33 - Have A Shot

328 16 2
                                    

Tasha’s POV

Day 2 ng photoshoot. At dahil maganda ang panahon ngayon, feeling ko matatapos na rin ang work. Yey!

Ayyy… di na kami ulit magiging close ni Nikee ng working place kapag ganun. Sad din pala. Nakakatamad kasi magwork eh. Kung pwede lang sana, di na ako magwork pero kailangan ko din kasi ng pera. Di bale, kapag ako na ang asawa ni Nikee, hindi na ako magwowork! Ahihi.

Ang tagal dumaan ng mga oras. Nang malapit nang mag-twelve, tumakbo ako papunta sa isang malapit na restaurant at nag-order ng dalawang take-out. Tapos dumiretso na ako sa office ni Nikee.

TOK TOK.

This time, wala ng echoserang palaka na magtataray sa akin.

“Come in.” Sinabi ng boses ni Nikee. Yung boses lang talaga ha? XD

Awww… ang lungkot ng itsura niya. T___T

Tama! Ako ang magchicheer-up sa kanya! Ahihi.

“Hi Nikee! Lunch?”

“Sure, thanks.”

Gaya kahapon, ipinagilid niya muna yung ibang gamit niya sa desk at inayos ko dun yung mga fod at mga utensils.

“Bon apetit!” sinabi ko.

“Bon apetit.” Sinabi din Nikee pero hindi ko pa rin siya napangiti.

Arggg… ano na naman ba ang ginawa ni Mika dito? Kung hindi maappreciate ni Mika sa Nikee, pwes ako oo.

“I don’t really get it.” Sinabi ko.

“Get what?”

“Kung baki habol ka ng habol kay Mika. Can’t you see? She doesn’t love you. She never will. Iniichapwera ka lang pero evey time na gawin niya yun, ikaw naman ang nagpupumilit na lumapit uli sa kanya. You’re just wasting your time and efforts.”

Alam kong nasasaktan ko ngayon yung feelings niya. Halata naman kasi sa mga pinaggagawa niya na mahal na mahal niya si Mika eh. Sinong allake ba naman ang magpapakahirap sa katulad ni Mika naman?

“Because I love her. There’s no other reason than that. Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya.”

“Paano kapag dumating ang araw na hingin niya sa’yo ang kalayaan? Paano kung yun lang ang makapagpapasaya sa kanya?”

“If it comes to that, then I’ll give it to her. But I think may hope pa naman ako.”

Napayuko siya.

Call it empathy pero nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Empathy nga ba talaga? O dahil nasasaktan rin ako?

Lumapit ako kay NIkee at niyakap siya.

“I’m your friend too Nikee and every time na kailangan mo ng hug, just call me. Any time na kailangan mo ng shoulder to lean on, iiyakan, kwekwentuhan, pagsasabihan ng problema, I’m just here.”

Naramdaman ko din ang mga kamay na yumakap sa akin.

“Thanks Tasha.”

Tapos bumalik na ulit ako sa upuan ako.

“Let’s eat!”

Bumalik ako sa energetic and hyper Tasha. Ginawa ko ding masaya yung usapan namin. Pinilit ko siyang magkwento tungkol sa past niya: yung high school at college life niya. Mga bagay na walang oras si Mika para alamin.

KRING KRING KRING

Kinuha ko yung phone ko. Amp, istorbo.

“Hello?”

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon