Lost Academy #91.1

47.3K 1.4K 759
                                    




Lost Academy #91.1 Show off (Action Begins)

No one knew who did the first move but one thing is for sure, whoever has the upper hand, Wins.

Yumuyuko ang babaeng kalahok upang maiwasan ang mga binibitawang atake ng kalabang babae. Napakabilis ng mga galaw nito na halos hindi na niya masundan ang mga kamay nito ngunit kung palakasan lang din ang labanan alam niyang matatalo niya ang kalaban kaya'y walang pag aalinlangang sinuntok niya ang lupang kinatatayuan niya dahilan upang matamaan ng impact at ang kalaban niyang babae ang napatapon ng ilang metro mula sa kanya. Dahil sa pagtama nito sa isang bagay, nakadama ng pananakit sa buong katawan ang kalaban niyang babae dahilan upang hindi na ito makapagpatuloy sa pakikipagtagisan sa kanya ng kakayahan.

"Wow! That was amazing." sabi nito sa babaeng naiwan. "Well, there's no questioning who won the round. Thank you very much. That was really amazing that could really pretty much end this event." tsaka nagsigawan ang mga estudyante ng 'more!' dahilan upang mapangisi ang host. "You still want more?!" tanong nito sa mga estudyante at agad namang nagsigawan ang mga ito. "Of course, how can I deny that? This isn't where it all ends!" Mas lalo namang nagsigawan ang mga estudyante.

"Students, faculties and staffs, I believe you are all familiar with these set of participants. Yes, yes. I can feel your excitement up here in stage. There's no denying that they made the whole event a lot more exciting than it ever was, these group of participants really is a pride of this academy. Among all other participants, they are one of the few students who have gone through great progress. I, too, is excited to see how far they've become strong. And now, with no further interruption, Ladies and gentlemen! May we call on the ever mighty and undefeated DARK PIECE!" Agad namang bumukas ang pinakagitna ng event hall dahilan upang unti-unting mapunta sa gilid ang mga estudyanteng nakaupo. Gumawa ito ng isang napakalaking stage sa gitna na may kulay at pormang chess board. Maaari na itong tawaging human chess board. Unti-unti namang may lummilitaw na parang transparent na barrier sa paligid nito upang maiwasan ang pagkadamay ng mga manonood. Sa unang walong tiles naman ng human chess board ay ang unti-unti ring pagbukas nito para sa mga miyembro ng DP. Mababakas sa mga mukha nito ang galak na sa wakas ay sila na ang lalaban.

"Representing the Dark Piece are as follows, The powerful Ron Mendez!" At tumapat kay Ron na nasa pwesto ng kanang rook ng human chessboard.

"Be ready cause here comes the ever bold and wicked Melli Ariza!" saka naman siya kumindat kindat at kumaway kaway sa mga estudyante. Siya naman ang nakapwesto sa left rook.

"Get ready to be amaze by these two magnificent siblings Annabelle and Nathan Darson!" Ngingiti-ngiti naman ang magkapatid sa pagkaway nila sa manonood. Sila naman ang tinaguriang Knight ng DP.

"One is enough but two is always better. Let us all welcome The ever mischievous twins Earl and Kell Ichinose!" saka nakangising kumaway ang kambal na siyang bishops ng grupo.

"Shiver in fear for the Queen is here. Everyone! The Queen! Bridget Dew!" At tumutok ang spotlight kay Bridget na wala man lang kabuhay buhay na tumitingin sa host.

"And All hail to the King of Dark Piece, Kyt Itchizen!" Wala naman siyang ginawa ng tumutok ng saglit na mapunta sa kanya ang spotlight ngunit mas lalong lumakas ang sigawan ng mga estudyante sa loob ng event hall.

"Now, that I've introduced the undefeated Dark Piece, May I call on to our challengers! The White Pieces!" tawag nito at unti-unting lumabas sila Asper sa kabilang side ng human chessboard. "This year's challengers were quite interesting, I have never seen a line up such as this. I must say that they deserve to be commended for standing right there in front of the beasts of the Special Class." Sa tono ng pananalita ng host ay parang minamaliit niya ang grupo nila Asper dahil mula ang mga ito sa special class. "But as the saying goes, you can never judge the book by its cover. Let's see how far can they go in front of our undefeated Dark Pieces. Members of the group from left to right are as follows, Ashley Gillo, Presto Estrella, Kayle Dizon, Asper Rij, Clynn Underwood, Ella Jung, Nikki Sanders, Holey Port." sabi ng host na wala man lang hinalong magagandang salita para sa kanila.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon