Council Meeting

127K 3.4K 389
                                    


*Azure's POV*

"Akala ko talaga katapusan na natin nun. Yun pala pinapatawag lang tayo para sabihin na may Council Meeting. Kinabahan talaga ako ng todo ng mga oras na yun." kwento ni Arzen. Pinag-uusapan kasi namin ngayon yung nangyari nung isang araw na pinuntahan kami ni Razor.

"Hindi lang ikaw no." sabi ko at kumuha ng chip sa mesa habang tinitingnan ko si Zap na naglalakad ng pabalik balik, pinipilit niya kasing ibrain storm ang utak niya.

"Azure asan na nga pala yung pusa?" tanong niya.

"Ah si Maple." sabi ko.

"Maple?" tanong niya.

"Oo yung pink na pusa?" sagot ko.

"Kailan mo pa pinangalanang lantang dahon yung pusa?" tanong naman no Arzen.

"Anong lantang dahon? Duh. Maganda kaya ang Maple ipangalan sa pusa, cute." depensa ko.

"Sabi mo eh. Oh asan na nga pala yun? Bigay yun ni Vlad diba?" tanong ni Arzen.

"Nandon sa kwarto hinahayaan ko lang. Di naman kasi yun magulo, sobrang tame tsaka may manners di tulad mo." sabi ko sabay tapik ng kamay ni Arzen, kukuha kasi sana sya ng chips ko.

"Ang sama mo." nakangusong sabi niya.

"Wala bang ibang nakakita non?" tanong ni Zap na ngayo'y huminto na sa paglalakad.

"Wala maliban samin ni Arzen. Hindi naman kasi ako nagpapapasok sa kwarto ko." sagot ko at sumandal sa sofa. Nasa kwarto kasi kami ngayon ni Zap, as usual.

"Good. Puntahan na natin yun ng malaman na natin kung ano ba talagang ibig sabihin ni Vlad sa sinabi niya sa inyo." sabi ni Zap. Nagtanguan naman kami at nagsitayuan na para tumungo sa sanktuwaryo ko.

"Walang manggugulo sa kwarto ko." banta ko sa kanila ng makarating na kami sa harap ng kwarto ko. Kinuha ko na ang susi sa bulsa ko at sinusian na ito. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay bumungad sa amin ang pusa na prenteng prenteng nakaupo sa higaan na nilaan ko para sa kanya. Sa nakikita ko parang alam na niya na darating kami.

"Yan na ba yun?" tanong ni Arzen.

"Obviously." sagot sa kanya ni Zap.

"Huling kita ko kasi sa pusang yan ay nung maliit pa yan, yung cute na cute pa hindi ganyan na parang breast out-butt in." sabi ni Arzen.

PAK

"Pati pusa eh no? hindi mo pa pinalagpas." sabi ko matapos ko syang batukan.

"Azure ah. Nakakarami ka na!" nakanguso niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo." saka ko binalingan ang pusa. "Maple." malambing na sabi ko nang makalapit nako sa kanya at kinandong ko sya. Sumunod naman sya sakin.

"Aba kung ganyan ka sakin Azure, wala tayong magiging problema." sabi pa ni Arzen. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit? Pusa ka ba? Aso ka, Alam mo ba yun? Asong ulul ka." sabi ko. Tumawa naman si Zap habang nalulukot ang mukha ni Arzen.

"Psh."

"Lets get down to business guys." sabi ni Zap at lumapit sa kandong kong pusa. "Anong napansin mong kakaiba sa pusa?" tanong niya agad matapos niyang suriin ang kabuuan ng pusa.

"Uhmm. Para syang babae kung kumilos." sabi ko.

"Obviously, babae naman talaga ang pusang yan." sabat ni Arzen. Pareho naman namin syang tiningnan ng masama ni Zap. "Okay, Sorry." tapos itinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko sya. Inirapan ko nalang sya at ibinaling nalang kay Zap ang atensyon.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon