaheels nakapaa paa ako hayup na yan.

Nakakabingi ang silent treatment ni Supremo! Paghinga ko lang naririnig ko at malakas na tibok ng puso ko uh!

Napansin ko si Troy may pasa sa muka at may dugo ang ilong niya pati bunganga niya. Nakunsensya ako, pa'no kung umalis siya sa ibabaw ko kanina? hindi kaya siya mapupuruhan?

"We're here." napatingin ako sa apartment namin, nandito na pala kami 'di ko napansin.

"Baba mo na siya ako na." sabi ko pero parang wala siyang narinig.

"Ang sabi ko---"

"Open the door." he cut me off, I rolled my eyes and open the door.

Oh ha! Umienglish naks.

Pagbukas ko ng pinto nadatnan ko si Kelsy palakad lakad siya pero tumigil siya kasi nakita niya ako.

Si Theo na nakahawak sa noo niya at katabi si Klein.

3...

2...

1...

"Blair!" sigaw nila, mabilis na niyakap ako ni Kel. "Akala ko kung ano ng nangyari bi! Pinag aalala mo kami!" naiiyak pang ani niya.

Napansin niyang may kasama ako napatingin din 'yong dalawa.

"Troy!" sigaw muli nila kaya nagtayuan ang dalawa at binuhat si Troy, pinahiga sa sofa.

"Ba't nawalan to ng malay?!" ani Klein.

"Napagtripan kami buti na lang dumating siya." turo ko kay Supremo.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now