CHAPTER 27

2K 61 4
                                    

Kinaumagahan nagising si Keisha mula sa mga katok sa kwartong tinulugan niya. Naging malalim ang pag-uusap nila ni Xyth kagabi at sa pagkaka-alala niya’y nakatulog siya sa sala. Ngunit marahil binuhat na lamang siya ng lalaki patungo sa kwartong iyon.
 
 
 
Bumangon siya na magulo ang buhok at nilalamukos pa ang mga mata. Mabilis siyang pumaroon sa banyo para ayusin ang sarili. Nang matapos, lumabas agad siya at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa kaniya ang matandang kasambahay.
 
 
 
“Pinapatawag ka na ni Ma’am Eliza. Kakain na raw kayo, tinanghali ka yata ng gising.”
 
 
 
Tipid siyang ngumiti rito. “Si Xyth po kasi kagabi pinainom ako ng wine.”
 
 
 
Tumango-tango ang matanda habang nakaplaster ang mga ngiti nito sa labi.
 
 
 
“Sige, bumaba kana.”
 
 
“B-Bakit po kayo tumatawa?” nagtatakang tanong ni Keisha.
 
 
 
Hinawakan nito ang kamay niya. “Wala naman. Sabi kasi niya sa’min kahapon hindi raw siya bababa o lalabas ng kwarto kapag hindi kayo nagkaayos kagabi. Pero tingnan mo ngayon, hindi pa rin dumarating.”
 
 
 
“P-Po? Umalis siya?”
 
 
 
“Sige na, bumaba kana. Naghihintay na sila sa’yo.”
 
 
 
Wala nang nagawa si Keisha kun’di bumaba. She went to the dining area and found her Tita Eliza and her husband, Xyros. The old man is eating while reading the newspaper while the woman is in her formal suit and beside her is a white coat.
 
 
 
“Good morning, iha.”
 
 
 
“Good morning po.” Kakabigin na sana niya ang upuan nang may gumawa niyon para sa kaniya.
 
 
 
Xyth kissed the temple of her head.
 
 
 
“Good morning.”
 
 
 
Umagang-umaga ang bilis ng tibok ng puso niya at dahil iyon sa lalaki. Naiilang din siya na bumati rito.
 
 
 
“G-Good morning.”
 
 
 
Pareho silang naupo at inasikaso naman ng lalaki ang pinggan niya. Sinalinan iyon ni XYth ng mga pagkain at sa isang pinggan naman ang mga hiniwang prutas at gulay.
 
 
 
“Saan ka nanggaling?” tanong ng ama ni Xyth sa kanya.
 
 
 
“Sa headquarters po. May kinailangan lang akong asikasuhin. Kinausap ko rin si Colonel.”
 
 
 
“Hindi ba two-hour drive ‘yon back and then forth? Anong oras ka umalis?”
 
 
 
Keisha glanced at him. Hindi nito sinabi sa kaniya na aalis ito.
 
 
 
“Two in the morning and I left there 5.”
 
 
 
“You drove in total of four hours in this early morning? Are you crazy? Hindi ka nga siguro natulog tapos nag-drive ka ng gano’n? Are you there to see—
 
 
 
Natigilan si Keisha nang mapansin kung ano ang ginagawa niya. Sa gilid ng kaniyang mga mata nakikita niyang nakangiti ang ginang ngunit hindi niya makita ang asawa nito na nakaupo sapagkat nakatalikod siya mula roon at nakaharap naman siya sa katabing lalaki.
 
 
 
Umayos siya ng upo saka tumikhim. Nakita niyang sumulyap ang ginang sa relo nito bago tumayo.
 
 
 
“I think I will go now. My patients might be waiting for me. Pagalitan mo ‘yang sutil na ‘yan.” She winked at her as she took the coat and run out.
 
 
 
Napakagat-labi naman si Keisha. Hindi niya mapigilang mahiya dahil sa ginawa.
 
 
 
“I told her to retire just like what I did. Isa rin siyang sutil katulad ng katabi mong ‘yan,” the old man uttered while pointing at Xyth.
 
 
 
“I’m not.”
 
 
 
“Tsk! Sabihan mo ‘yang mommy mo na umalis na sa trabaho niya para naman makapagpahinga na siya tulad ko.”
 
 
 
Xyth continued eating while Keisha was just watching and listening to them.
 
 
 
“Hayaan mo na siya Dad, kaya pa naman niya unlike you, you’re old.”
 
 
 
Nanlaki ang mga mata ni Keisha nang maramdaman ang pagdaan ng isang bagay sa kaniya. Nag-aalala siyang lumingon kay Xyth na ngayo’y hawak ang tinidor na pinambato ng matanda rito.
 
 
 
“Bastos.”
 
 
 
Tumawa lang si Xyth saka binaba ang tinidor. “My reflexes are well, Dad. And to cheer you up, nagmana ako sa’yo,” ngumisi ito. “Better?”
 
 
 
Tumikhim lang ang matanda saka binaba ang diyaryong hawak nito. Ilang sandali lang tiningnan siya nito.
 
 
 
“Maiwan ko na kayo riyan. Baka mapagdesisyunan ko pang tumayo rito sa wheelchair ko at sipain ‘yang katabi mo.”
 
 
 
Keisha pressed her mouth to help herself from laughing. The old man went off with his wheelchair. She and Xyth were left in the table. She returned to her serious face. She dropped her utensils and faced the man who’s smiling widely right now.
 
 
 
“Masaya kana niyan?”
 
 
 
Nilingon din siya nito kaya nagtama ang kanilang mga mata.
 
 
 
“What? Why?”
 
 
 
“Bakit hindi mo sinabing aalis ka? Siguro bumalik ka ro’n para tingnan si Ms. Chavez,” may himig ng pagsusungit sa boses niya.
 
 
 
Xyth rolled his tounge and ditched his spoon. He pushed aside his plate and placed his elbow on the table. He stared at her.
 
 
 
“Why drag her name? You’re being jealous out of nowhere.”
 
 
 
“What?! Hindi ako nagseselos. Huwag mong ibahin ang usapan. Bakit hindi ka nagpaalam sa’kin na aalis ka? And you’re tired pero nagmaneho ka pa rin ng gano’n kalayo.”
 
 
 
Binasa ni Xyth ang mga labi niya saka muling nagsalita.
 
 
 
“First, hindi ko iniiba ang usapan. Second, hindi ako nagpaalam dahil mahimbing na ang tulog mo. I can’t disturb you dahil alam kong kapag nagising ka hindi na ako makakaalis. And third, I am already used to being tired. I can even drive farther than that basta’t alam kong ikaw ang uuwian ko.”
 
 

Fly High, Love ThyOn viuen les histories. Descobreix ara