MH-9 "The VIP"

787 41 4
                                    

[Inoue’s POV]

 

Ang Tambushi Corporation ay nagmamay ari ng dalawa bigatin Hotel sa buo bansa. Nagmamay ari din sila ng dalawa malls na sikat sa bansa. Ganito kayaman ang Tambushi family. Ang lahat ng ito ay hawak ni Zeo, siya ang president.

Nandito ako sa salon, hindi ko malaman kung bakit biglaan na lamang nagyaya si Mama Lucia kasama si Mama Remika. Basta sinabi lamang nila ay kailangan ko magpaganda. Nagbiro pa ako noong una, sinabi ko na maganda na ako kaya hindi ko na kailangan iyan. Sinagot naman nila ay kailangan ko maging maganda sa dinner appointment ko mamaya. Nagdududa na talaga ako sa kinikilos nila.

“Bagay na bagay sayo ang curl na buhok mas lalo na emphasize ang maganda mo mukha, anak” Napangiti ako sa pagpuri ni mama sa akin.

“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan ko pa magpa curl ng hair para lang sa VIP iyon” napailing iling pa ako.

“Basta anak,kailangan mo maging maganda dahil isa siya sa mga bigatin tao sa business industry” Mukha bigatin nga ang tao iyon, nakaramdam naman ako ng kaba. Bakit bas a dinami dami ng pwede isama ni Zeo, ako pa talaga ang napili. Baka mamaya mapahiya lang ang Tambushi Corporation ng dahil sa akin.

“..At isa pa” matagal bago dugtungan ni Mama Lucia iyon.

“Never mind, basta mahalaga mag enjoy ka mamaya, sweety” Pagpalakas ng loob nito sa akin. Kinindatan ko lang siya with thumbs up. Natawa kami pareho ng ginaya ako ni Mama Lucia.

Matapos namin sa parlor ay binilhan pa ako ng mga damit at sapatos, natawa na lamang ako kase kung ituring ako ni Mama para ako pa rin iyong teen ager niya anak, nakalimutan niya adult na ako. Ayos lang, namiss ko rin ang ganito, ang makapag bonding kami dalawa.

Sumakay na ako sa sarili ko kotse, ibinaba ang passenger window at kumaway kena mama. Umalis na sila, nag iba na kami ng daan. Papunta na ako ngayon sa main Hotel, ang Tambushi Hotel dito sa Makati. I park my car at kinuha ang cellphone, I tried to call Zeo pero out of coverage ito. Mukha meron ata siya kausap. Kahit kailan talaga napaka busy niya tao, at age of twenty nine siya na ang namamahala sa kompanya.

Tumingin ako sa relo, sakto six o clock na ng gabi, dumiretso na ako sa restaurant dito sa hotel. I texted Zeo just to inform him na nandito  na ako. Lumipas ang halos kalahati oras, bago siya dumating.

“I’m sorry kung ngayon lang ako, kanina ka pa?” at umupo na siya.

“ medyo”

“I’m really really sorry, di bale padating na sila” Buti naman kung ganon. Ininum ko na lamang ang in-order ko pineapple Juice habang naghihintay sa kanila.

“Sino ba ito e m-meet natin at kailangan na ako pa ang isinama mo” Tinignan ako ni Zeo na wari nagulat siya sa tanong ko.

“Keito Kitamura ang pangalan  niya” Paulit ulit ko binanggit sa isipan ang pangalan na Keito Kitamura, baka kase mamaya makalimutan ko. Kung ganun siya ka halaga para sa Tambushi Corporation dapat lang na hindi ko makalimutan ang pangalan niya.

“Inoue, meron sana ako hihilingin” Hininto ko ang paglalaro ng ice sa baso ko at tumingin kay Zeo.

“Ano iyon?” Sumeryoso ang tingin niya sa akin.

“Kahit ano o sino man ang makita mo mamaya, huwag mo kalimutan na nasa loob tayo ng business  ngayon. E set aside mo muna ang emosyon mo” Napakunot na ang noo ko sa mga sinabi niya. Naguguluhan na talaga ako sa kinikilos ni Zeo at sa mga pinagsasabi niya.

“Mahalaga tao  sa kompanya natin ang makikilala mo mamaya, kaya sana kalimutan mo muna ang sarili mo emosyon at maging professional ka”

“Hindi talaga kita maintindihan, Zeo” napailing iling na ako.

“Pwede ba ipaintindi mo sa akin” Nakakunot na talaga ang noo ko. Bumuntong hininga naman siya.

“please, gawin mo na lamang ang simple hiling ko” paki usap niya. Malungkot na pinagmasdan ni Zeo ang mga mata ko makikita naguguluhan. Mas lalo ako kinakabahan na makilala ang VIP iyon.

“Mr. Tambushi?” Parang huminto ako sa paghinga ng madinig ang boses ng lalaki nagsalita galing sa likuran ko. Tumayo si Zeo at ngumiti.

“Mr. Kitamura” Nilapitan ni Zeo iyong lalaki nasa likuran ko. Nadinig ko pa ang pagtawa niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

“I’m really really sorry na late ako” Halos tumalon na ang puso ko ng unti unti ko na kaklaro ang boses ng lalaki kausap ni Zeo.

“No problem Mr. Kitamura, ang mahalaga dumating po kayo” Nakayuko lamang ako. Naninigas ang buo ko katawan, hindi ako makakilos. Nakita ko lamang ang mga sapatos nila sa sahig. Ang boses niya, para kung may ano kapangyarihan na automatic na kinontrol nito ang buo pagkatao ko, kasama na doon ang paghinga, paglakas ng tibok ng puso ko.

“By the way, I would like you to meet my cousin, Inoue  Saga” Huminga ako ng malalim. Napapikit, kinakabahan ako. Parang ayaw ko tignan ang lalaki nasa tabi ko ngayon.

“I’ve thought she’s your girlfriend” tumawa siya na mas lalo nagging dahilan na mas nagpakabilis ng pagtibok ng puso ko. Pati ang pagtawa niya magkatulad na magkatulad sila. Tumawa din si Zeo.

“Inoue, he is Keito Kitamura” Halos mapatalon ako sa gulat sa pagtawag sa akin ni Zeo.

“Hi Ms. Inoue Saga” inilahad nito ang kamay niya na kitang kita ko. Ramdam ko ang pang iinit ng gilid ng mga mata ko. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang mga nagging reaction ko ng madinig ang boses ng lalaki ito. Ang boses na hindi hindi ko makakalimutan at matagal ko ng hindi nadinig sa loob ng halos walong taon. Tumikhim ako wari pinigilan ang mga luha ko. Inabot ko ang kamay niya at dahan dahan iniangat ang  ulo ko upang makita ko na ang itsura ng lalaki ito.

Hindi ako makapaniwal sa nakikita ko. Bumagsak na ang mga luha ko. Totoo ba ito? Hindi na ako nag alinlangan pa at mabilis ako tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

“Saito”-Inoue

A/N:

On Hold pa rin ang story ito dahil mahalaga sa akin ang Book Two. Isip isip ng bongga si Author, hind I lang ako basta basta nag u-update nito J

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now