Chapter Twenty Nine

22 0 0
                                    

Tanong

Blair's Point of View

Halos isang oras na kaming naglalakad ni wala sa'ming apat ang nagsasalita.

Haggang sa may maisip akong tanong.

"Ano pala pangalan mo?" lumingon ito sakin at nginitian ako.

"Hillary, kayo?" ang ganda ng pangalan.

"Ako si Blair, sa kaliwa ko si Klein."

"Hi." ngumiti naman si kupal kaya nginitian din ni Hillary.

"At si Troy." ngumiti si Hillary sakanya pero walang reaction si Troy kaya siniko ko siya.

"Ah eh, ganyan talaga 'yan." pagpapalusot ko kaya sinamaan ko ng tingin si Troy.

"Okay lang." binilisan ko ang paglalakad haggang sa magpantay kami ni Hillary.

Ewan ko ba, ang gaan ng loob ko sakanya.

"So Hilla--" naputol ang sasabihin ko.

"Hail na lang.." wow.

"Okay Hail." napangiti siya dahil sa panggagaya ko ng tuno niya.

"So, ga'no kana katagal dito?"

"Hindi ko alam." napaubo ang dalawang mukong sa likod.

"Bakit hindi mo alam?" nakapagtataka naman.

"Hindi ko alam, pero ang alam ko matagal."

"Ah gano'n ba?" napatango ito.

"Ikaw? matagal kana ba dito?"

"Buwan na din, actually kaming Lima." biglang nag-iba ang timpla ng muka niya.

May bahid na lungkot peri pinipigilan lang niya.

"Talaga? asan yung dalawa?"

"Yung isa naiba ang grupo at yung isa hindi sinubukan ang pagsusulit na ito." napatango ito.

"May problema ba?" dinig kong saad ni Klein.

"Wala naalala ko lang yung nagiisang kaibigan ko." pabulong ito pero dinig naman kahit papaano.

"Anong nangyari sakaniya?" finally nagsalita na din si Troy.

"Wala na siya, nung mamatay ang pinuno ng Devilish Dragon Empire, mga kampon ni Trixie ang tumapos sakanya...."

'Nakaramdam ako ng awa.'

"....binuwis niya ang buhay niya para saakin, para mabuhay ako." parang naiiyak na siya, hala mali!

"Sorry." sabay kaming tatlo.

"Hindi ayos lang, matagal ko ng gusto ikwento sa iba, wala akong malabasan, ambigat sa pakiramdam, parang kasalanan ko kung bakit nawalan ng buhay ang kaibigan ko."

"Shh, ayos lang 'yan Hail, huwag ka ng malungkot." hinawakan ko ang balikat niya, "sure akong ayaw niyang makitang malungkot ka."

"Siya na lang meron ako eh, nawala pa." pinunasan niya ang luha niya.

"Meron na kami." napalingon ako kay Troy.

"Yup, sang-ayon ako do'n, simula ngayon kaibigan mo na kami." napangiti ako dahil sa sinabi nila, parang may kumiliti sa puso ko.

"Talaga?" tila nagliwanag ang muka niya.

"Oo naman." kaya napangiti ito.

"Tama na ang kadramahan niyo." napalingon kami sa harap.

'Uh yung bruha na naman.'

"Ano na naman ba Andrea?" ngumisi ito.

"Wala naman." ginala ko ang mata ko para tignan ang buong paligid.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now