MH-14

880 32 7
                                    


A/N: Play niyo po sa side "The one who got away by Katy Perry" kanta ni Inoue hehehe para ma feel natin ang MH J


[Inoue's POV]


Muli ay nabalot kami ng katahimikan. Nakatitig lang kami sa mata ng bawat isa. Bakit ba kailangan mo pa pahirapan ng ganito ang situation natin. Saito, ano ba talaga ang nangyayari sayo? Please umamin ka na. Please bumalik ka na sa'kin. Bumalik ka na sa amin dalawa ni Aiko.


"Hahahahaha!" nanlaki na lamang ang mga mata ko nung bigla ito tumawa. Napataas ang isa ko kilay. Nung mapansin niya ata na nagtataka ako s pagtawa niya ay huminto siya sa pagtawa at tumikhim.


"Ehem..I'm sorry ...pfft.." Ngayon napakunot na ang noo ko sa inasal niya. Pinagtatawanan niya ba ako?


"Ano nakakatawa?"


"N-Nothing..."


"Talaga?" sarcastiko tanong ko? "Pinagtatawanan mo ba ako?" Naiinis na ako sa kinikilos niya. Nung ma e compose na niya ang sarili dahil sa pagtawa nito kanina. Sumeryoso na ang tingin niya sa akin.


"Stop saying nonsense, Misis Saga!" Seryoso sabi nito. Hindi ko malaman pero ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya. Na parang sinasabi niya kung hindi ako titigil ay may malalagot ako sa kanya. Napahinga ako ng malalim ng dahil sa sinabi niya.


"kung sayo, wala kwenta iyon..pwes sa akin, malaki ang halaga noon" Ramdam ko ang pagdaloy ng isa luha kumuwala sa mata ko. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata niya ng makita lumuha ako. Agad ko pinunasan ang luha ko. Tumayo na ako. Hindi ko na kakayanin pa na magtagal sa harapan niya at makita niya pa kung gaano ako nasasaktan. Nagsimula ako lumakad pero napahinto ako nung hawakan niya ang braso ko. Hindi ko akalain na wala nap ala mas dudurog sa puso ko sa sunod na sinabi niya.


"Misis Saga..." hindi siya nakatingin sa akin.


"..hindi ako ang asawa mo!" matapos niya sabihin iyon,binitawan na niya ako. Halos manlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Nakalabas na ako sa hotel. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas at nakaya ko pa makalayo sa kanya.


Ilang beses pa ako masasaktan? Ilan beses pa ako magpapakatanga? Ilang

beses ko pa ba papaasahin ang sarili ko na...na..buhay ka pa gayon patay ka na.

Kinuha ko ang sasakyan ko at doon nagiiyak.



****


"Inoue, ano ba nangyayari sayo?" Pag aalalang tanong sa akin ni Taki. Matapos ang nangyari kanina sa restaurant. Hindi ko kinaya ang sakit na naramdaman ko kaya naman tinawagan ko si Taki. Kailangan ko ng tao makakaintindi sa akin at iyon ay walang iba kundi ang bestfriend ko.

"Inoue ano ba? Hindi na kita maintindihan, kanina ka pa hindi nagsasalita tapos kanina nung dumating ako nakita kita sa kotse mo at umiiyak. Ano ba kase ang nangyare? " Hinawakan ni Taki ang magkabilang braso ko at inuyog uyog niya ako.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now