This Time

70.2K 2.7K 543
                                    




Hindi malaman ni Rave kung ano ba talaga ang dapat niyang maramdaman sa ginawang desisyon ng mga kaibigan niya. Hindi niya nga pinigilan pero hindi rin ibig sabihin non na wala siyang pakialam sa mga nangyari at mangyayari sa kanila. Lumabas sya ng kwartong iyon na punong ng balakid sa isipan, ni hindi niya na nga napansin naglalakad na sya patungo sa opisina ng Headmaster sa sobrang dami ng kanyang iniisip.

Napahinto sya ng mapansin niyang may kakaiba sa loob non. Naging alerto naman sya at pinakiramdaman ang paligid saka dahan-dahang pinihit ang seradora. Ganon nalang ang gulat niya nang bumungad sa kanya ang eksenang kailanman ay hindi niya aakalain. Si Vlad, si Cielo, si Eide at ang isang pamilyar na bata lang naman ang naabutan niya. Hindi niya lubos maisip na nasa opisina lang pala ng Headmaster ang taong pinapahunting sa kanila, at ngayon ay nakangiti pa ito na parang walang naghahabol sa kanya.

"What the heck is going on?" sa isip isip niya.

Agad namang napawi ang ngiti ni Vlad nang makita niya si Rave na sa may pintuan na naguguluhang nakatingin sa kanila. Napatayo naman agad si Eide nang makita niya si Rave.

"Anong ginagawa niyo dito?" tiim bagang na tanong ni Rave. Napatitig naman ai Exle sa mukha ng bagong dating. Bumakas naman ang pamilyaridad sa mukha ni Exle kay Rave.

"Ikaw." nakuha naman ang atensyon ni Rave sa munting tinig na tumawag sa kanya. Ngunot noo niyang tiningnan ang bata.

"Bakit?" agad na tanong naman ni Rave.

"I hate you." Biglang sabi ni Exle na ikinanlaki ng mga mata nila Vlad maliban kay Rave na kunot noo pa ring tinitingnan ang bata. Pawang mga gulat sa sinabi ng bata sila Vlad na hindi pa nila magawang makabawi at magsalita agad. Hindi kasi ganoon ang bata, ngayon lang talaga ng masilayan nito si Rave.

"I don't care." maikling sabi ni Rave.

"Exle." Tawag naman ni Vlad sa bata ngunit hindi ito nagpatinag at patuloy pa rin sa pakikipagtitigan kay Rave.

"I really hate you." pag-uulit ng bata. Nagkasalubong naman ang kilay ni Rave at mabilis na tinungo ang bata na ngayo'y nagtatago na sa likod ni Vlad.

"Dyan ka lang Hollows." Pigil sa kanya ni Vlad ng may matatalim na tingin sa kanya. 

 "Don't dare me Hollows." muling banta ni Vlad kay Rave nang hindi sya nito pinakinggan. Hindi naman pinansin ni Rave ang mga sumunod na sinabi ni Vlad dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang batang pamilyar sa kanya ang mukha. Parang nakita na niya ang batang iyon at hindi niya lang mapunto kung saan, kailan at pano. Kahit bakas sa mga mukha ng naroroon ang pagiging alerto sa presensya ni Rave ay hindi pa rin nagpatinag si Rave sa paglapit ngunit bago pa man sya tuluyang makalapit sa bata ay agad na umilaw ang kwintas na suot suot niya saka gumapang ang kakaibang kaba sa buong sistema ni Rave. Salubong na kilay iyong tinitigan ni Vlad maging si Eide at Cielo ma'y nakaramdam ng pangamba sa mga oras na iyon ngunit hindi non mapapantayan ang kabang nararamdaman ni Rave sa kasalukuyan dahil ang pag-ilaw ng kwintas ay syang hudyat na nasa panganib si Asper. Agad namang nawala ang kuryusidad niya sa bata dahil napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam na walang iba kundi ay takot.

"Fuck!" Mura ni Rave na halos liparin na ang pintuan papalabas sa opisina ng headmaster.

'Asper' ang pangalang umiikot sa isip niya habang tinatakbo niya ang kahabaan ng pasilyo. Alam niya kung saan niya makikita si Asper, alam na alam.

Hindi niya na kailangang ipagtanong dahil ramdam niya kung saan niya ito matatagpuan dulot na nga ng koneksyon na meron sila. Ang tanging problema niya lang ay ang bilis ng pagpunta niya roon. Hindi naman sya mabagal sa katunayan nga mas mabilis sya kumpara sa pinakamabilis na tao na nabubuhay, talagang ang distansya lang ng pupuntahan niya ang nakakapagpabagal sa kanya kaya hangga't makakaya niya ay halos walang hingahan na ang ginagawa niyang pagtakbo. Ayaw na kasi niyang mahuli pa.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon