MH-22

1K 35 14
                                    



[Inoue's POV]

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng dalawa ko mga mata. Halos hindi ako makasubo ng pagkain ng dahil nanatili lamang ako nakatingin kay Keito at sa anak ko. Niyaya ko na lamang si Keito ng diner. Nagtatawanan sila habang kumakain, halos e kwento ni Aiko lahat ng nakakatuwa karanasan nito sa school, isa na siguro dito ng nasuntok niya ang ka schoolmate nito lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aiko.

"Anak, bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sinuntok?" Tumingin ako kay Keito na nahihiya baka isipin niya hindi ko tinuruan ng magandang asal ang anak ko. Nakangiti lamang si Keito habang nakikinig kay Aiko.

"Eh kase naman mommy, lagi niya po ako sinusundan" Nag pout siya matapos magpaliwanag. Ang ganda talaga ng anak ko nagmana sakin pero wait nga hindi ngayon ang oras para madala sa kagandahan niya na namana niya sakin, kailangan ko gawin ngayon ay disiplinahin siya.

"Aiko, sinusundan ka niya kase magkaklase kayo at baka gusto lang makipag kaibigan" Hindi ko malaman pero medyo napangiti ako dahil bigla ko na lamang naalala ang nakaraan. Ang nakaraan namin ni Saito, noong mga bata pa kami. Lagi niya din ako sinusundan noon, pero never ko naman siya sinapak. Brutal naman ng anak kong ito, nagtaka pa ako, anak pala ito ni Black Heart.

"I'm sorry Mommy" Paghingi niya ng sorry. Oww, so cute ng anak ko. Pero sorry, kung hindi muna ako magpapadala sa kagandahan mo, kailangan kita e discipline.

"but Mommy, he is not my classmate" I sighed.

"Kahit hindi mo man siya classmate, magsorry ka sa kanya dahil hindi maganda ang ginawa mo. Dapat hindi ka nanakit ng tao except kung kailangan mo protektahan ang sarili mo". Last year I enrolled Aiko sa Taekwondo class ng sa ganon ay matotunan niya protektahan ang sarili niya.

"iyan nga po ang reason why I punch him" Nagulat ako sa sinabi ni Aiko. Nakita ko din kumunot ang noo ni Keito sa nadinig. Oh my goodness!

"Ano ginawa niya sayo?!" Halos mataranta ako sa sinabi ng anak ko. Ano ginawa ng bata iyon sa mahal ko Aiko huhu. Ngayon ay hinila ko si Aiko papalapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Walangya batang lalaki iyon! Ano ginawa niya sa anak ko. Pinagsamantalahan niya kaya. Waaah hindi hindi pwede, my precious baby.

"Baby, tell me, ano ginawa sayo?"-Keito.

"Goodness!" Halos nasambit ko. Nagulat ako ng makita nasa tabi na namin si Mister Kitamura, ang alam ko huli ko siya nakita nasa dulo siya ng lamesa. Hinawakan nito ang isa kamay ni Aiko. Nakaluhod ang isa niya tuhod para pumantay sa anak ko.

"H-He..*sniff* *sniff*.."- Aiko. Nakita ko parang naiiyak na si Aiko habang nakatingin sa mukha naming dalawa ni Keito. Napakagat ito sa labi at nakikita ko na ang pamumuo ng luha niya. Mas lalo ako kinabahan. Hindi pwede.. impossible.. hindi pwede.. Ano klase ako Ina, bakit napabayaan ko anak ko. Nagpipigil ako hindi maiyak.

"Aiko, magsalita ka, ano ang ginawa sayo ng batang iyon!?" medyo napataas na ang boses ko kase ayaw niya magsalita. Iyak na lamang siya ng iyak.

"M-Mommy..huhu.. D-daddy.." tangi nasambit niya at nagpatuloy na sa paghikbi.

"Huwag ka umiyak, Aiko, sabihin mo kay Mommy ang nangyari" -Inoue

"Baby, please tell us, what the hell he did to you!?" –Keito. Napatingin ako kay Keito ng madinig na medyo napataas ang boses nito at parang impatience na siya, nag aalala ito nakatingin kay Aiko.

"He..He... H-... huwaaah" Bumitaw si Aiko sa paghawak namin sa mga kamay niya at mabilis na niyakap ang mga leeg namin ni Keito habang patuloy na umiiyak. Hindi ko maiwasan parang sisihin ang sarili ko kung ano man ang nangyari sa anak ko. Nung naramdaman ko ang pagyakap niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now