"Ang cute talaga ni Clark," natatawang sinabi ni Wynn habang nakikita ang Alabang Boys sa kabilang table. Higit limang metro din ang layo namin sa kanila. Nasa lilim kami habang nasa tirik na araw ang boys. Wala naman silang reklamo sa init. Mga nagsipag-alisan pa nga ng mga top.

Wala talagang tapon sa kanilang barkada. Kanya-kanyang flex ng muscles and biceps. As usual, Rico the KJ kept his daddy look—eyeglasses, loose white tee, at pambahay na shorts—habang ang buong barkada niya, mga naka-boardshorts at proud na proud sa well-toned bodies nila.

"Patrick pa rin ako," sabad ni Heaven.

"May new tat pala si Calvin sa left shoulder niya. He looks so hot ngayon," sabi ni Shai.

Yes, aminado naman akong hot talaga si Calvin sa thorned rose tattoo niya sa balikat. And since he has nice light brown skin, kapag napawisan siya, mas lalong umaangat ang cuts niya kapag inuunat niya ang katawan. Kahit nga lang titingin sa braso para magpunas ng uling na ipinahid ni Clark sa kanya, ang hot pa ring tingnan.

"Si Clark, sobrang kulit," sabi ni Wynn. "Kaya laging pinagagalitan ni Ronie, e."

I never heard a word from them na pinuri nila si Rico like he's so hot, he's so gorgeous today, he's so guwapo, or something good. Palaging nasa negative like galit na naman si Ronie, naiinis na naman si Ronie, pinagagalitan na naman ni Ronie ang barkada niya. Halos lahat ng naririnig ko, para bang sanay na sanay silang aburido si Rico.

Well, it looked like he really had a good source of headache this afternoon kasi kung si Clark ba naman ang mangulit nang mangulit, kahit din naman ako, mababato ko talaga siya ng butcher's knife.

"CLARK! ANO BA?"

Pare-parehas kaming nanlaki ang mga mata nang umalingawngaw ang nakakatakot na sigaw ni Rico sa kabilang mesa. Even sina Will na nasa kabilang dulo ng pool at nagse-selfie, natigilan at napalingon din sa kanya.

Akala namin, itataob na ni Rico ang folding table na pinagpapatungan ng mga hinahanda niya.

Hindi namin alam kung matatawa ba o matatakot kasi galit na talaga si Rico at halos mamula na ang mukha niya sa initan, pero si Clark, ayun at tangay-tangay ang pack ng peanuts at dahan-dahang isinusubo ang kadadakot lang niya. Para bang hinihintay kung lalong magwawala si Rico kapag naisubo na niya ang ipinagpuputok ng butsi nitong isa.

Ibinalibag ni Rico ang hawak niyang kutsilyo sa mesa, at halatang marunong siyang humawak n'on dahil bumaon sa sangkalan ang tusok para makatayo 'yon doon. Humalukipkip siya at sinukat ng tingin si Clark. Halatang pikon na pikon sa kagagawan nitong isa.

Mukha namang hindi sila magkakainitan. Natatawa na lang kasi sina Calvin sa paligid.

"Ito si Clark, buti hindi pa 'to ginigilitan ng leeg ni Ronie," natatawang sinabi ni Wynn kaya nilakad ko na ang kabilang mesa para umawat.

"Hey, pahingi ng peanut," entrada ko.

Lalong natawa sina Patrick na nag-iihaw sa malapit kung saan tanaw ang overlooking ng beach sa di-kalayuan.

Ang sama ng tingin ni Rico kay Clark bago marahas na hinalbot 'yon sa kamay nitong huli. "O!" galit niyang sabi sabay abot sa akin ng hinihingi ko pero ayaw talagang alisin ang masamang tingin kay Clark.

"Galit ka?" tanong ko at pinipigilang tumawa.

Tiningnan ako ni Rico at ang naiinis niyang tingin, nagpapahiwatig ng tanong kung seryoso ba ako sa tanong ko.

Dumakot ako ng peanut sa malaking pouch gaya ng ginawa ni Clark kanina at saka sinubo 'yon. "Galit ka?"

"Jaesie," seryoso niyang babala na para bang pati ako, sisinghalan na rin niya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now