Chapter Four

44 0 0
                                    

Patalim o Baril

Blair's Point of View

Ano na namam ba gusto ni Madame Valerie? Shit baka pagalitan kami ng Lec. namim nito.

Napansin kong pumasok sa isang lagusan si Luci at may kadiliman ito.

"Sa'n ba kasi talaga tayo pupunta?" wika ni Troy.

"Just wait." sabay ngiti ni Luci.

"This guy...." natigilan siya ng makita ang malaking pintuan na gawa sa bakal.

"Where are we?" si Kelsy na nakakunot ang noo.

"Ang atat niyo no?" ani Luci, kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Kel pero ngumiti lang ito.

Binuksan niya ang pinto at nakita ko si Sir Sebastian na parang hinihintay kami.

Iginala ko ang mata ko at nakita ko si Andrea sa side na nakatayo at ang sama ng tingin saakin.

Ang babaw babaw ng pinag-awayan namin pero parang pinapalaki niya.

"They're here." wika ni Luci at nagtungo sa gitna ng dalawang babae, nakita ko ang siyam na tao na nakatayo.

"Oh you're here." salubong saamin ni Sebastian at napako ang tingin niya kay Kelsy at Theo.

'Tsk muka ba kaming nando'n?'

Sumenyas si Sir Sebastian kay Luci.

Pasimpling bumulong si Sir Sebastian kay Luci at tumango naman ito.

"Aum, sino si Theo at Kelsy sainyo?" tanong ni Luci saamin.

"Kami, bakit?" pagmamataray ni Kel.

"Tara sa labas hindi kayo kasama, nagkamali ako." dagdag niya.

Naguguluhan ako, para saan ba ito? bakit kami pinatawag? uh.

"Ano bang kailangan niyo sa mga kaibigan ko?!" baling ko kay Luci.

"Easy, sad'yang kayong tatlo lang talaga ang kailangan" pagpapaliwanag niya.

"Kailangan? Para saan?" naguguluhang tanong ni Troy.

"You'll see..." at bumalik ang tingin niya kila Kel.

"You two come on, 'di kayo kasali" baling niya kila Theo.

"Wait, what? Ano namang gagawin niyo sakanila?!" Sigaw ni Theo.

"Just fucking leave okay?!" at naglabas ng patalin si Luci.

"Kel...just go, andito naman sila Troy." ani ko kay Kelsy pero hindi siya sang'ayon, mas matigas pa ang ulo niya saakin.

"But--" sinamaan ko siya ng tingin.

Akmang hahawakan ni Luci si Kelsy pero. "Touch her, your dead." banta ni Theo, lihim kong tinignan si Kelsy at parang nagblush pa siya.

"Whoa, okay fine." sarkastiko na saad ni Luci at parang winagayway niya ang kamay niya sa ere na animo'y sumusuko ito.

Nangmakalabas sila nagmasid ako, hindi umiimik ang siyam na mga istudyante na nakatayo sa side namin habang si Sir Sebastian naman ay may kinakalikot na kung ano.

"Ano bang kailangan niyo saamin?" panguna ni Klein na parang nandedemunyo na sa galit.

"Calm down, wala naman kaming gagawing masama sainyo." ngingisi ngisi na wika ni Sir Sebastian.

Bumalik na si Luci at pumunta sa side kung saan may katabi siyang babae.

"So ayon na nga, nakikita niyo sila? Sila ang mga nasa top 10 imperials." panguna niya.

Academia De InfernoOn viuen les histories. Descobreix ara