MH-7 "Illusion"

729 40 5
                                    

[Inoue’s POV]

 

“SAITO!” Muli sigaw ko habang nakita papalayo na sa akin ang sasakyan niya.

“Inoue, ano nangyari?” nag aalala tanong ni Rio sa akin pero hindi ko siya pinansin. Napahawak ako sa nook o hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Alam ko na siya iyon. Hindi ako pwede magkamali. SIya iyon eh, iyong tindig niya, iyong ngiti niya ang lahat lahat siya iyon. Tumingin ako sa paligid kung nakita ko ang kabayo na kanina gamit ni Number 11. Bahala na, dapat masundan ko iyon.

“Inoue ano ginagawa mo?” pinigilan niya ako sa pagsakay sa kabayo.

“Hahabulin ko ang asawa ko” at doon ay pinalo ko ang kabayo at tumakbo ito. Muntik na ako mahulog buti na lang nakakapit ako sa tali. Kahit papaano marunong ako sumakay sa kabayo ng dahil isa ito sa hilig ni papa.  Nawawala na sa paningin ko ang sasakyan ni number 11, mas lalo ako nakaramdam ng takot. Pinalo ko pa ang kabayo at mas lalo bumilis ang takbo nito.  Hindi iyon ilusyon,alam ko siya iyon.

“Inoue!” nakita ko sa gilid ko si Sir Kai. Ano ginagawa niya dito?

“Ihinto mo ang kabayo,Inoue!”  utos niya. Oh shock! Para ako namutla sa sinabi niya. Kasei to pala ang kahinaan ko. Hindi ko alam kung paano ipahinto ang kabayo. Muli ako tumingin sa sasakyan ni Number 11. Wala na ito. Hinanap ko pero wala na ito. Nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.

“Saito..Saito..” tangi sambit ko habang patuloy na hinahanap ang sasakyan. Naluluha na ako.

“Inoue! Ihinto mo ang kabayo!” tumingin ako sa kanya. Nagulat siya ng makita ako umiiyak. Napamura na lamang siya.

“Itaas mo ang tali!” ginawa ko ang sinabi niya pero ng dahil doon ay na out of balance na ako at nahulog buti na lang doon ako bumagsak sa pinagsama sama tuyo dahon.

“Inoue!” Sigaw ni Kai at nagmadali ito inihinto ang kabayo at bumaba. Lumapit siya sa akin.

“Inoue, okay ka lang” hindi niya malaman ang gagawin habang nakatingin sa akin. Hindi ko ininda ang sakit na naramdaman ko tangi nasa isip ko ay si Saito. Huminga ng malalim si Kai.

“Nasisiraan ka na ba?! Bakit ka sumakay ng kabayo? Baliw ka nab a talaga!” galit nag alit siya. Pero wala ako takot na maramdaman ngayon. ANg gusto ko lamang ay umiyak. Maiyak ng dahil sa sobra sakit. Iniisip ko na buhay na naman siya, bumabalik na naman ba nag sakit ko? Pero hindi, alam ko siya iyon.

Huminto ang isa Innova sa di kalayuan sa amin at doon nagmamadali bumaba si Rio at meron ito kasama dalawa lalaki.

“Inoue! Kai!”  Wala ako s asarili. Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila. Dahan dahan ako tumayo. Binalak ako alalayan ni Kai pero hindi ako pumayag. Kaya ko ang sarili ko. Ganun din ang balak gawin ni Rio pero hindi ko rin siya pinayagan. Ayaw ko ng tulong nila ngayon. Gusto ko muna mapag isa. Papunta ako ng kotse ng makita ko ang isa lalaki bumaba kanina sa kotse na hawak hawak iyong kabayo ni number 11. Muli lumarawan sa akin ang mukha ni Saito kanina habang kumakaway sa amin. Kaya naman agad ko nilapitan iyong matanda lalaki.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now