Assessment 2

104K 3.3K 441
                                    

O____O

Sya? As in Sya talaga?! Hindi ako makapaniwala! Si Clynn Yelo?!

At muli ay napatingin ako kay Clynn na sa di malamang dahilan ay inaatake ng Dummy sa lahat ng direksyong pwede niyang makita.

May ginawa syang kakaiba sa kamay niya tapos nun naglitawan naman ang ice patungo sa direksyon ng mga dummy. Assessment pa ba to? Mukhang at the same time. Nagiging training na ah.

Tiningnan ko sya ng maiging maigi, just to make sure na totoo yung nakita ko at hindi nga ako namamalikmata, kumikinang talaga ang balat niya!!

"Pano nangyari yun?!" di makapaniwalang sabi ni Kayle. Maging ako man eh lutang pa rin.

"Hindi ko na sakop ng pagpapaliwanag ang tungkol dyan. Tanungin niyo nalang si Clynn pagkatapos niyang pagkatapos niyang i-assess." sagot ni Krema. Ay ang sama.

"Yan ka naman eh. Palaging bitin. Nasabi mo na diba? sagarin mo na." bigla naman naming narinig ang boses ni Ashley. Napalingon naman kami sa likuran at nakita naming nandon lang sila kanina pa ata to nakikinig.

"Kanina pa kayo dyan?" tanong ni Krema.

"Ay hindi. Rinig nga namin usapan niyo mula sa umpisa hanggang sa matapos ng pambibitin mo." sagot ni Ashley.

"Psh."

"Alam niyo nalalabas na ang tunay na kulay ng bawat isa sa inyo." sabi ni Nikki. Sa kanya naman kami napatingin ngayon.

"Bakit?"

"Hindi niyo ba napapansin. Ikaw Presto, kung taga lower class ka nga. Pano mo nagagawa ang ganon? Hindi ba parang masyado kang malakas para maging isang Lower Class Student?" tanong niya pa. Napalingon naman kami kay Krema. Oo nga no? Pati si Clynn. Guardian sya pero pumasok siya sa Lower Class, eh ang lakas lakas nga nya oh! Type Superior pa.

Ngumiti na lang si Presto samin then he shrugged. "Kulang pa ko sa kontrol." sabi niya. Napa ahh naman kami pero yung sakin ay may halong pagdududa. Simula kasi kahapon hindi ko na maiwasan ang sarili kong magduda sa kanila.

"Ms. Rij." tawag ni Sir sakin na nagpalingon saming lahat patungo sa direksyon nila Sir. Tapos na pala si Clynn. Napalunok naman ako ng sunod sunod Omygas!

Naglakad ako ng mabagal patungo sa pwesto ko dapat. Sinadya ko talagang bagalan ang paglalakad ko,pinagkrus ko ang kamay dalawang daliri ko sa kamay. Pakiramdam ko kasi HUKOM na. Ito na ang huling hatol ko kung karapat dapat ba talaga akong magstay sa eskwelahan.

"Ms. Rij?" rinig kong sabi ni Sir. Inhale Exhale Asper. Hu ha.

"Inhale Exhale. Kaya mo yan Asper. Go lang ng Go." mahina at pauli ulit na bulong ko sa sarili ko.

"Ms. Rij, I want you to-Ms Rij?"

"A-ah Po?" gulat na tanong ko. Napailing naman si Sir. Napatingin ako kela Krema, sya Nakangiti lang, si Ashley natatawa, si Kayle umiiling habang hinihilot ang sentido, si Nikki napaface palm, si Clynn napasipol nalang at si Ella na mukhang walang ideya. Okay ang ganda ng reaksyon nila. Ha ha ha. >_>? Ano nga bang sinabi ni Sir?

"Asper relax." nakangiting sabi ni Sir Laurence.

"Ah Oo. Ha ha." hilaw na sabi ko.

"Guardian?" sabi ni Sir.

"Guardian?" balik ko namang tanong. Anong gu-0.0 "Ah! Oo! tama." Narinig ko namang nagtawanan sila.

Ano ba naman Asper, ginagawa mong tanga sarili mo eh.

Hindi ko na hinawakan ang singsing, gusto ko kasing subukan ang paraan ng pagtawag nila. Yung tatawagin lang nila ang guardian nila at walang anumang hinahawakan.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon