38 - Timezoned

294 14 2
                                    

Waaa... malapit na ang Christmas guys! Sana maiupload ko yung dalwang chappies na christmas specials sa 21! Lez all pray together, k??? At kung hindi ko nga maiuupload sa 21, let me greet you guys a MERRY CHRISTMAS!

____


Kevin’s POV

December 23, bilis ng araw. Kailangan ko na din mag-gift shopping. Musta naman ang mga kabaklaan ko?Hahaha, hindi joke lang. Wag kayong madismaya.

I’m 100% straight.XD

So yun, pumunta ako sa mall. Pero nahilo ako sa dami ng nagbliblink na lights tapos madami din pakislap kislap na lang ng balls. Nakakapit talaga ako sa escalator para di ako mahulog.

At ang isa pang nakakahilo ay yung dami ng pagpipilian. Ilan lang naman ang balak kong regaluhan: Si mom at dad, yung dalawa kong kapatid (wedding gift yung isa), kay Nikee, Mika, at Tasha.

Yung kay Tasha ang mahirap, di ko alam kung ano talaga personalidad ng babaeng yun eh. Kunwari mabait at masayahin pero hindi naman talaga o sa akin lang hindi?

After one hour and twenty-five minutes, nakabili na ako ng watch para kay Dad,antique jewelry case para kay Mom,  sapatos para kay Kuya Colleen, at underwater camera para dun sa ikakasal. Mahilig kasi sila magdiving. Kaya yung tatlo na lang ang hahanapan ko.

Pero gutom na ako. Maya na lang. XD

Naglalakad na ako dun sa rows ng mga rerstaws nang may nakita akong mukhangh pamilyar.

Kabuhok niya si Tasha.

Katenga niya si Tasha.

Kailong niya si Tasha.

Kakilay niya si Tahsa,

Kamata niya si Tasha.

Kabibig niya si Tasha.

Si Natasha Gomez nga! :D

Pumasok ako ng Jollibee (Jollibee! Bwahaha) at kaagad naman napasimangot si Tasha nang makita niya akong palapit sa kanya. Ano yan? Automatic reaction?

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon