26 - Shopping Time

400 18 4
                                    

Photo of baby Gio on the right :)

_____________________________

Mika's POV

Parang kidlat na dumaan ang isang buwan para sa akin. Mas lalo na ding lumaki si baby. Ang hirap niya na buhatin, grabe!

In two days naman ay birthday ko na. Totoo yung sinabi ni Tasha nun. Mas gusto kong gumawa ng charity works kapag birthday ko kasi ganun din si Mommy dati kapag birthday niya. Kaya yun, nahawa naman ako.

Ang sarap kasi sa feeling na madami kang napapasayang tao with just little gifts.

Nandito kami sa mall kasama si Aling Martha na taga-alaga ni baby Gio kasi di ko alam kung kaya kong mag-isa. Magshoshopping kasi ako ng gifts para sa mga bata at para sa mga madre sa Bahay Kapamilya. Dun ako nagdodonate every year, kapag birthday ko.

Namimili ako ng mga damit nang may biglang tumapik sa balikat ko at tumambad sa harap ko ang diyos na nagkatawang tao. Choz. Si Kevin lang naman.

"Hi Mika." Bati niya tapos niyakap niya ako. OMG. Kahit bestfriend ito ng asawa ko, hindi ko naman siguro pwede sabihin sa tuhod ko na "stop that pangangatog!" di ba? Sige nga, try niyo? Haha.

"H-hi." Bati ko din.

"Parang ang aga naman ng christmas shopping mo ha? Ayyy... para nga pala yan dun sa charity work mo." Hindi ko alam kung bakit may na-feel ata akong mockery dun.

>____<

Pasalamat siya gwapo siya.

"Whatever." Sinabi ko na lang.

"Ang taray mo talaga. Tulungan na kita, mukhang mahihirapan ka diyan."

"I can manage Kevin, okay?"

"I don't care. Basta tutulungan kita. Saka kailangan din namin mag-bonding ni Gio." Tapos lumapit siya kay baby at kiniliti yung baba ni baby. Napangiti naman si baby.

Haaays... parang si Kevin ang napipicture kong kahappy family ko eh. Ang hot niya kasi. Baka maniwala pa yung mga tao na siya talaga ang ama ng anak ko.

Hindi ko na lang siya sinagot. Hinayaan ko na lang siya sumunod. Siya na tuloy ang nagtutulak ng malaking cart ngayon.

Pagkatapos ng mga isang oras dito sa Department Store ay groceries naman ang next stop ko. All the time na namimili kami ay ang daldal ni Kevin. Kanina kasi eh si Aling Martha lang ang kausap ko eh hindi naman kami nag-uusap.

"Buti na lang nakita mo ako noh Mika?"

"Bakit sana?" masungit kong pangongontra.

"Eh tignan mo nga. Di ka na naawa sa kagwapuhan ko. Dalawang cart kaya ang tinutulak ko."

"Wala naman kasing nagpumilit sa'yo na sumama noh."

Inakbayan niya ako tapos ang laki pa ng ngiti niya. Parang may electric pulses tuloy na dumaan sa mga blood vessels ko.

"Mahal kasi kita Mika eh." ANO DAW???? Nag-wink siya sa akin. Konti na lang talaga hihimatayin na ako dito.

Breathe in Mika... Then breathe out...

"Mahal ka kasi ng bestfriend kaya dapat mahal din kita." Dagdag pa niya tapos nagwink ulit.

Enk. Edi gumuho ulit mundo ko. Anong klaseng reasoning yun???

"Haaayss..." nasabi ko na lang.

Inalis ko yung kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at tumuloy na sa paglalakad. Pareho sila ni Nikee. Ang hilig tsumansing.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon