Lost Academy 6: Forbidden Zone

194K 5.6K 341
                                    

CHAPTER 6: FORBIDDEN ZONE

    Oftentimes, yung bibig ko talaga ang nagdadala sa akin sa kapahamakan. Internally, I'm panicking. Naghahanap ng kung anong pwedeng i-dahilan para makalusot ako sa pagkakataong ito.

I may seem tough pero pawisan na ang kamay ko, kumakabog na rin ang dibdib sa kaba at higit sa lahat parang unti-unti akong natutunaw sa kinauupuan ko. Nagkakaganito ako dahil aminado akong may mali ako.

    Chada looked like she was about to explode. I silently cursed. Ano nga bang gagawin ko?

    "Hindi ko sinasadya yung nasabi ko."
    "Really now? As I heard it, it was intentional." voice dripping with sarcasm, tumayo siya sa harap ko ng may nag-aalab na mata. Bakit nag ba siya nakatayo sa likuran ko?

    "Why are you even here?" Ang layo ng center table sa amin. Sigurado akong sinadya niya ang pumunta sa puwesto namin.

    "Why can't I?" nakataas kilay niyang sabi.

    "Look, it was just my first time here, ayoko ng gulo. Forgive me if I said those things." Kung alam mong mali ka magpakumbaba kung kinakailangan lalong lalo na't kung kaharap mo ay isang taong wala kang laban. They have abilities and I don't, it's not wise to provoke her any further.

    "Shye. Hindi naman sinasadya ni Asper yung nasabi niya." pakiusap ni Kayle. It was thoughtless pero hindi ko rin naman inakala na tatayo siya sa likuran ko.

    "Who do you think you are?!" She's definitely mad.

    "Sorry." mahinang sabi ko nalang.

    "Kung magsosorry ka, you have to be on your knees." I was taken a back. I felt bad nung narinig niya ang sinabi ko about her name kanina but I think she deserves it now more than ever.

    "Now, who do you think you are?" I said offended by her remarks. Anong akala niya sa akin, aso? No way!

    "You're sorry is the cheapest thing I ever heard today. Kaya lumuhod ka kung gusto mong mag-aral dito ng matiwasay. I can make your life hell here you know." pagbabanta niya. Umapoy naman sa galit ang kalamnan ko. Right, she doesn't deserve any sorry from me.

    "Luluhod lamang ako sa harap mo kapag baldado na ako!" matapang na sigaw ko saka ako tumalikod sa kanya. As much as I wan't to take back what I said, hindi ko na iyon magagawa pa. Nginitian ko na lamang sila Kayle at Ashley na ngayo'y tulalang-tulala sa sinabi ko. Totoo ngang mas mabilis nga yung bibig ko kay sa isip ko.

    I know may isang umuusok na toro sa likuran ko at napakadelikado ng ginawa kong pagtalikod sa kanya but I also know na nag-aalala sila Kayle sa kapakanan ko kung kaya nama'y hinawakan ko na kamay ni Kayle at tsaka ni Ashley to reassure them. I'm no fool to confront people like them because I know I am powerless. I may be tough with my words but in truth, I am a coward. I repeat, I am a coward.

    Hinawakan ko na ng mahigpit sila Kayle at Ashley saka ako nagmamatapang na sumigaw bago pa ako maabot ni Chada.

    "Takbo!" with a yelp, agad din namang tumalima sa akin ang dalawa. Bumulusok na kami ng takbo papalabas sa cafeteria. Narinig ko naman ang nanggagalaiting sigaw ng babae. I made an enemy just before my first day of class. Baliw na ata ako.

***
    Sa kakatakbo namin, narating na namin ang pinakadulong bahagi ng eskwelahan. We panicked kaya hindi na namin napansin ang layo ng tinakbo namin. Both my mouth and throat are dry from running.

    "Grabe! K-kailangan ko na atang mag-work out. Humihina na ata ang resistensya ko." reklamo ni Kayle habang hinihingal.

    "S-sinong di panghihinaan ng resistensya kung takbuhin ba naman natin ang dulo ng school mula sa kabilang dulo? tayo lang nga ata ang nakakatakbo ng ganun. Tsaka para namang may humahabol sa'tin." sabi naman ni Ashley. Naghahabulan kami ngayon ng hininga. Pakiramdam ko nalaglag ang baga ko sa hingal. Nang nakabawi nako ng hininga, ako naman ang nagsalita.

Lost Academy Where stories live. Discover now