51 - Joke Lang

185 5 0
                                    

Toxic week for me guys. Sana maipasa ko lahat ng subjects ko. Hahahaha. Anyway, here is another update from your sexy writer. Do take time to comment. <3

_________________________________

Tasha’s POV

Mag-dadalawang linggo na akong nagsusunbath dito sa Boracay at ilang lalake na siguro ang nag-alok ng date o kahit makipagkilala lang. Lahat sila tinanggihan ko.

Ano na kaya ginagawa ni Kevin ngayon? Okay lang kaya siya pagkatapos ko siyang iwan ng ganun na lang?

Pagkanaiisip ko siya, parang bumibigat ang kalooban ko, naninikip ang dibdib ko at parang gusto kong umiyak na lang. Lagi ko siyang iniisip dahil gusto kong saktan ang sarili ko. Deserve ko naman itong sakit na ito eh.

Naglakad lakad lang ako sa dalampasigan habang pinapanuod yung palubog na sikat ng araw. Nakakagaan na nakakasakit ito sa kalooban. Putek, anong nangyayari sa akin? Kapag ba emo, nagiging poetic na rin?!

Gabi na nang naisipan kong bumalik sa cottage ko. Nang makarating ako ay parang may mali…

Bakit nakabukas ang ilaw?!

Tumakbo ako papunta dun.

“Oh my golly…” Bungga nuh? XD

Pero seryoso, uwaaaaaa…. Nalooban ako!!!!! Gulong gulo sa loob ng cottage ko. Mga dami ko nakakalat na lang kung saan saan. Tinignan ko kung anong nawawala.

Pera? Meron. Jewelries? Meron. Eh anong kinuha ng pising naloob ng cottage?! Tumingin ako sa pinakamataas na parte ng drawer kung saan nakalagay mga underwear ko.

O_O

Walang laman.

At bakit sana walang laman ang lalagyan ng underwear ko?!

Hayup namang magnanakaw yun! Ganun na ba kadesperado ang mga lalake ngayon at kailangang talagang nakawin yung underwear ko dahil lang ayaw kong makipag-date sa kanila?!

Pumunta ako sa lobby nung main hotel. Lumapit ako sa receptionist.

“Um. Hello miss…” Tawag ko kay ateng receptionist. Tinignan ko yung name tag niya. “Krissy.”

“Good evening ma’am. What can I do for you?” Tanong ni ate with all the smiles.

“Itatanong ko lang sana kung may CCTV yung cottage ko kasi mukhang nalooban yata ako.” Sinabi ko sa kanya.

“Oh. Ikaw po ba yung nasa Cottage 4? May nagpapabigay po sa inyo nito.” Tapos may ibinigay siyang maliit na card.

Kinuha ko yung card at tinitigan. May nakasulat.

“Follow your… heart? That’s where your undies are.” Basa ko dun sa card at nanlaki ang mata ko. Tinignan ko si Krissy. “Uwa?”

“Thank you for staying here at Milton Hotel. I hope you enjoy your stay!” Sinabi niya.

Isapak ko sa kanya itong card eh. Gulong gulo ako dito tapos ganun ang sasabihin sa akin?!

Umalis na ako dun at bumalik sa may beach at naupo sa sand. Tinignan ko ng mabuti yung card. Hinanap ko kung may nakalagay pa ba dun na mga hidden codes o yun na ba talaga? Inamoy ko yung card. Hmmm… pamilyar sa akin ang amoy na ito.

Pakulo na naman kaya niya ito? Pero ayokong maglaro eh. Kung pakulo nga niya ito, bahala na siya. Mahihiga na lang ako dito sa sand forever.

At yun nga ang ginawa ko. Imbis na isipin pa kung saan yung card eh nahiga na lang ako dito.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon