CHAPTER 18

2K 62 2
                                    

“Bakit hindi mo nalang ako dinala sa clinic? Hindi ka pa sana napagod,” sabi ni Keisha habang pinupulupot ng lalaki ang bandage sa kanyang hita.
 
 
 
Xyth was very gentle in treating her wound. She can’t help but gawk at him from time to time. The man was quiet the whole time and it’s making her uncomfortable.
 
 
 
“Bakit hindi ka pumunta sa clinic? It’s your decision afterall.”
 
 
 
What?!
 
 
 
She laughed sarcastically. “Sino ba ang nagbuhat sa’kin papunta rito?! ‘Di ba ikaw?”
 
 
 
Xyth sighed. “Done.”
 
 
They stared at each other again. Nakapatong pa rin ang paa niya sa kandungan ng lalaki. Sa wakas natapos rin ang panggagamot nito sa kanya ngunit bakit hindi pa rin niya maalis ang paa roon?
 
 
 
“Hindi niyo itutuloy bukas ang gagawin ninyo,” saad ng lalaki na pumukaw sa kanya.
 
 
 
“Hindi pwede. Sasabihan niya lang akong naduduwag—
 
 
 
“She’s not like that,” he cut her off.
 
 
 
Umarko pataas ang isang kilay ni Keisha. She was hurt that Xyth is trying to defend the woman.
 
 
 
“Akala ko ba matagal na kayong magkasama? Bakit parang hindi mo pa siya kilala ng lubusan?”
 
 
 
Tumayo si Xyth saka niligpit niya ang medicine kit. Nakakamanghang malaman para kay Keisha na marunong din itong manggamot.
 
 
 
“Hindi ba ginawa niya lang naman ang bagay na ‘yon para subukin ako? Or more like ipahiya ako? Hindi mo pa nga siguro—
 
 
 
“That is part of your training.”
 
 
 
Keisha began to be annoyed. She stood up.
 
 
 
“Part of our training? Yeah, why the fuck am I the only trainee to receive that kind of training, huh? Halata namang may galit sa’kin ang babaeng ‘yon, e.”
 
 
 
Hinarap siya ni Xyth. “She has no reason to hate you.”
 
 
 
Pagak na tumawa si Keisha saka umiwas ng tingin sa lalaki.
 
 
 
“You’re dumb.”
 
 
 
Kumunot ang noo ng lalaki. “What?”
 
 
 
She gawked straight into his eyes. “I said you’re dumb. Bingi ka ba?”
 
 
 
Sinikop ni Xyth ang distansya nilang dalawa. Naduduling na tumingin si Keisha sa mga mata nito.
 
 
 
“Hindi ba sinabi ko na sa’yong huwag mo akong kakausapin ng ganyan? I am your Captain.”
 
 
 
Puno ng intensidad ang titigan nilang dalawa. Ayaw magpatalo ng lalaki, hindi rin siya magpapatalo.
 
“Hindi ba sinabi ko na rin sayong huwag mo akong ituring ng ganito? I am your trainee.”
 
 
 
Xyth’s jaw clenched. Nakapamaywang ang mga kamay nito. “You are clearly mocking me, right Berrenzana?”
 
 
 
Hindi nakasagot si Keisha. Nakipagsukatan lang siya ng tingin dito.
 
 
 
“Siguraduhin mong kaya mong panindigan ‘yang pakikipagtitigan mo sa’kin,” dagdag pa ni Xyth.
 
 
 
Nakaramdam man ng kaba, hindi niya pinahalata rito. Bakit ba puno ng pagbabanta ang bibig ng lalaking ito? Tanong niya sa isipan.
 
 
 
“Bakit? Nabubuntis ba ‘yang mata mo?” Keisha questioned.
 
 
 
Wala na namang umimik sa kanila. Then a knock on his door came. Lumingon doon si Keisha pero mukhang naka-lock ang pinto dahil hindi naman iyon pumasok.
 
 
 
Hinarap niya ulit ang kanyang Captain. “May tao—
 
 
 
She was cut off when her waist was encircled by his arm. Xyth grabbed her nape and eventually their lips met. He was kissing her aggressively but Keisha can’t still get over the fact the she’s being kissed by her beloved ex. After a long time, she felt the tingling sensation again when she’s kissed and she can only feel it with him.
 
 
 
 
 
Ngunit bukas na bukas pa rin ang mga mata niya sa gulat. She’s being kissed! She longed for that soft lips.
 
 
 
 
Nabigyan siya nito ng pagkakataon na sumagap ng hangin. She was panting. Hindi pa rin matigil ang kumakatok sa pinto ng lalaki.
 
 
 
“Someone’s—
 
 
 
Again, he captured her mouth that shut her up the second time. Xyth was deepening the kiss and Keisha can’t help but to kiss him back. She can’t control herself anymore. She’s been holding herself to respond because it’s not right. Iyon ang paniniwala niya. And finally, she closed her eyes.
 
 
 
Naramdaman niya sa kanyang likod ang malambot na sofa. Hindi pa rin sila naghihiwalay at mukhang walang balak na lubayan ni Xyth ang kanyang mga labi.
 
 
 
“I can’t…” she tried to push him. “Aww!” Napaigtad siya nang matamaan nito ang kanyang sugat. Doon naman tila nagising ang lalaki. He let go of her and distanced themselves.
 
 
 
“Shit. It’s bleeding,” he whispered. “I’m sorry, baby.” Xyth kissed her forehead.
 
 
 
Hindi makapagsalita si Keisha. Damang-dama niya ang paglisan ng mga labi nito sa kanya. Nag-iinit din ang mukha niya na batid niyang pulang-pula ngayon.
 
 
 
Pinalitan ni Xyth ng bandage ang sugat sa hita niya. Ang uniform niya’y napunit na dahil pinunit ito ng lalaki kanina para tuluyang makita ang sugat niya.
 
 
 
Xyth laughed teasingly after doing her wound again. “I’m sorry I have to make your wound bleed again. I hope your lips did not.”
 
 
 
Hindi alam ni Keisha kung may ipupula pa ang mukha niya. Binawi niya ang paa rito saka tumayo.
 
 
 
“Babalik na ako.”
 
 
 
Naglakad na siya patungo sa pinto. Nakapagtatakang, nawala na ang kumakatok dito kanina. Pipihitin na sana niya ang knob nang may magsalita sa kanyang likod. Napakalapit lang nito na nagpatulos sa kanyang kinatatayuan.
 
 
 
“I’m serious, huwag mong itutuloy bukas ang laban ninyo. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko.”
 
 
 
Nag-isip siya kung haharapin niya pa ba ito o hindi na. Baka kasi pagsisihan niya kung harapin niya ito. Baka tuluyan na siyang hindi makalabas.
 
 
 
“H-Hindi ako natatakot.”
 
 
 
She can feel herself trembling lalo na nang maramdaman niya ang paghinga nito sa bandang tainga niya.
 
 
 
“Really?” his husky voice sent shivers on her system. Then, a warm hand covered hers, which is on the knob. “But you’re trembling, honey.”
 
 
 
She closed her eyes and breathe. Narinig na naman niya ang palaging tawag nito sa kanya noon. She’s on the berge of tears.
 
 
“I hate you so much,” she uttered as she open the door and went off. As soon as she stepped her foot in the hallway of his room, a single tear escaped her eyes.
 
 
***
 
Kinabukasan…
 
 
“Bakit kayo nakauniform?” nagtatakang tanong ni Keisha sa mga kasama niya sa kwarto. Tanging sila lamang ni Hydie ang nakapang-martial arts na suot, iyong kulay puti na roba.
 
 
 
“Hindi mo alam? Iyong mga nanalo noon kakalabanin ngayon ang seniors natin. Mga officers na ang kakalabanin nila ngayon kaya nakaka-excite manood. Mabuti nalang natalo ako noon,” masayang wika ni Lisel.
 
 
 
“Yeah, balita ko pa naman mga gwapo raw ang seniors natin,” hagikhik ni Vanessa.
 
 
 
Napailing-iling na lamang si Hydie samantalang pinagpatuloy nalang ni Keisha ang pag-aayos niya ng sarili. Mahigpit niyang tinali ng mataas ang kanyang buhok. Tumayo siya pakatapos niyon ngunit hindi sinasadyang masagi siya sa mesa.
 
 
 
“Fuck! Bakit ba palagi nalang ako nasasagi?! Argh!” inis na sabi niya sa sarili.
 
 
 
“Ano ‘yan?” Vanessa
 
 
 
“May sugat ka?” Hydie
 
 
 
Keisha bit her lips. She did not tell them and she can’t lie now that they saw it.
 
 
 
“Yeah, nasagi ako kahapon sa bakal habang paalis ng upuan ko sa helicopter. Ewan ko ba kung bakit may bakal do’n. Nakakainis!”
 
 
 
“Eh pano ‘yan?” Lisel
 
 
 
“Anong pano ‘yan?” she asked while tying her robe.
 
 
 
“Hindi ka niyan makakagalaw ng maayos dahil sa sugat mo. Baka matalo ka ulit ni Ms. Chavez. Last chance mo pa naman ‘to,” ani Rachel.
 
 
 
“Mababaw lang naman ‘to saka nagamot na naman kahapon kaya okay na ako,” sagot niya.
 
 
 
“Oo nga, ‘wag na kayong mag-alala riyan. Balita ko pa naman, mahina daw sa close-range fight si Ms. Chavez,” nakangiting sabi naman ni Hydie. “Gusto mo ako na ang kumalaban do’n e. Ako na magtatanggol sa’yo.”
 
 
 
 
Kahit papaano’y nabuhayan ng pag-asa si Keisha. Kung totoo iyon, may pag-asang manalo siya mamaya, iyon ay kung hindi maging sagabal ang kanyang sugat.
 
 
 
“Tayo na, male-late na tayo. Ayaw ko nang tumakbo sa oval,” turan ni Arcie. Nagtawanan naman sila dahil batid nila ang pagod ng pagtakbo roon ng ilang ulit.
 
 
 
 
Dumating sila sa dating gym kung saan una rin silang naglaban-laban. May mga nakabihis nga katulad niya at mayroon din namang sa uniform lang nito. Napupuno ng ingay ang buong lugar dahil sa kung ano-anong pinag-uusapan nito. Lalo na, nangingibabaw ang boses ng mga kalalakihan na halos puro nagtatawanan.
 
 
 
Naglakad lang sina Keisha patungo sa kanilang pwesto.
 
 
 
“Hi, Berrenzana. Galingan mo, sa’yo nakataya ang pusta ko.”
 
 
 
Tumaas ang kilay ni Keisha sa lalaking sumabay sa kanya sa paglalakad.
 
 
 
“Pinagkakitaan niyo pa kami.”
 
 
 
Tumawa ang lalaki. “Katuwaan lang. Tsaka sigurado akong ikaw na ang mananalo ngayon.” Kumindat ito sa kanya ngunit may agad ding bumatok dito.
 
 
 
Pagtingin nila sa likod ay walang iba kun’di si Dennis.
 
 
 
“Bawal pormahan ‘yan.”
 
 
 
“Tangina ka. Bakit ka nambabatok?! Kinakausap ko lang naman ha!” Hawak-hawak ng lalaki ang batok nito habang hinimas-himas.
 
 
 
Pumagitna naman sa kanila si Dennis.
 
 
 
“Kausap-kausap. Lalaki ako kaya alam ko ang mga galawang ‘yan. Huwag ako.”
 
 
 
“Aish! Ewan ko sa’yo. Bye, Berrenzana! Goodluck! Padamihin mo pera ko ha?” pahabol pa ng lalaki bago ito tuluyang umalis.
 
 
 
 
“Nakita ko kanina si Ms. Chavez at si Captain na parang nagtatalo. Mukhang may LQ ang dalawa kaya maghanda ka, baka sa’yo maibunton ang galit.”
 
 
 
Nagtataka man kung ano’ng pinag-usapan ng dalawa, hindi naman niya tinanong dito. Malamang sa malamang pagdududahan lang siya ni Dennis kung magiging curious nga siya tungkol sa dalawa. Buo na rin ang desisyon niyang hindi sabihin dito ang nangyari kagabi. Baka sila rin ang magtalo.
 
 
 
“Wala akong pakialam.” Nilampasan na lamang niya ang lalaki na naiwang nagtataka sa kanyang tinuran.
 
 
Matapos ang paglalaban ng ilang trainees at ng mga seniors nito, sila naman ang sumunod. Katulad ng inaasahan, natalo ang lahat ng trainees at iniinda pa rin ng iba ang sakit na natamo ng kanilang mga katawan.
 
 
 
Ngayon, sila na ang sasalang. Hindi maitatanggi ang katahimikang bumalot sa kanila. Kung kanina, naghihiyawan ang mga ito ngayon nama’y pinagmamasdan na lamang sila gamit ng mga mata nito. Bahagyang nailang si Keisha sa atensyong ibinibigay sa kanila kaya naman pasimple siyang tumikhim.
 
 
Her eyes landed on him, the Captain, the man, the person who kissed her endlessly yesterday. They stared at each other for a while but she immediately avoided when Xyth’s gazes went on the wounded part of her leg. No one can see her bandage, pero kung magalaw ang sugat niya at dumugo ito siguradong mapapansin iyon sa puti niyang kasuotan.
 
 
 
“Ready, Ms. Berrenzana?”
 
 
 
Lumipat ang tingin niya sa babaeng kaharap na nakangiti na naman sa kanya. Tinanguan niya lang ito.
 
 
 
“Rules on this match, simple. The one who will tap or to be kicked out of the mat will be the loser. Are you ready ladies?” Their First Lieutenant asked. “Ms. Keisha, handa ka na ba?” sumilay ang isang ngiti nito sa labi.
 
 
 
“Yes, Sir.” Keisha answered back.
 
 
 
The man nodded. “Good luck to the both of you.”
 
 
 
 
They positioned themselves. Keisha tightened the tie of her robe.
 
 
 
Hindi niya pa alam ang specialty sa pakikipaglaban ni Ms. Chavez kaya kailangan niyang maging maingat. Nang maglapit silang dalawa, agad siya nitong binigyan ng sipa sa tiyan. Napahawak siya sa kanyang tiyan at napaatras ng bahagya. Kitang-kita niya ang tagumpay na ngisi sa mukha ni Ayana.
 
 
 
Naglaban muli sila, panay salag gamit ang kanilang mga kamay. Umikot si Keisha saka ginamit ang kanyang siko upang tamaan ang babae. Naipilig nito ang mukha at masama na itong nakatingin sa kanya.
 
 
 
She walked slowly again. Unang sumugod ang babae at pinagsusuntok siya nito na matagumpay naman niyang nasasalag lahat ngunit ang sunod nitong galaw ay nawala sa isip niya. Sinipa nito ang kanyang hita na siyang may sugat. Napadaing siya sa sakit. Hinawakan niya ang parteng iyon at nakahinga siya ng maayos nang makitang hindi bumakat ang dugo nito. Hindi na siya nagtangka pang silipin ito dahil magtataka lamang ang mga nanonood sa kanila.
 
 
 
“Fuck.” Xyth muttered.
 
 
 
Napalingon sa kanya ang katabi niyang nakatayo rin. “Bakit, Captain?”
 
 
 
Hahakbang na sana siya nang pigilan nito.
 
 
 
“Bitawan mo ako.”
 
 
 
“Hindi tayo pwedeng makialam, Captain,” sagot nito na nagpainis sa kanya.
 
 
 
“She’s—
 
 
 
 
“Woah!”
 
 
 
Tuluyang natuon ang atensyon nila sa dalawang babae. Wala na ang suot na roba ng babaeng si Ms. Chavez. Tanging shorts at sports bra nalang ang suot nito, kasuotan ng mga babae sa pagbo-boxing.
 
 
 
“Masyadong magulo ang uniform, kindly take it off, Ms. Berrenzana,” saad nito.
 
 
 
Her eyebrows furrowed. “No.”
 
 
 
Tumaas ang kilay nito sa kanya. “Are you trying to disobey your superior, Ms. Berrenzana? Don’t wait for me to order you.”
 
 
 
Iba’t ibang klaseng mura na ang binanggit ni Keisha sa kanyang isipan. Inis na inis na siya sa babaeng walang ibang plano kun’di ang pasundin siya sa lahat ng kagustuhan nito.
 
 
 
Inaalala niya ang kanyang sugat na siguradong kukuha ng atensyon kung tatanggalin niya ang kanyang roba. At hindi rin siya sigurado kung dumugo ba iyon. Keisha is wearing a white loosened pants and a sports bra as her top. She was unsure of untying her robe but she still did for the sake of her ‘superior’s order’.
 
 
 
Shit.
 
 
 
She looked away as she was loosening the tie of her robe. Gumilid siya saglit upang alisin ang roba niya. She was left with her loosened white pants and her sports bra. A small dot of red was visible on her leg.
 
 
 
 
“Shit.”
 
 
 
She looked at Dennis who gave her a deadly stare.
 
 
 
“May sugat siya?”
 
 
 
“Makakagalaw kaya siya ng maayos?”
 
 
 
Ilan lamang iyon sa mga narinig niya. Bumalik ang kanyang tingin sa babae na tila ba nakasilay ng pag-asang matalo siya.
 
 
 
She positioned herself again, ready to fight the woman. Sumugod ang babae sa kanya na sunod-sunod na sumipa. Sinagang niya ito ng kanyang braso. Sa panghuli nitong sipa, hinawakan niya ang paa nito saka siya umikot at akmang sisipain ang mukha nito subalit binitin niya iyon sa ere. Sinadya niyang hindi iyon patamain sa pisngi ng babae na halatang nagulat.
 
 
 
Tinulak niya lang ang paa nito na siyang hawak niya at dahil wala doon ang atensyon ng babae, agad itong natumba sa sahig. Nakarinig siya ng mga pumalakpak. Maaari na niyang samantalahin ang pagkakaupo nito ngunit hindi niya ginawa.
 
 
 
 
Tumayo ang babae saka muli siyang sinugod. Pinupuntirya nito ang kanyang sugat ngunit hindi niya hinayaang dumapo doon ni balat ng babae. Bumaba siya saka pinadaan ang paa sa babae kaya muli itong bumagsak.
 
 
 
“Argh!” bakas na bakas ang inis nito.
 
 
 
Muli siyang sinugod ni Ayana. Pareho silang natumba at nasa ibabaw niya ito. Kinuha nito ang kanyang paa saka umikot at pinilipit iyon.
 
 
 
Keisha groaned in pain. She nearly tapped but she did not do it.
 
 
 
“Kesh!” sigaw ni Dennis.
 
 
 
Napatayo na rin ang mga babaeng kaibigan niya. She can already feel her wound bleeding.
 
 
 
Ginamit niya ang malayang paa upang sipain ang babae. Tama nga ang hinuha niya rito, hindi ito masyadong maalam sa ilang aspeto ng pakikipaglaban. Tulad na lamang nito, hindi niya nai-lock ang kanyang paa kaya nagamit niya iyon upang palayuin siya.
 
 
 
Nabitawan siya ni Ayana at sapo-sapo naman nito ang tiyan. Madali siyang napagod dahil na rin sa kanyang sugat. Mabilis siyang lumapit rito. Keisha grabbed her arm and flipped her on the mat. Nakatalikod na ito mula sa kanya. Itinukod niya ang tuhod sa likod nito habang mahigpit na hawak ang isang kamay. Mas hinigpitan niya pa ito ng sumubok kumawala si Ayana.
 
 
 
“Tap, Ms. Chavez,” she uttered in a low tune where she and her can only hear.
 
 
 
Mahinang tumawa si Ayana sa kanya. “What made you think that I will tap, huh?”
 
 
 
Keisha smiled. “Come to think of it. You intentionally hit my wound so I won’t also doubt breaking your bones. Sabagay, may semento naman. Mayaman ka naman, magpabili ka nalang ng artificial na kamay.”
 
 
 
“Damn you!” Nagpumiglas si Ayana ngunit mas sumasakit lang ang pilipit niyang kamay ngayon.
 
 
 
Nagulat ang mga nanonood sa kanila sa biglang pagmumura ng babaeng akala nila’y hindi makabasag pinggan. Sa sobrang hinhin nito hindi nila akalaing kaya din pala nitong magmura.
 
 
 
Keisha tightened the grip on her arm.
 
 
 
“Argh!” Ayana groaned again.
 
 
 
“Just tap, Ms. Chavez. I’m tired of this,” Keisha casually said. Hinigpitan pa niya ang pagkapilipit dito at napangiti nalang siya nang sunod-sunod itong pumalo sa mat.
 
 
 
Hinihingal na binitawan niya si Ayana. Tumayo siyang muli at nang silipin ang sugat, nagsisimula ng mapuno ng dugo ang tela rito. Kumikirot din iyon dahil sa paulit-ulit na mga tama.
 
 
 
Keisha did not expect that the woman would cry and ran to their Captain. The woman hugged him and she instantly looked away. She felt drained.
 
 
 
“Congratulations, Ms. Berrenzana. Among the trainees, ikaw lang ang nanalo. You are excelling in every activities. Congratulations again.” Enrico smiled at her
 
 
 
Nagawa niyang ngumiti. Hindi rin magkamayaw ang kasiyahan ng mga taong nanalo sa ginawa nitong pustahan. Hindi nalang niya iyon pinansin dahil sa biglang pagkakahilo. Napahawak siya sa kanyang ulo at napansin nalang niyang nakaalalay sa kanyang likod ang kanilang First Lieutenant na si Enrico. Papalapit na rin si Dennis nang makita niya subalit lahat ng iyon ay lumipad sa ere nang bigla nalang siyang umangat.
 
 
 
He’s carrying her in a bridal position.
 
 
“You need to be treated. Ang tigas ng ulo mo kahit kalian,” sabi ng lalaki saka tuluyan silang lumabas ng gymnasium.
 
 
 
Waring nakakita ng multo ang lahat ng tao sa lugar na iyon. They can’t recover from the fact that their Captain just carried a trainee.
 
 
 
Unang beses lang nila iyon makita kaya naman wala silang magawa kun’di ang tumunganga sa dalawang bultong nakalabas na ng pinto.
 
 
 
Kinalabit ni Hydie si Lisel na kapwa nakatingin pa rin sa pintong linabasan ng dalawang tao.
 
 
 
“Si Berrenzana ‘yon, ‘di ba?” tanong nito habang ang atensyon ay nakatuon pa rin doon.
 
 
 
“Fuck, yes.”
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon