MH-25

214 5 5
                                    


_Inoue's POV_


"Maghihintay ka?"He smirk at umiling iling ito na wari di makapaniwala sa sinabi ko. Ang tanong na iyon ang bumasag sa matagal na katahimikan. Tinignan ko lamang siya. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa puntod lamang ng asawa ko.


"Sino ang hihintayin mo?" this time tumingin na siya sakin. HIndi ko maintindihan ang tingin niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang inis. Huminga ako ng malalim at wari pumikit.


"Ikaw" Para sya nagising at nagulat sa sinabi ko.  


"Hihintayin kita, Saito" Nakita ko napakuyom ang kamao niya sa nadinig. Hindi ko pinansin iyon. Hindi ko na naman kinaya at niyakap ko siya.


"Sobrang miss na miss kita" Hindi ko na kayang pigilan pa. Alam ko siya ito. Alam ko na ang asawa ko ito. Lumakas ang tibok ng puso ko, na parang nagbigay pag asa ng maramdaman ko ang unti unti niyang pagyakap sakin.


"Sabe ko na ikaw ito. Alam na alam ko na ikaw ito, Saito!" Mas lalo ko siya niyakap ng mahigpit. Di ko napigilan ang umiyak ng dahil sa sobrang kasiyahan. Buhay ang asawa ko. Buhay si Saito!


"Buhay ka. Buhay ka nga. Salamat! Salamat kase bumalik ka Saito" Sobrang saya ko. 


Pero unti unti ito napawi ang saya na naramdaman ko ng dahil sa mga binitawan niyang salita.


"Ganito ka ba yakapin ng asawa mo?" seryosong tanong nito. Bigla ko siya tinignan na wari nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinignan niya lamang ako na makikita ang inis sa mga mata niya.


"Tell me Mrs.Saga, tama ba ang pagyakap ko sayo? katulad na katulad ba sa asawa mong namayapa?" Sarcastiko tanong nito. Napakunot ang noo ko.


"S-Saito, ano ba pinagsasabe mo?" kumawala na siya sa pagyakap sakin, at itinulak ako ng bahagya. 


"Hanggang kailan ka magluluksa? Hanggang kailan ka mababaliw sa lalakeng iyan?" Galit na galit siya. Hindi ako nakaimik. Masyado ako nagulat sa mga sinabe niya.  


"Look.. He was a killer!" Mas lalo ko kinagulat ang sinabe niya. Napahilamos nito ang kanyang kamay sa kanyang mukha.


"Wake up, Inoue! He is not worth it" Hindi ko sa kanya unang nadinig ang mga salitang ito. Hindi na bago sakin ang mga salitang iyon pero sobrang sakit ng madinig ko ito mismo sa kanya. Hindi ako magpapalinlang, alam ko ikaw ito.


"Ano ba pinagsasabe mo..S-Saito?" wari hahawakan ko ang balikat niya pero lumayo ito.


"Stop calling me Saito!" may galit sa mga mata niya. 


"Pina imbestiga ko ang asawa mo, nalaman ko na pinatay niya pala ang sarili niyang magulang. Hindi ko akalain na mababaliw ka pala sa isang mamatay tao Mrs.Saga" Hindi ako makapaniwala sa mga sinabe niya. Paano niya nasasabe ang mga iyan sa asawa ko?

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now