5

14 5 0
                                    

5: PHOTO BOOTH

BEATRICE'S POINT OF VIEW

"Ang wish ko ay, basta. Huwag mo nang alamin." Sagot ko sa kaniya.

"Luh, bahala ka."

"Alam mo? Last night na natin 'to tapos tutulog tayo sa hotel? Ano nang nangyari dun sa A Night of Living?'Bat hindi namin yun naisip bago pumasok ng hotel?

"Oo nga 'no HAHAHA! Tara na nga alis nalang tayo dito." Sagot ni Casper.

Bumaba na kami at bumalik na sa sasakyan.

Laking gulat ni Casper dahil ayaw magstart ng sasakyan niya.

"Anong nangyari?" Tanong 'ko sa kaniya.

"May sira, obvious naman eh." May pagka-pilosopo pala 'to.

"Maglakad-lakad nalang tayo." Suggest ko sa kaniya.

"Ha?! Hindi ako sanay maglakad ng malayo!" Sagot niya.

"Arte naman, anong gusto mo? Magdrive?"

"Oo!"

"Ay sira nga di'ba? Obvious naman eh." Hmp. 'Kala mo  ah.

"Sige na nga!" Sagot niya.

Habang naglalakad, may nakita kaming isang Carnival.

"Casper, tara dun!"

"Pero, ~"

"Sige naaa, hindi pa ako nakaka-punta sa ganitooo."

"Sige na nga."

Buti nalang maraming pera 'yung kasama 'ko.

Nang pumasok kami, napa-ngiti ako dahil mukhang marami kaming magagawa dito.

"Casper, sakay tayo dun!"

"Sa ferris wheel? 'Wag na baka mahilo 'ka."

"Okay lang 'yan! Mamamatay din naman."

"Fine.~"

Dumiretso ako sa sasakyan pero hinarang ako ng isang lalaki.

"Miss, ticket?" Tanong niya sa'kin.

"A-ano 'pong ticket?" Tanong ko sa kaniya.

"Kuya pwede umalis kayo sa daan? Sasakay po ako eh."

"Hindi  pwede, ticket muna."

Sigh~

Lumingon ako at hinanap si Casper.

Nang makita ko siya, tinatawanan niya pala ako.

Ano 'bang nakaka-tuwa?!

Nilapitan ko siya at hinampas ko siya.

"Hoy! Casper, anong tinatawa mo jan?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Teka, wait! Hoy! Ito na!" Sigaw niya sa'kin.

"Ang alin?" Tanong 'ko sa kaniya.

"Yung ticket mo."

May inabot siya sa akin na isang papel na maliit.

"Kailangan mo ng ticket bago sumakay. Hindi mo ba alam yun?"
Tanong niya sa'kin.

"Well, duhh! Kailan nagkaroon ng ganitong rides sa mental hospital?!"
Tanong ko sa kaniya nang pasigaw habang tumatawa siya.

"Tara, sakay na tayo."

Nang maka-sakay kami at nagstart nang lumayo kami mula sa lupa, namangha ako.

"Look at the stars." Casper said.

"They're beautiful."

"Yes, don't you know how I love astronomy?"  He asked.

"Alam mo? Wala akong alam sa astronomy na sinasabi mo at.~"

"Hay na'ko, bahala ka nga." Sagot niya sa'kin tapos hindi niya na'ko pinansin.

Nang tumigil kami sa tuktok, nakita ang ganda ng view.

Tapos ito, si Casper tahimik pa rin.

"Huy, why are you so interested  with astronomy nga pala? Tanong 'ko sa kaniya.

He smiled at me.

"I don't know, I just want to be an astronaut someday."

"Someday? Eh di'ba nga last night na'to?"

"Ah oo alam ko. Kaya nga ako natahimik eh."

Ah, kaya pala.

"What's so interesting in being an astronaut?" I asked.

"I just like, 'zero gravity'. Kasi ang sarap sa feeling nun eh, lalo  pag mabigat na ang nararamdaman mo. You'll just feel free."

Bumaba na kami at naglakad-lakad.

May nakita kaming Photo Booth.

Nagpicture kaming dalawa.

"Ang cute naman! Sa akin 'to ah." Kinuha niya agad yung picture na maganda ang shot.

Pero hindi 'ko ito pinaagaw sa kaniya.

Nang makuha ko yung picture, tinitigan 'ko ito.

"Bea, tago!"

"Huh?! Anong meron?"

Mabilis kaming tumakbo palayo at nagtago.

"Sino 'yun?! Anong meron?" Tanong 'ko sa kaniya.

"Kilala 'ko sila,~ Sila ay si.~~~~"

TO BE CONTINUED~

A  Night Of LivingWhere stories live. Discover now