25 - Dahil Nakakainis Siya

453 19 13
                                    

Isa pang pic ni tasha, last na toh, hehe :)

____________________________________

Tasha’s POV

Naiinis ako kay Mika.

Naiinis ako kay Mika.

NAIINIS TALAGA AKO KAY MIKA!!!!

You know why?! Dahil ninakaw niya lahat ng glory na dapat ay sa akin napunta. Ako ang naghirap para sa party ni Nikee. Ang ginawa niya lang ay magsend ng invitations. Arghhh…

Nag-expect pa man din ako ng kahit anong “thank you”. Si Mika na basta na lang nagsabi na ‘gawin mo to, gawin mo yun’ ay di nakaappreciate sa mga ginawa ko. Si Nikee naman ay iba ang naappreciate. Hello Nikee? Wake up! Di ka mamahalin ni Mika!

“Kanina ka pa wala sa mood. I though you said kanina that you wanted to do it.” sinabi ni Chin, ang ‘host’ ko for the night.

May weakness ako sa mga poging chinito at isa siyang poging chinito. Ahihi.

Naalis na namin ang saplot namin ang lahat lahat pero wala talaga ako sa mood eh. Nakakainis kasi si Mika.

Umupo na ako at isinuot yung mga damit ko. Alam kong ireregret ko na hindi i-youknowwhat siya bukas. Nakakainis kasi si Mika.

“Hey, I gotta go.” Paalam ko kay Chin.

“If you say so. Kaya mo bang mag-isa?”

“Sure. I’m an urban girl, remember?”

“Yep.” Hinila niya ako at hinalikan sandali.

Nag-smile na lang ako pagkatapos at umalis dun. Uwaaa… saan kaya ako pupunta? Malapit na ding mag-umaga kaya nagtaxi na ako at pumunta sa isa sa mga favorite kong cofee shop. Sobrang aga kasi nila kung magbukas.

Nag-order ako ng simpleng black coffee. Gusto ko sana na barako pero wala silang barakong cofee dito eh.

T____T

Dun na rin ako nagpalipas ng oras. Kumuha ako ng newspaper na kahapon pa at binasa ito. All the pages! Pati yung classified ads, ahihi. Iba kasi ang nagagawa ng boredom sa isang tao. And now…

Haaaysss… ayan na, nireregret ko nang umalis ako sa flat ni Chin. Pero tapos na eh. Umalis na ako dun eh. Nakakainis kasi si Mika.

I think I need to go to a spa today. Para man lang maalis yung konting init ng ulo ko. Basta kumalma lang ako. Nang 6 AM na ay umuwi na ako sa bahay para maligo at manuod ng konting TV. Baka maabutan ko pa yung Don’t Trust the B- in Apartment 26, ayiiii.

^____^

Hindi ko ba alam kung bakit yun ang pampagood vibes ko eh hindi naman talaga nakaka-GV yun.

Naalala ko si Mika habang pinapanuod yun. Para kasi siyang bitchy lately. Lalo na kahapon.

Kumatok yung pintuan habang nanunuod ako. Tumayo kaagad ako at tinignan kung sino man yun. Malay mo baka wafu pala, ahihi. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa fez ko si Mika.

“Tasha!!!” Sigaw niya at niyakap ako.

“Oh, hi besty.” Bati ko habang hug pa rin niya ako.

Seryoso, bakit baliktad kami? Dapat ako ang Miss Super Energy na tatalo pa sa araw. Mukhang super happy si Mika… este besty pala. Baka may ginawa sila ni Nikee kagabi. Tapos bukas, preggy na naman pala siya.

>____<

Naka-smile pa rin siya nang bumitaw siya at parang na-relieve ako. Hindi ko kasi siya feel ipower hug ngayun eh.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon