CHAPTER 15

2.2K 57 2
                                    

Lumabas si Keisha sa silid ng Brigad. May kung anong harang sa lalamunan niya ang bigla nalang naglaho nang magkausap sila nito. Salungat sa kanyang akala, hindi siya nito pinagalitan bagkus pinuri pa siya dahil nasilayan nito ang pagpapalipad niya sa eroplano. The Brigad affirmed that she was not at fault for what happened.
 
 
 
Napairap siya sa hangin nang maglakad ang lalaki palapit sa kanya. Hindi niya maipagkakailang parang modelo ito habang suot ang uniporme. Kahit sinong babae papangarapin ang lalaking ito lalo pa’t parang may nangungusap itong mga mata.
 
 
 
“Ano na namang ginagawa mo rito?” mahinahon ngunit nagtataray niyang tanong habang ang mga kamay ay magkalandas sa kanyang dibdib.
 
 
 
“Feeling better?” bagkus tanong nito sa kanya
 
 
 
Taas-kilay niya itong tiningnan. May alam ba ito sa naging usapan nila ng kanilang Brigad? Kasabay ng masayang bati sa kaniya kanina ng heneral, hindi pa rin niya maitatangging naroon na ang takot sa kanyang sarili sa muling pagsabak sa pagpapalipad ng eroplano. Matapos ang nangyari, parang nagdulot ito sa kanya ng kaunting trauma na pilit na lamang niyang kinakalimutan ngayon.
 
 
 
“Samahan mo akong kumain.”
 
 
 
Nagsimulang maglakad si Xyth pero kaunting distansya pa lamang ang layo nito sa kanya’y napatigil na ito nang sagutin niya.
 
 
 
“Hindi ba sinabi ko na sa’yong huwag mo na akong lalapitan? Ano ba ang mahirap intindihin do’n?”
 
 
 
 
Pumihit paharap sa kanya si Xyth.
 
 
 
 
“Bakit? Dahil na naman ba sa sasabihin ng mga tao? Wala akong pakialam sa kung sino man lalo na kung ikaw ang kasama ko. Hindi ba malinaw ‘yon sa’yo?”
 
 
 
Sumikdo ang kanyang puso sa narinig pero hindi dapat ito ang pairalin niya. Matagal na niyang ipinangako sa sarili na hindi na siya magpapadala sa mga sinasabi nito.
 
 
 
“Kung wala kang pakialam, ako meron. Kung sabagay, sanay ka namang ginagawa ang mga bagay basta’t gustuhin mo. Wala kang pakialam kung makakasakit ka na o ano. Ibahin mo ako, Xodriga hindi mo ako katulad kaya’t inuulit ko sa’yo… huwag mo na ulit akong lalapitan bilang Keisha, Kesh, o sa madaling salita, bilang nakaraan mo. Treat me like how you treat other trainees, that will make us better.”
 
 
 
Tinalikuran na niya ito saka tuloy-tuloy na bumalik sa kanilang dorm. Huminga siya ng malalim sa pagsara niya ng pinto, samantala nang tingnan niya ang mga kasama’y umiwas lang ito sa kanya ng tingin. Hindi na niya muna iyon binigyang-pansin dahil pakiramdam niya’y pagod na pagod siya ngayon.
 
 
 
“Okay ka na ba?”
 
 
 
Kilala niya ang boses na iyon na nanggagaling kay Hydie. Nakatalikod siya mula rito dahil inaalis niya ang uniporme.
 
 
 
“Mmm.” Tanging sagot niya. Nang tumalikod siya kanina sa binata’y bigla na lamang siya nawalan ng ganang makipag-usap.
 
 
Saktong kahuhubad pa lang niya ng jacket, pabalang naman na bumukas ang pinto ng kanilang kwarto kaya’t nagulat silang lahat. Humarap din doon si Keisha at dahil nasa dulo pa siyang bahagi, nilakad pa ng babae ang direksyon niya.
 
 
 
“Balak mo bang ipahamak ang lahat ng tao rito kanina? Sa sobrang pagpapasikat mo muntik mo na kaming idamay.”
 
 
 
Hindi naman agad siya nakapagsalita dahil wala naman siyang makuha sa mga sinasabi nito. Labis din ang pagtataka niya sa biglaang pagsugod nito sa kanilang kwarto.
 
 
 
“Pasensya na, Ms. Chavez pero pwede po bang diretsahin niyo na ako?”
 
 
 
Tinaasan siya nito ng kilay. “The engine started to heat up because of your controls, speed and thrust. Kung hindi agad naagapan maaaring nadamay kaming lahat. No wonder, unang kita ko palang sa’yo hindi ko na gusto ang awrang bitbit mo. Masyado kang pabida, tahimik pero malandi.”
 
 
 
Sa pagkakataong ito, ang kilay naman niya ang umarko paitaas. Kahit kailan hindi siya nakarinig ng salitang pabida. Walang sino man ang nagsabi nito sa kanya, malandi pwede pa dahil sa dami ng naging karelasyon niya noon. Hindi lang niya alam kung ano ang ipinuputok ng butsi ng babaeng sa una’y akala niya ay hindi makabasag pinggan.
 
 
 
Ramdam din ni Keisha ang pagsinghap ng mga kasama niya sa loob. Hindi makapagitna ang mga ito.
 
 
 
“Nauna nang sinabi sa’kin ng Colonel at Brigad na wala akong kasalanan. It’s technical fault. Katunayan kayo ang dapat na sisihin dahil trabaho ninyo ang inspeksyunin ang bawat eroplano bago ito ilipad dahil hindi naman manika ang magmamaneho niyan na kapag bumagsak mula ere ay parang wala lang mangyayari.”
 
 
 
 
 
Sa lahat ng nakasalamuha niya sa araw na ito, ang babae lamang ang sumisi sa kanya.
 
 
 
 
 
“Huh…” the woman scoffed. “Kahit ang Colonel at Brigad ay nakuha mo na rin? How fantastic. Sa club ka ba nakuha dahil parang lahat nalang yata ng lalaki rito nakukuha mo ang loob.”
 
 
 
 
Hindi makapaniwala si Keisha sa naririnig niya. Insultong-insulto siya sa mga oras na iyon.
 
 
 
 
 
“Excuse me, Ms. Chavez? Pero nanggaling ako sa matino at disenteng pamilya. Ikaw ba? Gawain ba ng isang propesyonal ang basta nalang sumugod sa lugar ng iba? Nasa kampo tayo wala sa palengke.”
 
 
 
Lalong nagngitngit sa kanya si Ayana.
 
 
 
 
 
“Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila mo—
 
 
 
“At mawalang galang na…” pagpuputol niya rito. “Kung personalan lang naman ang gusto mo, Ayana Maurice Chavez hindi kita uurungan. Nirerespeto kita dahil mataas ang ranggo mo sa’kin at dahil matagal na ang karanasan mo rito pero ang sabihan ako ng malandi, ‘yan ang pinakamaling bagay na nagawa mo. Hindi mo ako lubusang kilala at para sabihin ko sa’yo, hindi ko rin gusto ang tabas niyang dila mo.”
 
 
 
Bakas ang pagkagulat sa mukha ng babae. Marahil hindi nito inaasahang sasagutin siya ng ganoon. May tumayo na rin mula sa mga kasamahan ni Keisha at sinisenyasan na rin siya nitong tumigil na.
 
 
 
Humakbang ng isa si Keisha. “Tell me, ano ang nag-udyok sa’yo para sabihan ako ng malandi? May boyfriend ka ba ritong hindi ko kilala? O baka nilalapitan na ako ng boyfriend mo liban sa kaalaman mo? Sabihin mo lang, marunong naman akong umiwas.”
 
 
 
Nanggigigil na tumaas ang kamay ng babae upang sana’y saktan siya nito. Ngumiti si Keisha nang walang magawa ang kaharap. Umuusok ang ilong nito na lumabas ng silid nila. Malakas din nitong sinara ang pinto.
 
 
 
“What the heck?!” Lisel
 
 
 
“The fuck, Keisha?!” Hydie
 
 
 
“Omg.” Rachel
 
 
 
Namamanghang nilapitan nila si Keisha. Hinawakan nito ang noo, pisngi, at mga kamay niya.
 
 
 
“Ano’ng ginagawa niyo?” nagtatakang tanong niya sa mga kaibigan.
 
 
 
“Tanga ka?!” binatukan siya ni Arcie.
 
 
 
“Hindi namin inakalang sasagot-sagutin mo ng gano’n si Ms. Chavez. Bakit mo ginawa ‘yon?” Rachel
 
 
 
“Malamang, ikaw kaya sabihan ng malandi. Malamang kukulo talaga dugo mo, muntik na nga akong sumabat kanina e, pero mukhang hindi na kailangan ni Berrenzana. Kayang-kaya pala ang sarili. Hulaan ko, badgirl ka nung kabataan mo pa ano?”
 
 
 
Natawa naman siya sa ginawang hula ni Hydie. Hindi naman tamang-tama ngunit hindi rin naman mali.
 
 
 
“Baliw. Unexpected din iyon sa’kin. Bigla nalang siya susugod sa kwarto natin tapos sisisihin ako sa nangyari at malala sasabihan pa ako ng malandi. Sino ba naman siya para sabihan ako ng gano’n? Mataas ang tingin ko sa kanya at hinahangaan ko siya pero binura niya iyon. Hindi niya deserve ng respeto ko.”
 
 
 
Tumango-tango ang mga kaibigang nakapalibot sa kanya.
 
 
 
“Ako rin.”
 
 
 
Lumingon silang lahat kay Vanessa na bahagyang nakayuko pa.
 
 
 
“Sorry nga pala kung nasusungitan kita minsan. Kasi naman nakakainis, palagi kang napapansin ni Captain, crush ka yata. I think wala na talaga akong laban sa’yo.”
 
 
 
Sa lahat ng sinabi ni Vanessa, ang mga nauna nitong kataga ang hindi nakaligtaan ni Keisha. Paanong gano’n na lamang banggitin nito na may pagtingin sa kanya ang Captain nila.
 
 
 
Tila napansin ito ng mga kaharap niya. Unti-unting nanlaki ang mga mata nito at napatakip pa sa bibig ang mga kamay nito.
 
 
 
“Omg.” Rachel
 
 
 
“What the—
 
 
 
“Nagseselos siya kay Captain?!” sabay-sabay na tanong nito kaya’t lumakas ang boses sa loob.
 
 
 
“What are you talking about? Saan niyo naman nakuha—
 
 
 
“’Hep! Huwag kang sinungaling!” pagpipigil sa kanya ni Lisel.
 
 
 
“Kitang-kita namin kanina.” Arcie
 
 
 
“Hindi kami bulag.” Hydie
 
 
 
“Hindi kami manhid.” Vanessa
 
 
 
Shit.
 
 
 
Gulong-gulo na si Keisha. Hindi niya batid kung nakita ba ng mga ito ang ginawang pagyakap sa kanya ni Xyth sa pagbaba niya ng eroplano kanina.
 
 
 
“H-Hindi ko alam ang sinasabi ninyo,” pagtanggi niya.
 
 
Mabilis niyang iniwasan ang mga tingin nito. Akmang aalis na siya upang pumunta sa banyo ngunit pinigilan siya ng mga ito.
 
 
 
“Bakit?” tanong pa niya.
 
 
 
Hindi niya rin kayang salubungin ang mga tinging ibinibigay nito sa kanya.
 
 
 
“Sabihin mo nga sa’min.”
 
 
 
She wasn’t able to talk a single word. The silence is eating them. Makahulugan ang mga tinging ibinibigay nito sa kanya at akmang magsasalita na ang isa sa mga ito kung hindi dahil sa naging katok sa kanilang pinto.
 
 
 
“Aish! Istorbo.” Inis na sabi ni Hydie.
 
 
 
“Buksan ko lang.” Rachel
 
 
 
Hinintay nilang buksan ni Rachel ang pinto at tumayo naman sila ng maayos sa pag-aakalang baka isa ito sa mga matataas na opisyales.
 
 
 
“Berrenza, may naghahanap ulit sa’yo.”
 
 
 
Tinungo naman ni Keisha ang pinto at nakita niya ang lalaki.
 
 
 
“Pwede ba kitang makausap?”
 
 
 
Pinakiramdaman niya ang kaharap at alam niyang sa mga oras na iyon ay seryoso ang lalaki.
 
 
 
She sighed. “Magbibihis lang ako, Dennis. Hintayin mo ako riyan.” Pagkatapos siya na mismo ang nagsara ng pinto.
 
 
 
 
 
 
Pabalik na si Xyth at tulad ng mga naunang pangyayari, hindi na naman niya nagustuhan ang muling pag-uusap nila ni Keisha. Hindi na ito marunong makinig sa kanya. Inakala niya kaninang kahit papaano’y maayos na ang loob nito sa kanya ngunit parang nagkamali na naman siya. Hindi pa rin siya nito napapatawad at naiintindihan naman niya ang dalaga. Siya ang may kasalanan kaya’t wala siyang karapatan na kwestyunin ito.
 
 
 
Papaliko palang siya nang matigil dahil sa kasalubong. Nagkatinginan sila nito at naunang magsalita ang kaharap niya.
 
 
 
“Pwede ba tayong mag-usap? Ako, bilang Dennis Aguilar at ikaw, bilang Xyth Xodriga.”
 
 
 
Hindi siya nakasagot. Tinanguan niya lang ito saka sinundan ang lalaki.
 
 
 
“Naaalala mo pa ba nung mga high school tayo?” simula ni Dennis.
 
 
 
“What about it?”
 
 
 
Bahagya siya nitong nilingon pero ibinalik rin sa labas ang tingin. “Parang dati lang sabay tayong naging varsity. Matibay ang pagkakaibigan natin noon pero tulad ng sa iba, babae rin ang sumira ng samahan natin. Alam mong gusto ko na noon pa si Keisha pero hindi ko alam na nilalabas mo na pala siya at naging legal pa kayo sa mga magulang niya at magulang mo. Walang-wala na akong laban noon sa’yo kaya’t pinili kong lumayo at putulin ang pagkakaibigan natin dahil hindi ko kayang makita na palagi kayong magkasama samantalang ako ang nauna sa kanya.”
 
 
 
“It doesn’t matter… who came first or who came last. It’s who she loves and you know that I am that person,” he answered.
 
 
 
Napabuntong-hininga naman si Dennis. “Kaya nga lumayo ako dahil nakikita ko na ring masaya kayo sa isa’t isa. Hinayaan ko na sana kayo pero hindi ko akalaing isang araw sa’kin ka pa lalapit para humingi ng pabor. Sa’kin mo ipinagkatiwala si Keisha. Pinili mo ang desisyong alam kong hanggang ngayon pinagsisisihan mo pa rin. Isa kang gago sa pag-iwan mo sa kanya kaya didiretsahin na kita ngayon.”
 
 
 
Hinarap ni Dennis si Xyth at ganoon din si Xyth. Ramdam niya ang hinanakit sa bawat salitang binibitawan nito.
 
 
 
“Hindi ko hahayaang guluhin mo na naman si Keisha. Minsan mo na siyang iniwan at sinaktan. Nakita ko kung paano siya nagdusa at nasaktan ng dahil sa ginawa mo. Iniwan mo siya nang walang paliwanag kaya tinanggap ko lahat ng galit at pagkamuhi niya sa’kin. Alam mo bang hanggang ngayon bumabawi pa rin ako sa ginawa natin noon? Huwag mo nalang ulit siyang lalapitan. Hayaan mo na siyang maging masaya ng wala ka sa buhay niya dahil nagawa naman niya noon. Hindi kana niya kailangan.”
 
 
 
“Akala ko rin hahayaan ko na siya. Pareho kaming naapektuhan dahil sa ginawa ko pero wala akong karapatang ikumpara ang sakit na naramdaman niya noon kaysa sa’kin. Pinili ko ang desisyong mas mapapadali siya at ‘yon ang hiwalayan ako. Hindi ako nagpaliwanag sa kanya dahil hindi siya papayag. Makulit siya noon at alam kong kung ano ang sasabihin niya noon, iyon ang masusunod. Matapos ang nangyari, sinabi ko sa sarili kong hindi ko na ulit siya guguluhin dahil alam kong mahirap na’ng patawarin niya ako.”
 
 
 
“Pero bakit ginugulo mo na naman siya ngayon? Akala mo ba hindi ko alam ang mga paglapit mo sa kanya? Huwag mo nang hintayin na maulit na naman ang nangyari, na masaktan na naman siya.”
 
 
 
Mahinang napatawa si Xyth. “So you’re watching us?”
 
 
 
Umiwas ng tingin si Dennis.
 
 
 
“Hindi ko aagawin sa’yo si Berrenza dahil una, alam kong hindi siya sa’yo.”
 
 
 
Umigting ang panga ni Dennis. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Para bang ipinapamukha ng lalaki na wala siyang panama sa kanya.
 
 
 
“Hindi siya sa’kin… sa ngayon pero darating ang panahon na titingnan mo nalang din kami sa malayo. Wala na siyang pagmamahal sa’yo dahil ako na ang pumalit niyon.”
 
 
 
Xyth chuckled. “Kung may pag-asa ka, dapat noon pa kayo na. Nagtataka rin ako, bakit kaya hanggang ngayon galit pa rin siya sa’kin?” inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ngunit madali rin niyang inalis ang isa dahil marahan niya itong tinapik sa balikat ni Dennis.
 
 
 
 
“I hope you tell her the story but when you do that, I’ll pray that she’ll not get mad at you again.” Iniwan ni Xyth ang lalaki.
 
 
 
“Tangina mo, Xodriga.” pahabol na sambit ni Dennis.
 
***
 
“Ano’ng gusto mong pag-usapan natin?” tanong ni Keisha nang makarating sila sa labas ni Dennis.
 
 
 
“Ayos ka na ba? Wala bang masakit sa’yo?”
 
 
 
“Umayos ka nga, Dennis. Wala namang nangyaring masama sa’kin kaya wala ka nang dapat ipag-alala.” Tumahimik ang kausap niya kaya’t sumeryoso na rin ang kanyang mukha. “Kung inaakala mong nagkakamabutihan na kami ni Xodriga dahil sa nakita mo kanina, puwes nagkakamali ka. Nabigla rin ako kaya hindi ako agad nakagalaw.”
 
 
 
Tumawa si Dennis. “Wala naman akong sinasabi.”
 
 
 
Inirapan niya ito sabay inom sa juice niya.
 
 
 
“Sana hindi mo makalimutan ang sinabi ko,” seryosong saad ni Dennis.
 
 
 
Muling napainom si Keisha. “Ang alin?”
 
 
 
Dennis sighed. “You know what I’m pertaining at.”
 
 
 
“If it’s about that man again, then I will tell you once more… I have nothing to do with him. Wala na akong pakialam at gano’n din siya sa’kin. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya.”
 
 
 
Nakatitig lamang sa kanya si dennis na parang hinihintay nitong may sabihin pa siya. Napakagat-labi si ang lalaki saka napayuko.
 
 
 
“I know I have no rights to say that you have to avoid him but I am doing this for you. Nakita ko kung paano ka nasaktan nang umalis siya at ayoko lang na makita ka na naman sa gano’ng sitwasyon ulit lalo na…
 
 
 
Hindi niya maipagpatuloy ang sinasabi. Paulit-ulit siyang nagmura ng mahihina saka nag-iwas ng tingin. Hindi rin siya binitawan ng tingin ni Keisha.
 
 
“Lalo na ayaw mo namang tanggapin ang alok ko,” pagpapatuloy niya.
 
 
 
“I know. I’m sorry kung paulit-ulit ko ring tinatanggihan ang alok mo. You’ve been good to me kaya ayaw kong sasaluhin mo ako sa tuwing nasasaktan ako. I can manage. You have to stop tying yourself to me. Paano ka niyan makakahanap ng babae mo? Sayang lahi oh!” pagbibiro ni Keisha at hinawakan pa ang baba niya pero iniwas ni Dennis ang mukha sa kanya.
 
 
 
“Ano ba? Paano kita niyan papakawalan kung may pahawak-hawak ka pang nalalaman?” May inis sa boses ni Dennis.
 
 
 
Napangiwi naman si Keisha. “Arte mo ha! ‘Pag hinawakan in-love ka agad?”
 
 
 
“Oo, mabilis akong ma-fall kaya layu-layuan mo na ako.”
 
 
 
 
Keisha rolled her eyes. “Ipapakilala kita kay Ms. Chavez na masungit.”
 
 
 
 
“Tsk! Ayoko to’n,” asik ni Dennis kaya tinawanan siya ni Keisha.
 
 
 
"Choosy ka?"
 
 
 
"Oo, kaya hanapan mo ako ng katulad mo o kung ayaw mo, ikaw nalang mismo."
 
 
 
Her smile faded again.

Fly High, Love ThyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora