Building Trust Part 1

Start from the beginning
                                    

Sanggol pa sya nung huli kong makita pero ngayong malaki na sya, hindi ko maiwasang ikumpara ang mukha niya sa mukha ng mga magulang niya. Napakagandang bata.

"Tito lolo!" masayang tawag ng bata nang makita niya si White na papalapit sa kanya. Bigla naman naging maamo ang mukha ni White sa tanawin ng batang tumatakbo patungo sa kinatatayuan namin.

"Hi, Ms. Beautiful." mahinang sambit ni White nang kargahin niya ang bata. Humagikgik naman ang bata sa sinabi ni White. Iniikot naman ng bata ang mga maliliit nitong mga braso sa leeg ni White. Para silang tipikal na maglolo, mabuting maglolo, kung hindi ko lang kilala si White.

"Sino po sya Tito Lolo?" tanong ng bata kay White habang nakatingin sakin.

"Sya? Sya ang isa mo pang Tito Lolo." malumanay na saad ni White. Bigla namang nagliwanag ang mga mata ng bata.

"Talaga?!" masiglang sabi niya. Napangiti naman ako sa kanya."Haha. Tito Lolo no. 2!" sabi niya sabay pakita sakin ng maliit niyang daliri na pinaghiwalay niya na animo'y peace sign. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

"Napakacute ng apo ko. Haha." sabi ko na maya't maya kong tinatapunan ng tingin si White hanggang sa tumango na sya at ibinababa ang bata.

"Tito Lolo?" takang tanong ng bata kay White na sa palagay ko'y nakakaramdam na.

"Ms. Beautiful. May sasabihin si Tito Lolo no. 2 sa'yo." malumanay niyang sabi sa bata. Nagtataka naman akong binalingan ng tingin niya.

"Ano po yun?" tanong niya sakin. Lumuhod naman ako sa harap niya para lumebel ang ulo sa height niya.

"Apo. Gusto mo ba dito?" tanong ko habang tinititigan ko sya sa kanyang malagintong mata. Tumabingi naman ang ulo niya na para bang nag-iisip siya.

"Opo, gusto ko po dito." sagot niya na ikinabuntong hininga ko. Mukhang mahihi- "Pero dahil sa mag-isa lang ako, minsan po nakakalungkot." Napangiti naman ako sa muling tugon niya.

"Gusto mo bang makita ang mundo sa labas ng hardin na'to?" tanong ko. Muli nanamang umilaw ang mga mata niya sa tuwa.

"Opo!"

"Pwes. Sasama ka sakin." sabi ko bago tuluyang tumayo. Nagtatatalon naman sya sa tuwa sa narinig mula sakin. "Tito Lolo. Isasama ako ni Tito Lolo no. 2!!" masiglang sabi niya kay White na ngayo'y nakangiti na hindi aabot sa mata.

"Apo. Wag ng Tito Lolo no. 2, Lolo nalang." nakangiti kong sambit. Napahinto naman sya.

"Lolo? Pwede po ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "Talagang talaga?" paninigurado niya pa.

"Oo." sagot ko na. Tumalon talon sya sa tuwa habang tinitingnan kaming dalawa ng nakangiti.

"Tara na." aya ko sa bata agad naman syang napahinto sa pagsasaya. "Ngayon na po?" tanong niya. Muli ay tumango ako sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya.

"Waaaah! Magiimpake po muna akoooo!" natatarantang saad niya. Bahagya naman kaming natawa sa ginawa niya. Sa murang edad palang, alam na niya ang mga dapat niyang gawin. Matalino sya kaya di na ako magtataka.

Matapos niyang tumakbo patungo sa kung saan man iyon ay naiwan kami ni White sa katahimikan.

"Huli na'to Miguel." basag katahimikan niya. "Ituturing ko ng atraso ang kung ano mang imungkahi mong salungat sa Council, Miguel. Pakatandaan mong hindi ako tanga para hindi malaman ang tungkol kay Vlad." matigas na saad niya.

"Alam ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan mo pang iutos ang paghahanap kung alam mo naman pala kung saan mo sya hahanapin." sabi ko na ngayo'y nakatingin na sakanya.

Lost Academy Where stories live. Discover now