Chapter Thiry Three

10 0 0
                                    

Punching Bag

Kelsy's Point of View

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papasok sa tinurong daan ni Shan.

Bawat hakbang ko iniisip ko ang kapakanan nila Blair, Theo, Troy at Klein, kung anong mangyayari sakanila sa pagsusulit na tinanggap nila.

Kinakabahan ako, natatakot ako para sakanila, pero kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kapakanan nila.

'Oo Kelsy para sa mga kaibigan mo.'

Bumalik ako sa katinuan dahil sa malakas na pagsara ng pinto, kaya inangat ko ang tingin ko para makita ang kabuonan ng lugar na 'to.

May binta na gawa sa glass, masyadong mataas para sumilip doon. Do'n nanggagaling ang liwag.

"Simulan na natin?" teka? familiar ang boses na 'yon ah?

Walang sumagot.

"Aba hindi p'wede 'yan." natawa ito bahagya pero naublot kasi wala namang nakakatawa. "Okay fine, hahatiin namin kayo sa tatlo."

Naglakad ako paharap para makita ang nagsasalita sa mikropono, hindi ko na kinailangan sumiksik kasi hindi naman sila dikit dikit.

May dumating  na isang lalaki at hinati kami sa tatlo, hindi niya ito binilang pero nahati kami sa tatlo.

"Axiel at Hera kayo na unang mamili kung sino ihahandle niyo, panghuli na ako." bumalik ang atensyon ko sya nagsalita ulit sa mic.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na muka.

"Ah sige akin na itong pangatlo." sabi ng Hera.

"Una saakin." sabi ni Axiel.

Nagtama ang paningin namin kaya nginisian niya ako.

"Sige akin 'tong gitna." pota ba't naman gan'to?!

"Sige na dito na tayo." sabi ni Hera at sumunod naman ang pangatlong grupo sakanya.

"Dito tayo." ani naman ni Axiel na pumunta sa kabilang pinto.

Kami ang naiwan.

Teka! Siya ang magiging parang leader namin? kumunot ang noo ko.

Bakit kasi nasa gitna ako kanina! nasa kanan na nga ako pumagitna pa ako, ayan tuloy.

Sumagi na naman sa isip ko 'yong nangyari saamin, 'yong umamin siya.

"Kelsy?"

'Di ba ang sabi niya pag-isipan ko? hindi ko naman kailangan magmadali 'di ba?

Nagulat ako ng may humawak sa magkabilang balikat ko.

"Ayos ka lang?" magkaharap kami ngayon!

"Ah e-eh, oo." tumaas ang kilay niya.

"Ikaw na lang nasa gitna ang iba nakapagilid na." lumingon ako sa iba at nakita ko na nakatingin sila saakin.

Napayuko ako sa hiya, napako ako sa kinatatayuan ko.

Ang alam ko na lang ngayon ay tinutulak ako ni Nathan papunta sa gilid, nasa likod ko siya.

"Mag-usap tayo mamaya." bulong niya.

'Lunok.'

"Okay let's start!" sigaw niya at tumalikod na saakin.

Nagbigay siya ng instruction kung ano ang gagawin namin, natural lang pala ang pagsasanay na gagawin namin.

Kita ko ang iba nagwo-warm up na, push up at stretching, kaya nagsimula na din akong kumilos.

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now