"Okay Ravelyne, just .. don't mind it."- i said it to myself

Maya-maya dumating na sila ate Annabelle, kaya naman nag-ligpit na kami ng mga gamit at kalat dito sa theater.

"Nasaan na pala si John Mark?"- ate Annabelle ask

"Ah nauna na po siya, may practice po kasi sila for basketball."- i said

"Ganun ba, eh paano yan? Winong kasabay mong uuwi?"- ate Mean ask

"Don't worry po, kaya ko naman pong umuwing mag-isa."- i smiled

"Sa bagay."

Pagkatapos nun umalis na ako sa theater, habang naglalakad ako nagcheck ako ng phone. Ngayon ko lang nakita na maraming missed call from Dexter. Napapaisip naman ako kung bakit, kaya naisipan kong tawagan siya pero naalala ko agad yung nangyari kagabi kaya naman hindi ko nalang itinuloy.

"Hays, Ravelyne ano bang nangyayari?"- i ask myself.

Una, sa engage with Dexter. Ngayon issue from John Mark and Khent. At ayokong asahan na may pangatlo pa akong matatanggap na ikasasakit ng ulo ko. Tsk!

Napahinto naman ako bigla sa paglakad nang mapansin kong nasa harap na ako ng gym. Napapaisip pa ako kung papasok paba ako, o huwag na lang? Pero wala namang masama hindi ba? Girlfriend ako ni John Mark, so bakit ko parin ba iniisip yung issue na 'yon? Tss.

Huminga muna ako ng malalim then pumasok na ako sa gym, naabutan kong naglalaro silang lahat. Dalawang team pala ang nandito ngayon, ang Hype Beats at ang kilalang team sa kabilang campus na 'Lion Fire'.

Napa-whoaa ako at excited na umupo sa pangatlong row. Napapangiti ako dahil ang galing ni John Mark, hihihi tapos sila Khent din. Lahat sila! Nung naka-shoot si John Mark napasigaw ako kaya naman napatingin sa akin si John Mark, halatang nagulat pa 'to pero napangiti nalang siya.

______________________________

(KHENT POV)

Nang maipasa ko kay John Mark yung bola, napangiti ako dahil hindi ko inasahang makaka-puntos siya.

"WHOOOAAA GO JOHN MARK!!!!"

Napatigil naman ako bigla at napatingin sa hindi kalayuan.

Ravelyne is here.

Tinignan ko si John Mark, napangiti siya nang makita nya si Ravelyne na nanunuod ngayon sa amin. Napalunok ako bigla. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng badtrip. Feeling ko nawalan ako ng gana mag-laro.

"Pare yung bola!"- sigaw ni Eugine

Napatigil naman ang lahat nang pumito si coach.

"Water break, 5 minutes."- Coach said

Napahinga ako ng malalim at naglakad paupo. Si John Mark naman lumapit agad kay Ravelyne. Tss!

Kumuha ako ng tubig at agad na ininom 'yon habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pinupunasan ni Ravelyne ang pawis ni John Mark. Tssh! Badtrip.

"Ay may nagseselos oh."- Hart said

Napaiwas ako ng tingin sa dalawa nang lumapit sa akin ang team.

"Ang sama ng tingin mo sa dalawa ha, anong meron?"- Charlie ask

"Nagseselos nga yan."- Eugine said

"No, I'm not."- i said then tumingin ulit ako sa dalawa.

"Alam mo pre, bakit kasi pinayagan mong bastedin ka ni Ravelyne?"- Zandy said

Napasalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Zandy. Napatigil ako bigla .. at pinagmamasdan lang ang dalawa.

N-Not Ravelyne ..

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon