CHAPTER 22

1.9K 45 6
                                    

Kakagising lamang ni Keisha. Kumukuskos pa siya sa mga mata nang tingnan ang mga kasamang tulog na tulog pa. Alas kuwatro nang magpasya siyang hindi na bumalik sa pagtulog. Dumiretso na siya sa banyo saka naligo at nagbihis ng uniporme. Paglabas niya roon pa lang nagsimulang magsigisingan ang mga kaibigan niya.
 
 
 
Naupo siya sa tapat ng maliit niyang mesa saka inayos ang sarili sa harap ng salamin. Niblower niya ang kaniyang buhok saka itinali iyon ng mataas. She put her mascara on and blinked twice.
 
 
 
“Better.”
 
 
 
 
Naglagay na rin siya ng kaunting blush on saka lipstick. Gusto niyang mas maging maayos ngayon sapagkat kahapon para siyang nalugi sa negosyo. Nais niyang maging maaliwalas tingnan ang kanyang sarili sa araw na ito.
 
 
 
 
Saglit niyang nilingon ang mga kaibigan saka nginitian ang mga ito. Wala nang sumubok kausapin siya kahapon maliban na lamang kay Hydie, ngunit maikling pag-uusap lamang iyon dahil sa madilim niyang awra.
 
 
“Hi!” bati niya sa kanila. Walang sumagot sa kaniya. “Bakit?” tanong niya nang mapansing nakatingin lang ang mga ito sa kanya.
 
 
 
 
“Wala naman, bakit nag-aayos ka?”
 
 
 
 
She smiled at Lisel. “Wala lang.” She looked at the mirror again. “I just want to punish someone today.” Saka sinuot niya ang itim na sunglass.
 
 
 
 
“Punish? Sino nama’ng paparusahan mo sa umagang ‘to?” Hydie
 
 
 
 
Marahan siyang tumayo saka tumingin sa mga kasama. “Yeah. I’m Keisha Berrenzana and no one dares to get away from me.”
 
 
 
 
Nakatingin lang ang mga kaibigan niya sa kaniya.
 
 
 
 
“Pero teka… bakit nakasalamin ka na wala pa namang sikat ng araw sa labas?” tanong ni Rachel.
 
 
 
 
Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan at dahan-dahang tinanggal ang salamin niya. “You know what?” Tinikom ng babae ang bibig dahil akala niya’y maiinis si Keisha. “You have a point,” dagdag pa ni Keisha na nagpagaan sa paligid nila.
 
 
 
 
Tumaas ang sikat ng araw at nasa labas na rin si Keisha. Kanina pa siya inuutusan ng ilang sundalo kaya unti-unti na siyang napapagod. Nang mabigyan siya ng pahinga, pumunta siya sa banyo upang ayusin ang sarili. Naging mabilis lang siya sapagkat may kailangan pa siyang makaharap na tao.
 
 
 
 
While walking, she smile  widely at Dennis who has been distant with her in the past few days. The man saw her and was about to turn when she ran and grabbed his arm.
 
 
 
 
“Iniiwasan mo ba ako?”
 
 
 
 
Dennis looked away and ignored her. He continued walking and Keisha tagged along with him.
 
 
 
 
“Iniiwasan mo nga ako. So, ano’ng ganap mo sa buhay ngayon at hindi mo ako pinapansin?”
 
 
 
 
“Wala.”
 
 
 
 
“Tsk! Umiiwas ka nang walang dahilan? Bukod sa alam kong in love ka sa’kin, wala na akong ibang alam na dahilan para magtampo ka.”
 
 
 
 
Tumigil sa paglalakad ang lalaki saka siya hinarap.
 
 
 
 
“Nagkabalikan na ba kayo?” seryosong tanong nito.
 
 
 
 
Bigla na lamang siyang natahimik. Iyon ba ang rason kung bakit hindi ito madalas na lumalapit sa kaniya ngayon?
 
 
 
 
“Ano’ng sinasabi mo?”
 
 
 
 
Dennis sighed and rolled his eyes. “Alam mo ang tinutukoy ko. Do I have to mention his name?”
 
 
 
 
She remained silent and looked down. Natatakot siyang sabihin kay Dennis ang gustong pakikipagbalikan ni Xyth sa kanya dahil alam niyang magagalit ito lalo pa’t paulit-ulit siya nitong binalaan tungkol doon.
 
 
 
 
“Hindi kami nagkabalikan,” she simply answered.
 
 
 
 
Tiningnan niya ang kaibigan na seryoso pa rin ang mukha.
 
 
 
 
“Okay, I believe you. See you around, Kesh.” He patted her head and left.
 
 
 
 
Napanguso naman si Keisha. Nagpatuloy siya sa paglalakad at bigla na lamang siyang napatalon sa gulat dahil sa mga babaeng gumulat sa kaniya sa likod.
 
 
 
 
“Bakit ba kayo nanggugulat?!” inis na tanong niya sa mga ito.
 
 
 
 
They just looked like highschoolers.
 
 
 
 
“Wala lang.” Arcie
 
 
 
 
“We saw you talking to your friend, I guess his name is Dennis. Remember? Siya ‘yung nagpunta sa quarter noon at hinahanap ka. At hindi naman namin sinasadyang marinig pero—
 
 
 
 
“What?! Why are you eavesdropping?! Ano’ng narinig niyo?” Keisha exclaimed out of shock.
 
 
 
Walang dapat makaalam ng kung ano mang pinag-usapan nila ni Dennis. Muli niyang inalala ang pag-uusap kanina upang sariwain kung may nabanggit ba siyang pangalan o wala.
 
 
 
 
“Lahat narinig namin. Sino ang tinutukoy niyang nakipagbalikan sa’yo?” tanong naman ni Rachel.
 
 
 
 
“Mukhang nagseselos siya.” Hydie
 
 
 
 
“Malamang, obvious naman, e. May gusto sa’yo ang kaibigan mo. Anyway, sino nga ‘yung sinasabi niya at parang ayaw niyang makipag-ayos ka ulit do’n sa ex mo?” Lisel
 
 
 
 
Ramdam ni Keisha ang panlalamig ng mga kamay niya. Subalit kahit papaano, nakahinga siya ng maayos dahil hindi nila nabanggit ang pangalan ng lalaki.
 
 
 
 
 
“Babaero kasi ‘yon. Two-timer kaya ayaw niya,” pagsisinungaling niya.
 
 
 
 
Her friends nodded. “Alam mo? Makinig ka sa kaniya. Marami namang iba riyan na sigurado akong mas gwapo pa sa ex mo,” dagdag pa nito.
 
 
 
 
“Kailan kayo naghiwalay?” tanong ni Vanessa.
 
 
 
 
“Highschool pa.”
 
 
 
 
Vanessa clapped once. “Ayun! Baka mamaya patpatin na ‘yan. Maghanap ka nalang ng iba.”
 
 
 
 
“Oo nga, malay mo nag-aadik din ‘yon. Edi sira kinabukasan mo.” Hydie
 
 
 
 
“They’re right. Hayaan mo may irereto ako sa’yo.” Rachel winked at her.
 
 
 
 
Nakaawang ang bibig ni Keisha dahil sa mga kaibigan. Paano pa kaya sasabihin ng mga ito ang mga salitang iyon kapag nakita nila ang lalaking tinutukoy nila?
 
 
 
 
Keisha shake her head. “Have you seen Captain?” pag-iiba niya sa usapan.
 
 
 
 
Binigyan siya ng makahulugang ngiti ng kaniyang mga kaibigan.
 
 
 
 
“Tsk! Gano’n dapat ang mga hinahanap.” Lisel
 
 
 
 
“Ang mga katulad dapat ni Captain ang binabalikan. Kung sa mga sikat na brand, limited edition lang ang mga tulad niya.” Rachel
 
 
 
 
“Sana naman kasing gwapo ni Captain ‘yang ex mo ‘no. May picture ka? Patingin nga.”
 
 
 
 
Kung alam niyo lang.
 
 
 
 
“No, hindi na. May kailangan pa akong puntahan and take note, no phone on training hours.” Tinalikuran niya na ang mga ito at sakto namang may nakasalubong siyang mga nagmamadaling sundalo.
 
 
 
 
“Trainees, stay on your quarters.”
 
 
 
 
Nakalagpas na sa kanila ang mga ito kaya nilingon naman ni Keisha ang mga kaibigan sa likod. Nagmamadali itong nagsilapitan sa kaniya.
 
 
 
 
“May operation daw sina Captain.”
 
 
 
 
***
 
Naalarma ang buong command center matapos umilaw ng kulay pula ang mga monitors nila. Pahiwatig na may hindi tamang nangyayari malapit sa paligid nila.
 
 
 
 
[“Two unknown aircrafts are approaching Philippine space. Two unknown aircrafts are approaching Philippine space. Men, be ready.”]
 
 
 
 
Lumapit ang kanilang Brigad sa malaking monitor. Sinundan ng mga mata nito ang dalawang maliit na bagay na gumagalaw doon.
 
 
 
 
“Brigad, may tawag po tayo mula sa Philippine Army.”
 
 
 
 
Kinuha ng lalaking may katandaan na ang telepono.
 
 
 
 
[“We are requesting your company to investigate this thing, Brigad.”]
 
 
 
 
“We are looking to it, General. I will update you after our movement,” sagot niya saka binaba ang telepono. Bumaling ang Brigad sa sundalong nakaalalay sa kanya. “Call Captain Xodriga. I want him to take the lead. Huwag nang magsasayang ng oras.”
 
 
 
 
Sumaludo sa kaniya ang sundalo. “Yes, Brigad.”
 
 
 
 
 
Xyth was informed about the two unknown aircrafts flying across the city’s vicinity.  Naghahanda siya ngayon sa pag-akyat sa eroplanong gagamitin niya. Kasama niya si First Lieutenant Enrico na siyang ka-partner niya sa tuwina.
 
 
 
 
 
Xyth entered the plane and wore all necessary gears and devices during the flight. He also started to operate the cockpit of the plane.
 
 
 
 
“Captain Xodriga on the line, clear.”
 
 
 
 
[“Copy that.”]
 
 
 
 
The engine of the aircraft started.
 
 
 
 
“KAI FA-50 Golden Eagle is ready for take off. I repeat, KAI FA-50 Golden Eagle is ready for take off.”
 
 
 
 
[“Taxi to runway three zero.”] The ground controllers said.
 
 
 
 
Hinintay naman ni Xyth ang sasabihin galing sa kanilang control tower.
 
 
 
 
[“Line up and wait.”]
 
 
 
 
He waited for a bit. Sa paglingon-lingon niya sa labas nakita niya ang pamilyar na pigura ng isang babae na nakatayo at nakatanaw sa kanya. He just smiled kahit na hindi siya makita ni Keisha. Tiningnan niya ang kaniyang military watch.
 
 
 
“I told them to stay in their quarters. You are really stubborn, Berrenzana,” he muttered as she looked at her small figure again.
 
 
 
[“KAI FA-50 Golden Eagle is cleared to cross runway three zero.”]
 
 
 
 
Xyth prepared himself. He reached for the cockpit. The aircraft run onto the wide runway.
 
 
 
 
“Fly heading two three zero. Runway three zero left. KAI FA-50 Golden Eagle is ready for take off.”
 
 
 
 
The plane started to detach from the ground. He adjusted the elevators of the plane to make it climb.
 
 
 
 
Nasa ere na ngayon si Xyth pati na si First Lieutenant Enrico. Through their radar they detected the location of the unknown flying aircrafts.
 
 
 
 
[“Captain, we just received this report. The two unknown aircrafts bombed Manila South Port. Hindi natin alam kung naroon pa ba ang Presidente o wala na. You have to take an action on this.”]
 
 
 
[“I see them in my radar.”] Enrico reported.
 
 
 
 
 
“Copy”. Binaling ni Xyth sa ibang direksyon ang eroplano. “We are just waiting for your order, Sir.”
 
 
 
[“Umaakyat na ang bilang ng mga nasawi sa Manila South Port. We’ve already sent respondents. All you need to do now is to deal with that aircrafts.”]
 
 
 
 
“Yes, Sir.” Pinabilis nga ni Xyth ang takbo ng kaniyang eroplano.
 
 
 
 
[“Bombard those aircrafts. That is my order.”]
 
 
 
 
Sandali siyang natahimik. Ang eroplanong dala niya ngayo’y kargado ng mga sandata’t pasabog. Iyon ang ginagamit nila sa tuwing may mga panganib o banta sa kanilang lugar, pati na sa mga lugar kung saan sila rumiresponde.
 
 
 
 
“Order… received, Sir.”
 
 
 
 
 
They were only mile apart from the aircrafts who bombed the port. Lumingon siya sa eroplano ni Enrico at nang bigyan niya na ito nang senyas naghiwalay na silang dalawa. Tinahak ng kanilang mga eroplano ang magkaibang direksyon.
 
 
 
Napangisi si Xyth nang hindi kalayuan namataan niya ang isang eroplanong makakasalubong niya. Subalit mukhang nakita rin siya nito.
 
 
 
 
The plane banked and turned to another direction. Bumalik ito sa kaparehong direksyon na tinahak kanina.
 
 
 
 
Mabilis niyang sinundan ang eroplano.
 
 
 
 
“This is Philippine Air Force and you entered Philippine Air Space. Please confirm your identification. You bombed Manila South Port and recorded death of several citizens. Cooperate with us before we make actions according to our laws.” 
 
 
 
 
Naghintay ng ilang sandali si Xyth sa kasagutan ng isang eroplano ngunit wala siyang maayos na natanggap dito. Sa halip…
 
 
 
 
[“Go to hell.”]
 
 
 
Xyth muted himself for a while but later on, he chuckled.
 
 
 
 
“You leave me no choice, man.” He took the control wheel and reigned over the atmosphere. He had now the fastest speed and in just a matter of time, he clearly saw the plane.
 
 
 
 
He lifted his other hand and placed it on the button with an illustration of bombs.
 
 
 
 
“Hell is not my place,” then he pressed the button. The plane released the shaft and approached the direction of the other plane.
 
 
 
 
Sinubukan itong takbuhan at ilagan ng kalaban niyang eroplano ngunit hindi iyon nagtagumpay. The plane eventually cracked into pieces. The noise of the bombed aircraft ruled the place. It fell on the water while some parts are still burning.
 
 
 
 
After some while, his elevation lowered. He looked down and saw some soldiers who was also looking at his direction. He saluted even though he can’t clearly be seen. Segundo lang ang idinaan ng eroplano niya roon dahil sa bilis ng takbo niya. Hindi rin siya maaaring maglanding sa pier na iyon kaya dumiretso na siya pabalik nang kanilang kampo.
 
 
 
 
[“This is First Lieutenant Enrico. Cessna 421 B has left Philippine Air Space.”]
 
 
 
 
Xyth looked around. “Alright. Hindi na natin siya pwedeng habulin kung nakalabas na. We can’t enter another parameter. We’re heading back to the homebase.”
 
 
 
 
[“Copy that, Captain.”]
 
 
 
 
Few minutes later, they landed on the runway. The plane stopped. Xyth removed his gears and devices. He went down and directed to the command center with his First Lieutenant. They saluted on the Brigadier General waiting for them.
 
 
 
 
“Sir. Napasabog namin ang isang Cessna 421 B samantalang nakatakas ang isa. We will trace the aircraft with your order, Sir.”
 
 
 
 
The middle-aged man patted his shoulder. “Nakarating na nga sa amin ang balita. Paiimbestigahan ko muna ang nangyari bago ko ibigay ang panibagong utos. I also need to brief General about this. We’ll also have a meeting with the President. I will call you if they require your presence.”
 
 
 
 
“Yes, Sir.”
 
 
 
 
 
 
Dahil sa nangyari hindi naituloy ang pag-eensayo ng mga trainees. Maghahapon na’t hindi pa rin sila nakakalabas ng kanilang mga quarters. Hindi pa rin sila nakakakain ng pananghalian. Nakahiga lang sila sa kanilang mga kama nang bumangon si Lisel. Tumayo ito sa gitna.
 
 
 
 
“Have you heard?” Ang atensyon nito ay nasa hawak na cellphone.
 
 
 
 
“Ano?!” Hydie
 
 
 
 
“Pwede na ba raw tayo kumain?” Rachel
 
 
 
 
“Can we go out now?” Vanessa
 
 
 
 
“Tanga! Buksan niyo ang mga cell phone niyo at tingnan ang balita ngayon.”
 
 
 
 
Nagtataka naman iyong sinunod ng mga babae at nanlaki halos ang mga mata nila. Sabay-sabay pa silang nag-angat ng tingin.
 
 
 
 
“Unknown aircraft was bombed after entering Philippine Air Space. The said aircrafts also bombarded the Manila South Port which caused severe casualties.”
 
 
 
 
“President of the Philippines and his other high officials were spotted to be in the massacre of Manila South Port.”
 
 
 
 
“Philippine Army and Philippine Air Force responded on the bombard, Manila South Port.”
 
 
 
They were reading the headline of each news.
 
 
 
 
 
“What the...” Arcie gasped
 
 
 
 
Napatayo rin si Keisha kaya natuon sa kaniya ang atensyon ng mga kasama.
 
 
 
 
 
“Where’s Captain?” tanong niya

Fly High, Love ThyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora