55. The Bride

Magsimula sa umpisa
                                    

"How about you, Rox? Care to share?" Tammi asked.

"Ronie is nice, pero alam n'yo namang childhood buddy kami. Sinasadya niya 'yon kasi ayaw niyang mabiktima ng mga social climber. And besides, takot ko lang kay Tita Tessa."

"Oh. Speaking of the mother hen." Sabay-sabay silang natahimik.

Grabe, feeling ko, malevolent ever since talaga ang mama ni Rico para magkaganyan sila na para silang nakarinig ng super duper bad news.

"Si Che lang talaga ang pinaboran ni Tita, 'no?" kuwento ni Shai.

"Ibang level naman kasi si Che," dagdag ni Tammi. "Sobrang family-oriented. Maganda. Sweet. Sobrang hinhin pa. Bagay na bagay talaga sila ni Ronie."

"Yeah, I know," segunda ni Heaven. Pagtama ng mga mata namin, nakahalata yata na asawa ako ng pinag-uusapan nila. "No offense, Jae."

"How sad lang na she died," malungkot na sabi ni Rox.

"Mas sad naman yung inaya niyang maging best man si Ronie noong wedding niya sana," sabi ni Tammi. "Grabe ang iyak ni Ronie noon. Ako ang na-heartbroken, e."

"That's why we're protective of Ronie," Shai explained to me. "When he loves a girl, he loves her with all his heart. If you pay for his meal the first time he asks you out, and it's fine with you? Girl, lucky you. Buy him a meal, and he'll give you the whole kitchen."

"Girl, hindi kami tumututol sa inyo, but if you break his heart, blocklisted ka na sa 'min," banta ni Heaven. "And we have enough influence to bring you your hell on earth."

I tried to compose myself since this wasn't the first time I had received such a warning. Mula pa kay Myles, hanggang sa parents ni Rico, until now? Natawa na lang ako.

Upon hearing their stories, doon ko na-realize na kung babaero ang mga barkada ni Rico na lalaki, itong mga babae naman ang mga naging fling din niya. Then that means hindi pala talaga siya allergic sa girls because he dated them. Wala lang siyang naging commitment sa kanila. Somehow, may similarities pala kami. But I felt their concern for Rico. Klase ng concern na hindi gawa ng selos sa akin. Concern na gawa ng friendship nila. Rico really has the best of peers.

Habang naririnig ko silang lahat at iniipon ko ang mga salita nila, the sequence never lie. Walang problema kay Rico. Ako talaga ang issue sa aming dalawa.

I was expecting na "Huwag mong sasaktan si Jaesie, Rico." But no. It was more of "Don't hurt Rico, or else kami ang makakalaban mo."

At habang tumatagal, lalo kong nakikitang wala pala akong kakampi kapag si Rico na ang pinag-uusapan.

"Bakit hindi naman kayo ganyan kina Patrick?" tanong ko.

"Kasi mga gago since birth talaga ang mga 'yon," sabi agad ni Rox.

"Ipinanganak lang yata ang mga 'yon para maging babaero," gatong ni Wynn. "Ewan ko nga kung paanong hindi nahahawa si Ronie sa kanila."

"Kulang ang powers ni Ronie to influence them na maging good boys," sabi ni Heaven. "He's outnumbered." Matapos ang mukha ko, sinunod na niyang ikulot ang buhok kong kanina pa naka-clip.

"Bakit pala wala kayong wedding photo?" tanong ni Rox nang pumuwesto sa harapan ni Shai at kinunan ako ng picture.

Napahugot ako ng hininga. God, mapapakuwento pala talaga ako sa epic failed wedding ko.

"Nahimatay kasi ako after ng ceremony," nahihiyang kuwento ko.

"Hala, bakit?" tanong nila, na hindi gaya ng reaction kanina ni Patrick na kung makatawa, sagad, parang concerned na concerned sila sa nangyari.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon