28 - Kiss Time

427 18 18
                                    

Mika’s POV

What the?

Why is Kevin…

CRYING???

Please tell me nadala lang siya sa kanta. Nang matapos na yung kanta ay nakatayo lang si Kevin dun. Hinawakan niya ang pisngi niya at halatang naguluhan siya.

Natulala din yung mga bata.

“Hey, palakpakan naman natin si Kuya Kevin.”

*CLAP CLAP CLAP!”

Mukhang natauhan na din si Kevin at mabilis niyang pinunasan mga luha niya.

“O sige, magrerest na si Kuya Kevin.”

“Wag po munaaa!!!!!!” Sigaw ng mga bata.

“Kuya Kevin okay ka lang????” tanong nung isa.

“Oo naman, ako pa!” sagot naman ni Kevin.

“Isa pa! May ipapagawa pa kami!!!!”

“Ehh baka hindi na kaya ni Kuya Kevin niyo eh.”

“Ano yun lil girl? Kaya ko yan!” nakangiti si Kevin pero hindi umabot sa mga mata niya.

Ngayon alam ko nang there’s something behind those winks, smiles, and laughters. Hindi lang pala siya pa-charming o pa-cute. He’s going through something and gusto kong malaman kung ano man yun.

“Kuya Kevin, gusto namin mag-magic ka!”

“Mag-magic? Hmmm…”

Tumayo ulit si Kevin at parang nag-iisip.

“Hmmm… Alam niyo ba mga bata na kapag itong pisong hawak ko ngayon, nawala na lang bigla, hindi magic tawag dun.”

“Ehh ano po kuya?” tanong nung isang girl.

“Ang tunay na magic ay nasa palibot lang. Makikita natin yan kapag hinanap natin talaga.”

“Example nga po.” Sinabi naman nung isang boy.

“Yung pagsikat ng araw, yun palang magic na eh. Diba kapag araw, tumataas ang araw at nagliliawanag ang mundo pero kapag gabi naman ay bumababa siya at dumidilim naman.”

“Hindi naman po magic yun eh. Kaya may pagsikat at paglubog ang araw ay dahil nagrorotate ang Earth.” Natawa ako dun sa sinabi ng bata.

“Wah? Alam niyo na pala yun. Di bale, di lang yung ang magic. Gusto niyong makakita ng totoong magic?”

“OPO!!!!”

Tumingin si Kevin at binigyan ako nung nakakalokang ngiti niya.

“Kids, this is magic.”

Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

I know what he wants to do and I didn’t have the time to stop him.

“This is magic Mika,” bulong niya and kissed me on the lips…

I can’t breathe.

I can’t stop him.

I don’t want to stop him.

And as fast as it came, it was gone.

“That is magic kids. Love is magical. Kaya kayo, love your neighbors, okay?”

“Is something wrong Mika” tanong sa akin ni Nikee. Nandito na kami sa bahay.

Oo nga pala, natapos na naming naidistribute yung mga gifts para sa mga bata. Saka pa lang nun dumating si Nikee. Buti na lang dumating siya dahil hindi ako makatingin kay Kevin and it just feels awkward, okay?

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaWhere stories live. Discover now