CHAPTER 43

1.5K 36 4
                                    

Months later...




“It’s been months, wala pa rin tayong nakukuhang bangkay ni Captain Xodriga and we only have two speculations. First, he’s dead and second, he’s alive.”
 
 
 

 
Naroon sila sa mahalagang pagpupulong kasama ang ilang mahalagang opisyales ng kasundaluhan. Buwan na ang nakakalipas nang ideklarang ‘missing’ ang naturang Kapitan at sundalo ng Philippine Air Force. Subalit sa buwang iyon na puro paghahanap, wala silang nakitang bangkay o natitira pang ebidensya na makapagsasabing buhay pa nga ito.
 
 

 
“If he’s dead, I know it may not be reasonable but his body must have been eaten by wild sea creatures, sharks to mention? But it’s not that concrete yet. We have to find more evidences. Or otherwise, his body might have been stuck between rocks. And if the thing you’re insisting which is him, being alive, there must be a reason. We only have one valid thing to reason out and believe for, and that’s in case someone has recovered his body.”
 
 

 
Tumaas ng kamay ang Colonel na pinaunlakan naman ng Heneral.
 
 

 
“Hindi nga po malabong mangyari ang iniisip ninyo, General. Malaki nga ang posibilidad na inanod ang katawan niya at may nakapulot sa kaniya.”
 
 

 
Jared interrupted. “But it was publicized already. Wala namang nagpahatid sa atin ng maayos na impormasyon kung nabubuhay nga siya. Kung may nakapulot man sa kaniya dapat matagal na tayong inimporma.”
 
 

 
Hindi nila maipagkakailang may punto nga ang lalaki. Makailang beses na nang may tumawag sa kanila subalit lahat ng iyon ay hindi akma sa kanilang impormasyon na ibinigay.
 
 

 
“Further information?”
 
 
 
 
“None, Sir.”
 
 
 
 
Sa kabiserang upuan, unti-unting tumayo ang matandang pinakaheneral nila.
 
 

 
“We extended the operation for five months, yet there's no body found. We have no concrete evidence to say that he's alive. You haven't presented me enough evidences and to say, your investigation has gone wide. For the second time, you have not found Captain. Therefore, this very day and time, I shall declare… Captain Xodriga’s death.”
 
 

 
Napatayo ang ilang opisyales. Bakas sa kanilang lahat ang pagkagulat. Walang natitirang nilalang sa loob ng conference room na iyon na hindi nagulat.
 
 

 
“General, baka—
 
 

 
“That is my order, meeting adjourned.”
 

 
 
Aalis na sana ang matanda nang muling magsalita ang Brigadier General sa harap.
 
 

 
“Give us another chance, Sir. This will be the last. Magbibigay kami sa iyo ng matibay na ebidensya kaya hindi kailangang ideklara na patay na si Captain Xodriga.”

 
 
 
“At ano namang ebidensya ito?”
 
 
 

 
 
 
***
 
Gradually, Keisha became better after hearing the news about Xyth being alive. Kumalat sa buong kampo ang balita matapos makahanap ng isang gamit na maaaring magpatunay na buhay nga ang kanilang Captain. She knew it, it may be hard to believe pero para sa kanya iyon ang totoo.
 
 

 
Hanggang ngayo’y hindi pa rin siya bumabalik sa kanilang headquarters dahil wala pa siyang natatanggap na tawag mula sa mga ito ngunit siniguro naman sa kaniya ng kanilang Colonel na hindi siya matatanggal. Palagi rin niyang nakakausap ang mga kaibigang naiwan doon, naging madalang nga lang nitong mga nakaraang araw.
 
 

 
Isa pang magandang balita na natanggap niya’y ang paglabas ng kaniyang lola sa hospital. Umaayos na muli ang kalagayan nito sa tulong ng therapist na kinuha nila. Madalas din niyang dinadalaw ang mga magulang ng kaniyang kasintahan na sa tuwina’y umiiyak kapag naaalala ang pangyayari. Doon din siya madalas na matulog upang hindi mabagot at mag-isip ng kung anu-ano ang mga ito. Ipinangako ni Keisha kay Xyth na habang wala siya, siya ang tatayong anak ng mga magulang niya. Tulad ngayon, naroon na naman siya. Kausap niya ang mga magulang nito tungkol sa simpleng bagay, binabalikan ang mga ala-ala noon. Tumunog ang cell phone ni Keisha na ikinagulat niya. Katabi niyon ang vase na nasa likod na bahagi niya kaya nang kukunin na niya ang cell phone, bigla namang nahulog ang mababasaging gamit.
 
 

Fly High, Love ThyWhere stories live. Discover now