MH 26

114 2 0
                                    



Inoue's POV


Matapos ang limang segundo ay kumawala na nga ito sa pagyakap sa akin. Gusto ko siyang pigilan pero natatakot ako kase baka iyon na ang muling huling limang segundo mayakap ko siya ulet. Natatakot akong isipin na pagpinigilan ko siyang umalis baka di na siya bumalik ulet at di ko na muling maramdaman ang yakap n-niya kahit... limang segundo lang.


Nadinig ko ang ingay ng pagsara nya ng pinto na alam ko sinadya niya para ipaalam sa akin umalis na siya. 


***

HIndi ako nakatulog buong gabi dahil gusto ko ng pumasok sa opisina para hanapin at makita siya. Kahit ganun na lang muna. Hindi ko na muna e pipilit ang sarili ko. Hindi ko na muna ipipilit na siya ang asawa ko kahit alam na alam ko na siya iyon. 

Napakalakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad sa loob ng Tambushi corporation building.  Nagtungo agad ako sa opisina ni Zeo. Alam ko na mali na agad ako doon magtungo pero gusto ko siyang makita, gusto ko makita si Saito. Alam ko naman na doon siya pupunta dahil meron silang mahalaga dapat mapag usapan para sa kompanya. Natigilan na lamang ako ng sumulpot sa harapan ko si Rio, ang ka officemate ko. 


"Inoue, saan ka pupunta? sa ibang floor ang office natin." Nagtatakang tanong nito. 


"Sa President office" walang kagananggana pag sabi ko.


"Pfft..gising ka na ba talaga Inoue? Bakit ka pupunta doon e hindi naman pwede ang isang katulad natin doon" Bigla na lamang ako nagising ng sabihin niya iyan. Hindi pala pwede may makaalam na part ako ng Tambushi Family. Napagdesisyonan ito para sa kaligtasan namin ni Aiko.  Ano ba e dadahilan ko.. gusto ko lang makita ang asawa ko. Isip Inoue..mag isip ka..


"Good Morning!"-Keito


 Halos tumalon ang buong diwa ko ng madinig ang boses na gustong gusto ko madinig. Hindi ako gumalaw at nagpanggap na lamang na hindi siya nadinig. 


"G-Good morning"-Rio. pagbati niya pabalik kay Keito. Nasa harapan kami ng elevator. Ang isa sa mga elevator kung saan ang CEO at ang mga sharesholder lamang ang pwede makapasok. Di ko pa nasasabe pero meron akong shares sa company pero sekreto lamang, hindi maari ipaalam para na  rin sa kaligtasan ng pamilya ko.

Bumukas na ang pinto ng elevator pero hindi ko magawa makapasok dahil nandito si Rio. Sa loob ng elevator ay meron salamin. Agad ako tumigin para makita ko siya kahit doon man lang. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makitang nakatitig din siya sa akin.  Doon sa mirror naka side view siya at ang mga mata niya nakatingin sa akin... goooooossssh!  Nakatingin lamang siya ng wari may hinihintay sa akin.


Hinihintay ko siyang pumasok sa elevator pero di pa din siya pumasok. Muntik na itong magsara kaya pinindot ko para mapigilan. Nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari. Iyong kamay niya  nakalapat sa kamay ko, wari pinigilan niya din ang pagsarado ng elevator. Hindi lang doon nagtatapos. Ang position ng katawan niya, parang nakayakap sa akin. Naramdaman ko pinisil niya ang kamay ko. I heard him smirk. Kaya this time  napatingin na ako sa kanya. Ngumiti siya ng palihim


"You made my day" He whispered. Parang kung may anong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Gossssshhhh.. kinilig ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon