CHAPTER 23

2K 56 4
                                    

Abala sa paggabay ng mga nag-eensayo ang Kapitan na si Xodriga. Nakatingala siya ngayon sa kalangitan dahil pinapanood niya ang eroplanong lumilipad ngayon. Sa kabila ng nangyari, pinili pa rin ng ilang opisyales na ipagpatuloy ang pag-eensayo. Wala ring nagawa si Xyth kun’di sundin ito. Hindi na lamang niya pinahintulutan na lumayo ang mga nagsasanay para na rin sa kanilang kaligtasan.
 
 
 
 
Magsasalita na sana siya nang may dumating na sundalo. May hawak itong telepono.
 
 
 
 
“May gusto raw hong kumausap sa inyo, Captain.”
 
 
 
 
“Sino? I’m busy right now and if it’s not that important, kindly tell him or her that I’ll meet them later.” Muli siyang bumalik sa ginagawa. Narinig pa niyang nagsalita ang sundalo sa likod niyang bahagi ngunit pinabayaan niya nalang ito.
 
 
 
 
Inilapit niya sa kaniyang bibig ang hawak na radyo. “I said do not bank over 30 Degree. It’s still dangerous for you,” he instructed the trainee again.
 
 
 
 
“Sir, si Captain Pzarova po ng Philippine Army. Hindi niya sinabi ang pakay niya.”
 
 
 
 
He nodded. “Tell him to come over. Hindi ako pwedeng umalis dito.”
 
 
 
 
“Yes, Captain.”
 
 
 
 
“TH-67 Creek, kindly prepare for your landing. I repeat, TH-67 Creek, prepare for your landing,” he said over the radio.
 
 
 
 
“Papunta na po siya rito, Captain.”
 
 
 
 
Tinanguan niya lang ito kaya umalis na ang sundalo. His attention went back to the aircraft he’s training. Hanggang sa ilang sandali pa’y may nagsalita sa kanyang likod.
 
 
 
 
“Captain Xodriga.”
 
 
 
 
Nilingon niya ito saka binati. Nakangiti ito habang papalapit sa kaniya. Nagkamayan silang dalawa. As usual, the man has his fine built.
 
 
 
 
“What can I help, Captain Pzarova?”
 
 
 
 
“Gusto ko lang malaman ang pangalan ng dalawang aerial vehicle na hinabol mo. I’m sure you have the information about that.”
 
 
 
 
Xyth chuckled. Hindi na siya magtataka pa, sanay na sanay na siya sa pagiging prangka nito. Wala itong paligoy-ligoy kung magsalita.
 
 
 
 
“Iniimbestigahan mo pa rin ba ang nangyari noon?”
 
 
 
 
Xyth knows what happened in the past. Nakilala niya ito nang umuwi siya ng Pilipinas. They talked. They became friends but not as close as best friends. Marami na rin silang naging interaksyon gawa ng kanilang trabaho.  
 
 
 
 
“Walang rason para tumigil sa imbestigasyon.”
 
 
 
Natahimik si Xyth saka bahagyang tumingala upang tingnan ang ini-ensayo niyang naghahanda na sa pag-landing.
 
 
 
 
“Two, Cessna 421 B,” saad niya.
 
 
 
 
His eyes went back to the man. Bakas sa mukha ng kausap niya ang kagustuhang maimbestigahan ang nangyari noon. Hindi niya rin ito masisisi sapagkat kaso iyon ng sariling pamilya nito kaya hindi madaling bitawan.
 
 
 
 
“If you need more help, just give me—ah! Fuck!”
 
 
 
 
Subalit hindi naituloy ni Xyth ang sasabihin nang may kung anong bagay ang tumama sa ulo niya. Parehong bumaba ang tingin nila ni Pion sa bagay na bumagsak sa kaniyang paanan. Isa iyong itim na salamin at batid nilang pareho na pangbabae iyon.
 
 
 
 
“Shit,” he cursed again.
 
 
 
 
Napangisi ang kaharap niya nang marinig ang mahi niyang pagmumura. Salubong ang mga kilay ni Xyth na lumingon sa kaniyang likod at doon namataan niya ang isang babae na matatalim ang tingin sa kaniya.
 
 
 
 
Kailangan niya pa bang magtanong kung sino iyon?
 
 
 
 
“Thank you for sparing me time, Captain. Mauuna na ako,” paalam ni Pion.
 
 
 
Tinanguan niya nito habang hinihimas pa rin ang likod ng ulo niyang tinamaan. Umalis na ng tuluyan ang lalaki samantala bumaba naman siya para pulutin ang salamin ng babae.
 
 
 
 
Tumayo si Xyth saka hinarap si Keisha na ngayo’y masama pa rin ang tingin sa kaniya. Seryoso rin ang mukha niya habang papalapit dito.
 
 
 
 
He showed her the thing that completely ruined his mood today. “What is this?”
 
 
 
 
“My shades?” pagtataray ni Keisha. “Akin na.” Tinangkang agawin iyon ni Keisha mula sa lalaki ngunit nilayo ni Xyth ang kamay niya.
 
 
 
 
“Why did you hit me?” seryoso pa rin ang boses ni Xyth.
 
 
 
Kinakabahan si Keisha dahil alam niyang napalakas ang kaniyang pagbato pero hindi niya iyon pinahalata. Nais lamang niyang gumanti sa nangyari kahapon.
 
 
 
 
“Hindi ka naman siguro maniniwala kung nadulas ‘yon sa kamay ko, kaya… medyo sinasadya nga ‘yon.”
 
 
 
 
Humakbang Si Xyth at mas lumapit pa sa kaniya. Siya nama’y umatras.
 
 
 
 
“You dare… hit me with this?”
 
 
 
Dumako ang tingin ni Keisha sa shades niya na ginagalaw-galaw pa ng lalaki sa kanyang kamay. Muli siyang umatras nang lumapit si Xyth sa kaniya.
 
 
 
 
“Hindi pa ba sapat ang parusang binigay sa inyo ni General? Would you mind if I give you another one?” the man grinned.
 
 
 
Uminit ang ulo ni Keisha nang ipaalala sa kaniya ng lalaki ang nangyari. She had enough kung iyon lang naman ang pag-uusapan. Kaya kaninang nakita niya ito, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. Ibinato niya rito ang shades niyang binili pa niya sa Korea at ngayon hindi niya alam kung maayos pa ba ‘yon.
 
 
 
 
“Shut up—
 
 
 
 
“Hi, Captain!” Ayana appeared out of nowhere and clung her arms to the Captain. Her head swayed to look at her. “Oh, hi, Ms. Berrenzana. It’s you again. Today is our last day for the punishment so, see you later.” Her cunning smile showed up again.
 
 
 
 
Hindi na nagpatalo pa si Keisha, nginitian niya rin ito. “Yes, Ms. Chavez. I would love to see you take the punishment. You know, ranked officials must be responsible. Hindi iyong mga tumatakas dahil may kapit sa taas.” Matamis ang mga ngiti niya rito na batid niyang nagpainis sa babae dahil nawala ang kaninang masaya nitong mukha.
 
 
 
“Keisha—
 
 
 
 
“It’s Ms. Berrenzana, Captain,” she cut him off. “I hope not to see you around, both of you. Hindi pa ako kumakain. Nakakawalang-gana kayo.” She turned her back and went off.
 
 
 
 
Nang maramdaman ni Keisha na nakakalayo na siya, tumigil siya sa paglalakad saka huminga ng malalim.
 
 
 
 
“Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yon. Akala niya matatakasan niya pa ako ngayon. Tsk!” pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay at napatingin din siya roon. Napahawak din siya sa kaniyang mukha.
 
 
 
 
“Damn. Where’s my—
 
 
 
 
“Perhaps, you’re looking for this?” a man from behind voiced out.
 
 
 
 
Pumihit si Keisha sa likod niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang kaharap.
 
 
 
 
“Give it back,” matapang na wika niya.
 
 
 
 
Sa isang iglap lang nakapasok sila sa isang madilim na kwarto. Ang pintong iyon ay ang katapat niya kanina nang tumigil siya sa paglalakad. Hindi niya man lang namalayan na naroon na sila dahil sa bilis ng pangyayari.
 
 
 
 
Hawak ni Xyth ang kaniyang braso at ngayo’y nakasandal siya sa pader katabi ng pinto. Ilang hibla lang din ang layo ng mukha ni Xyth sa kaniya.
 
 
 
 
“Hindi ka talaga nag-iingat.”
 
 
 
 
“B-Bakit naman ako mag-iingat?”
 
 
 
 
“Tss. Paano kung may nakakita sa’yo kanina? Sa tingin mo ba palalagpasin nila na binabastos mo ang isang opisyales? You have to be careful, Berrenzana. You just hit their Captain.”
 
 
 
Kahit hindi niya masyadong makita alam ni Keisha na nakangisi ngayon ang lalaki. Bahagya niya itong tinulak saka huminga ng malalim bago nagsalita.
 
 
 
“Ano naman ngayon? Tatanggapin ko kung may parusa ulit basta ang mahalaga nakaganti ako.”
 
 
 
 
Tumaas ang kilay ni Xyth. He has no idea about it. Wala siyang alam sa sinasabi ni Keisha.
 
 
 
 
“What for?”
 
 
 
 
“Ba’t ko sasabihin?”
 
 
 
 
“Because you owe me an explanation. You hit me with this shit and to tell you, I was talking to one of the most important persons in this field. So, why would you not explain?”
 
 
 
 
Pakiramdam ni Keisha naputulan siya ng dila. Hindi niya alam kung ano’ng sunod na sasabihin.
 
 
 
 
“Speak,” Xyth added when he noticed that the woman did not respond to him.
 
 
 
 
“Ahmm—
 
 
 
 
Pareho silang natigil nang makarinig nang mahinang pagtunog ng isang bagay. It was a click from the knob of the door behind them. Mabilis na pumaroon ang kamay ni Xyth upang pigilan ang pagbubukas niyon. Mahigpit ang hawak niya sa doorknob kaya panay galaw lang ito.
 
 
 
 
“Shit. Bakit hindi ‘to mabuksan?” The man from behind uttered again. “Damn.”
 
 
 
Pansamantala itong tumigil sa pagsusubok na buksan ang pinto. Meanwhile, Xyth tightened his grip on the knob. The veins on his arms started to show up.
 
 
 
 
 
Kinakabahan si Keisha na humarap muli sa lalaki.
 
 
 

Fly High, Love ThyWhere stories live. Discover now