Prologue

4.6K 38 10
                                    


Lovely Day

"Bonevee Felicidad!" I heard my father calling my name.

"Yes, Dad?" I curiously asked him.

"We're leaving. Bryan, take care of your sister," he recalled as he checked his pocket for the key to our car.

"Sure. I will, Dad. Take care," Kuya then answered.

"Mag-iingat din kayo rito. Feda, aalis na kami, makinig ka kay kuya mo," anang aking ina.

"Yes, Mom," I smiled at her and she nodded as she replied. We waited for them to go before we went inside our house. Lumabas kaming magkapatid kanina para ihatid sa labas ang aming mga magulang na kailangang umalis para mag-asikaso ng mga bagay-bagay.

"Any assignments, Feda?" He's always like this. He always ask me about my academics, particularly with my assignments and projects. Wala sigurong takas sa kapatid ko ang lahat basta may kinalaman sa pag-aaral. Ultimo iskedyul ko ay mas alam niya kaysa sa akin.

"Pa-drawing, kuya," naglalambing kong sinabi.

Sa lahat ba naman kasi ng tao sa mundo, isa ako sa mga walang talento sa pagguhit, pagkanta, at pagsayaw. Noong umulan siguro ng talento, natutulog ako kaya wala man lang akong nasalo. Well, kaya ko namang magpinta, iyon nga lang ang alam ko.

"Do it by yourself, Feda. You can paint but you don't know how to draw? Ano 'yon?"

"Anong gagawin mo? E, 'yon nga lang ang kaya ko. Tsaka hindi naman porke't kaya kong magpinta, magaling na akong gumuhit? Talentadong pinoy ka, mas kaya mo 'yan kaya ikaw na lang ang magdrawing," tugon ko, pinipilit siyang gawin ang hinihingi ko.

"Feda, hindi sa lahat ng oras—"

"Blah, blah, blah. I don't do this every time, minsan lang naman ako magrequest sa loob ng isang araw. Stickman lang kaya ko, kuya. Sige na, please," I pouted and blinked my eyes cutely. I don't know why I act like such an idiot when I want something. But hard work pays off, so I don't mind.

"Fine! Ano ba 'yon?"

"Padrawing ako ng aso tsaka pusa. I drew it earlier pero ang ugly, kuya. I do not want to try it again, it looks like a scary creature," Sinubukan ko iyon kanina pero masakit sa mata ang kinalabasan.

"May I see?" Aniya tsaka kinuha ang bond paper na hawak-hawak ko at sinuri niya iyon nang mabuti.

"What's this?" Turo niya sa iginuhit kong aso.

"Dog. Hindi pa ba halata na aso 'yan?" Sarkastikong tanong ko pabalik. Kung nababasa ko lang siguro ang isip nitong kapatid ko, puro panlalait na ang naririnig ko.

"Mukhang butiki 'to. May aso bang ganito ang korte ng katawan? Pa-lizard? Ako na lang nga ang gagawa," pasukong aniya.

Kung gaano siya kaconcern sa pag-aaral ko, mas itinaas naman 'yon ng panlalait niya. He bullies my drawings just because he draws better than me. He do some of things better than me. Kaya nuknukan na rin 'yan ng kayabangan.

"Yey! Thank you, kuya! Napakagwapo mo!" maarte kong hirit para palakihin pa lalo ang ulo niya.

"Like I can resist you, the last time I did that you blackmailed me," he said while sketching.

I remember what he's talking about. Mayroon kasing pagkakataon noon na hindi niya ako pinagbigyan kaya tinakot ko siya na isusumbong ko sa Daddy namin na nahuli ko siyang umiinom kasama ang barkada niya. He was young, a minor, that's why our parents didn't allow him to drink alcoholic beverages especially with his friends. Mahilig gumimik ang naging barkada niya noon kaya kaliwa't kanan din ang isyu. My mom doesn't like bad issues, if she finds out, she will use her connections to take it down. May good issues sa nanay namin? Of course, meron, lalo na kapag nalilink ang pangalan namin sa mga mayayaman at kilalang personalidad.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon