9

12 4 0
                                    

CHAPTER 9: ALLISON

CASPER'S POINT OF VIEW

I don't know how to explain this but Allison, I kinda miss her.

Hindi ko makalilimutan yung time na nagka-kilala kami.

"Anak, 'wag ka masyadong lalayo, mahirap maghanap sa gubat kapag nawala ka pa." Bilin ni mama bago ako lumabas ng bahay.

"Opo."

Nandito kami sa rest house ng lola ko.

Paglabas ng gate ng bahay, wala kang makikitang iba kundi puno.

Since pasaway ako, naka-layo ako ng konti. Alam ko naman yung daan pabalik eh.

Habang naglalakad, napa-hinto ako sa tapat ng isang puno kasi napagod ako.

Humiga ako sa ilalim nito.

Habang naka-higa, may ibon na lumipad sa harap ko. Sinundan ko ito.

Tumakbo ako ng napaka layo hanggang sa madapa ako.

Buti nalang may babaeng tumulong sakin na tumayo.

Pagtayo ko, laking gulat ko dun sa babae. Ang weird kasi akala ko ako lang yung nasa gubat nung mga oras na yun.

"Ah, thank you." Pasasalamat ko sa kaniya sabay takbo.

"HAHAHAHA!" Napa-tawa siya ng malakas matapos akong madapa ulit.

"Hoy bata! Tumayo ka nga diyan. Sa itsura mo, para ka'ng yung tipo ng bata na di pwede madumihan." Sambit nito sa akin.

"Saan ka naka-tira? Sa tagal ko na sa gubat na'to parang wala naman akong nakikitang mga tao dito." Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw? Matagal na dito? Mukha nga'ng di mo na alam ang babalikan mo eh."

"Hindi yan toto-o." Nagulat ako kasi pagtalikod ko ay mga puno lang ang nakikita.

Paano na'ko nito makaka-balik sa bahay?

Bumalik yung tingin ko sa kaniya.

Naka-ngiti pa siya na parang nang-aasar.

"Pwede mo ba akong tulungan makauwi?" Tanong ko sa kaniya.

Humalakhak siya sa tanong ko.

Tinalikuran ko na lang siya.

"Hoy ano ba yan huwag ka ngang pikon!" Sigaw nito sa'kin habang tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Sige na. Tutulungan na kita!"

Napa-hinto ako sa sinabi niya.

Lumapit siya sa akin.

"Saan bang lupalop ng gubat ka nakatira?" Tanong niya sa akin.

"Ewan ko, hindi ko na rin alam"

"Tingin ko, dito" Tinuro niya ang daan papuntang West.

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, tara!"

"So, anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito kung di mo rin naman alam ang daan pabalik?"

"Teka, pwede ba isa-isang tanong?"

"Okay, anong--- pangalan mo?
Tanong niya sa akin.

"Liam. Ikaw?"

"Allison."

"Saan ka nakatira?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Pupuntahan mo?" Sagot niya.

A  Night Of LivingWhere stories live. Discover now