16 - Game of Life

566 22 11
                                    

 Si Mika po yung makikita niyong pic sa right :)

__________________________________________

“A-Anthony, can you please excuse us?”

“Sure.”

Mabilis na umalis si Anthony. Nasa may pintuan si Nikee at nakikita ko yung galit sa mukha niya. Marami akong gustong sabihin pero lahat sila ay bumara sa lalamunan ko. Gusto ko ring lumunok pero nanigas na ata ang esophagus ko. >___<

Nagsitaasan ang balahibo ko habang nakikita siyang papalapit sa akin. GULP. Ayan, nakalunok na rin ako.

Mika, si Nikee lang yan. Yung mukhang paa? Hindi kinakatakutan yan. Wag kang matakot diyan! Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko ay kinakabahan pa rin ako. Ayan na… nakalapit na siya. Nasa harap ko na siya. Lunok ulit. GULP.

“How dare you…” Narinig kong sinabi niya. Parang narinig kong nag-crack ang boses niya pero baka imagination ko lang yun. “Ang kapal ng mukha mong tumakbo sa ibang lalake. Anong klaseng babae ka? Are you that low?”

Nagsimula nang kumulo ang dugo ko sa mga sinabi niya.

“Wala akong pakialam kung anong tingin mo sa akin. Your family forced me into this marriage. What I am is what you get. And besides, alam nating pareho na hindi ikaw ang ama ng dinadala ko.”

Matigas ang boses ko. Siya ang may kasalanan nito. Wala siyang karapatang lait laitin ang pagkatao ko. Only I can do that dahil ako lang ang nakakakaalam sa sarili ko. Haters will be haters ang sinasabi ko dati sa mga kaaway ko noong high school at college pero iba na ito. Hindi ko siyang pwedeng tawaging insecure.

“I know that. Pero kilala mo ba kung sino ako? Ako si Nikee Servilla at alam mo ba kung gaano maiiskandalo ang pangalan ko kung may ibang nakaalam nito? You’re stupid. I married a stupid woman. Ako ang tatayong ama ng dinadala mo, you understand?!”

Pagkatapos nun ay umalis na siya. Napaupo ako. Nanginginig ang kamay ko at humawak ako sa lamesahan. Natatakot ako na baka bigla na lang akong matumba.

Kinakasal ang iba dahil mahal nila ang isa’t isa. Kinakasal ang iba dahil nabuntis yung babae at napipilitan sila. Kinakasal ang iba dahil pinilit sila ng mga magulang nila. Kinakasal ang iba dahil yung isa ay ginigipit ng pamilya ng isa. Kung yung iba, may chance pang magmahalan…

Pero me? I promise from this day forward that I will never ever love Nikee Servilla. Gagawin kong impyerno ang buhay niya.

“Mika, are you okay?” Tanong ni Anthony na kapapasok lang.

“A-Anthony…”

Hindi ko na kayang pigilan. Tumayo ako at mabilis na yumakap sa kanya. Hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko. Hinayaan ko na rin na i-comfort niya ako.

Kinain namin yung cake na bigay ni Anthony at inilagay ko yung flowers sa isang vase. Kahit papaano ay napagaan ni Anthony ang loob ko.

“So tell me Mika, how is it like to have a baby?”

Tumawa ako. Kanina pa kami nag-qquestion and answer dito.

“I don’t know. Honestly. And buti na lang at pinakinggan ko yung doctor, I think hindi na grabe yung morning sickness ko.”

“Why is it called morning sickness kung hindi naman talaga siya sa morning?”

“How should I know? Go google it. Where are you from Anthony Dawson? Wala pa akong alam tungkol sa’yo.”

“Sa office ko, if you remember, sa 5th floor siya.” Sagot niya.

“Hindi ko tinanong kung saan ang office mo noh. Tell me something about yourself. And I don’t want anything na pwede ko namang malaman sa bio-data mo.”

“Eh tinatanong mo kung saan ako galing eh. Sinagot ko lang tanong mo. Well, hindi naman masyadong interesting ang buhay ko pero nangarap din akong maging film director minsan.”

“Talaga? Bakit di mo tinuloy?”

“Because I saw you walking towards this building and… I just had to follow you.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“So, see you later Mrs. Servilla?”

Tumango na alng ako at umalis na siya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Naalala ko pa yung unang beses kong nakita ko si Anthony. Nagpumilit siyang pumasok at sinubukan siyang pigilan ni Amy pero in the end, nagwagi si Anthony at nakapasok din siya sa office ko na nagdedemand ng interview. Gusto daw niya maging photographer para sa company.

Ang una kong naisip ay paalisin na siya dahil hindi naman namin kailangan ng official na photographer. Maraming freelancers na mas mababa ang sweldo. Pero nagdalawang isip ako, napahanga niya ako.

Wala siyang dalang kahit anong papers. Yung camera niya lang. Ipinakita niya sa akin yung mga pictures na kinuha niya. Magaling siya kumuha ng pictures pero gaya nga ng sabi ko, maraming freelancers. Idagdag mo na si Tasha. Pero yung last shot…

Dun na mismo ako napahanga. Picture yun habang papasok ako sa building. May hawak akong cofee at nung araw na yun, haggard na haggard ako. Marami kasi akong iiinterview at kagabi pa ako nagsscan ng mga résumé pero hindi ko nakita yung stress ko sa picture na yun. What I saw was a model in a fashion magazine sporting a business suit.

 Sinabihan ko siyang bumalik siya sa susunod na araw at pag-iisipan ko. Actually buo na isip ko na kukunin ko siya pero siyempre, pakipot muna ako. May pinuntahan ako the next day kaya hindi ko siya nakita kaya tinawagan ko na lang siya para sabihing tanggap na siya.

Masyado akong haling kay Paolo para bigyan pa siya ng mas maraming attention. Magka-age lang kami ni Paolo at si Anthony naman ay mas bata ng dalawang taon. Medyo awkward para sa akin yun noh kaya hanggang crush lang siya.

Pero ngayong wala na si Paolo… si Anthony naman ang nagpupumilit pumasok sa buhay ko para guluhin ang isip ko. Could my life get more complicated? I think so. With the baby and all. Haaayyyss…

“You have no choice but to keep moving forward Mika. That’s the only way you can reach the finish line. You give up now and you lose the race, and when you lose the race, you lose the game of life.”

Yan yung sinabi sa akin ni Dad dati nang iyak ako ng iyak dahil first time ko nun bumagsak sa isang subject nung college at…

Nalaman kong niloloko lang pala ako ng boyfriend ko. Nakikipagharutan siya sa isang babae na mas willing mag bigay ng katawan. Tsk. Iniwan ko si lalake pero sobrang na-depress ako. Hindi dahil minahal ko siya ng todo todo pero dahil hindi ako makapaniwalang niloko niya ako para sa babaeng di hamak na mas lamang ako ng isang milyong paligo.

Yung sinabi ni Dad ang lagi kong sinasabi ko sa sarili kapag nahihirapan na ako o nagkakandaleche leche ang buhay ko kaya ngayon…

You have no choice but to keep moving forward Mika. That’s the only way you can reach the finish line. You give up now and you lose the race, and when you lose the race, you lose the game of life.

Wala akong balak magpatalo. I’ll win the game of life. I can smell it. I can feel it.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon